II

70 3 0
                                    

Back from Beginning
Chapter Two

Nagising ako dahil sa bigat ng ulo ko. Pakiramdam ko mabibiyak na ito sa sobrang sakit.

I opened my eyes when sunlight hit it. Halos hindi ko pa makita nang maayos ang paligid ko.

Why do I feel physically empty? Why do I feel very vulnerable and free?

Bakit pakiramdam ko ang lamig ng paligid? And I feel so bare!

Wala sa sarili kong tinignan ang kumot na nakabalot sa akin. This is not my blanket! I don't have a gray colored blanket!

Nilingon ko ang paligid ko. Hindi ito ang kwarto ko!

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang may umungol sa tabi ko. Mabilis ko siyang nilingon.

Nalaglag ang buong kaluluwa ko nang nakitang umikot ang pamilyar na tao sa gilid ko para ayusin ang pwesto niya sa kama.

Para akong nakakita ng multo nang unti-unting naproseso ng utak ko na si Noah nga iyon!

"No way!!!!" I screamed inside my head.

Mabilis kong tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. This can't be happening! Bakit wala na akong damit!?

Nilingon ko ulit ang paligid namin. Dahan dahan akong tumayo habang binabalutan ang sarili ng kumot.

Panic took over me. And questions flooded my brain.

Paano ako napunta dito? Paanong nakarating ako sa kwarto ni Noah, and worse, mukhang may nangyari pa sa amin?!

Hindi naman ako uminom! Paanong pakiramdam ko, lasing ako? How did I even end up here without knowing how I got here?!

Hindi ako patapong klase ng babae!

Naiiyak na talaga ako, pero kailangan ko nang umalis. I need to go before Noah even wakes up! Ano nalang ang magiging tingin niya sa akin pag nakita niya ang kalagayan namin ngayon?

Dahan dahan akong umalis ng kama. Halos hindi na ako humihinga sa bawat galaw ko, afraid that my actions would wake Noah up.

Kaya ganun nalang ang gulat ko nang nakita sa salamin na gising na si Noah at nakaupo na sa kama. Nalaglag ang panga ko sa itsura niya.

Drop-dead gorgeous human being! Topless at bagong gising na Noah ang almusal ko ngayon pero bakit hindi ko magawang maging masaya?!

Mabilis ko siyang nilingon at patay malisya na binati. He just looked at me without giving out any expressions.

"G-Good morning... uhh, don't mind m-me... n-namali ata a-ako ng k-kwarto..."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti, kahit na gustung gusto ko na umiyak.

"S-Sige lang matulog k-ka lang..."

Binalot ko ang sarili ko ng kumot na dala ko. Tinali ko iyon para hindi mahulog kapag tumakbo ako. Unti-unti akong lumapit sa pintuan. I hope he lets me go kahit na alam kong lame ang palusot ko!

I screamed when a hand suddenly grabbed me and pinned me on the wall.

Sunud sunod ang paghinga ko dahil sa gulat at bilis ng pangyayari. Next thing I knew, nasa harapan ko na si Noah, hawak ang mga kamay ko sa taas ng ulo ko.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon