XIII

36 2 0
                                    

Back from Beginning
Chapter Thirteen

Nauna akong nagising ngayon kay Noah. I bet he's still having hangover from last night, kaya ako na ang nag prepare ng breakfast namin.

Late na rin akong nakatulog kagabi. Pagod ako pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi.

I prepared the easiest to cook for breakfast: fried eggs and bacon strips. Pinagtimpla ko na rin ng kape si Noah. I know he'll need this after that heavy dosage of alcohol.

Kung nakikita talaga kami ng ibang tao ngayon, they would think we're a married couple.

Gosh, maiinlove pa ako sa nilalang na ito? If that happens, ano kayang magiging itsura namin kapag naging kami or kapag kinasal na kami?

"Para kang linta na binudburan ng asin, Julia."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Noah sa may kitchen counter. Kinukusot niya pa ang mata niya habang nakahawak ang isang kamay sa puno ng ulo niya.

"Stop it. You're giving me a headache."

See? Kagabi sobrang sweet at caring, tapos ngayon back to normal nanaman ang ugali niya. Sana araw araw nalang siyang lasing, baka sakaling makalimutan kong fake ang relationship namin dahil sa pagiging sobrang caring niya.

"Naalala mo kung anong nangyari kagabi?"

Nanlaki ang mga mata niya. Halos matawa ako sa reaksyon niya.

"Don't tell me something happened between us again?! Nalasing lang ulit ako, you took advantage of me again?!"

Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi niya. I did not expect that!

"Hoy Noah! For your information, kahit malasing ka at kahit malasing ako, kahit pareho tayong malasing, I will not let anything happen between us ever again! Never!"

Napahawak ulit siya sa puno ng ulo niya. It's like I'm giving him real headaches this time.

"My god, Julia, tone down your voice! Kaaga-aga eh!"

I inwardly rolled my eyes. Kasalanan niya kung bakit nagkakaganyan siya, he did this to himself. Sino ba nagsabi sa kanyang uminom siya nang uminom kahit na alam niyang mahina ang tolerance niya sa alcohol?

"So anong sinasabi mong nangyari kagabi?" he started again nang medyo kumalma na kaming dalawa.

I let out a heavy sigh. "Hindi mo naaalalang sobrang sweet mo sakin kagabi? You even freaking kissed me on the forehead."

Para siyang iniwan ng kaluluwa niya nang nilingon ko siya. I bet what happened last night was worse than what accidentally happened to us last time, for him.

"Wala akong maalala, Julia. I was drunk."

Pilit akong ngumiti. What should I expect? Na sinadya niya yun? Of course, he did that because he was drunk, dahil kung hindi naman, hindi rin siya ganun kasweet.

Drunk Noah can easily fool everyone, lesson learned.

Tumango nalang ako at sinamahan siyang kumain ng almusal. Pareho kaming tahimik pagkatapos noon. I bet he needs the quiet time right now, given that he's having headaches because of the hangover.

"Good morning!"

Muntik kong mabitawan ang baso ko nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Des. She's so energetic in the morning!

Napailing nalang si Noah at nagpatuloy sa pag inom ng kape niya. Lumapit sa amin si Des nang nakitang kumakain kami.

"Who prepared breakfast this time?"

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon