Back from Beginning
Chapter SevenPara akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ang request niya.
Paano nalang ang reputasyon ko sa pamilya ko kapag nakita nilang hubu't hubad akong kasama ko si Noah sa isang hotel? Or how will people look at me thinking I've done something bad with Noah?!
Paano nalang rin ang magiging imahe ni Noah? He is an idol and girls adore him so much. Kapag lumabas ang article na may scandal siya, he will be ruined!
"It's just a minor scandal—" parang ang simple lang para kay Eduard ng pinapagawa niya.
"Stop Eduard. That's enough." puno ng awtoridad ang boses ni Noah nang sinabi niya iyon.
"Would you calm down, Noah? I'm not demanding anything, it's just small talk." mayabang na sagot ni Eduard.
Tinaasan ng kilay ni Eduard si Noah. I bet he's not a bit threatened with Noah's tone.
"Ikaw lang ang celebrity na nakakapagsalita ng ganyan sa akin, Noah. Who do you think you are? Dahil lang sikat na kayo, sa tingin mo, mauutusan mo na ako nang ganyan?" Eduard challenged him.
Nagulat ako nang tumayo si Noah dahil sa galit. I immediately stood up and held his hand again.
"Noah, please..." I pleaded.
"Don't worry. Do that and I'll take a picture of you and your girlfriend on bed. You want that, huh, Eduard? Irerelease ko rin yun if that makes you happy." Noah answered back.
I can already feel the tension around the room. Gusto ko nalang magtago sa kabilang kwarto at iwan sila dito!
Nagising nalang kami nang umubo si Des at kalmanteng nakaupo pa rin sa upuan.
"Actually, kilala ko ang boss mo, Eduard, and I heard he's a very strict man. Nakaclose ko siya last summit meeting." confident na sabi naman ni Des.
Nagulat ako nang si Noah naman ang humawak ng kamay ko. Nilingon ko siya.
"Don't worry..." he whispered to me.
Nananaginip ba ako o talagang mabait sa akin ngayon si Noah?!
Gosh this interview is going to kill me.
"Kaso narinig kong magreretire na siya and the next director is my close friend—"
"Binablackmail niyo ba ako?!" Eduard screamed like a spoiled brat losing a debate.
"You're thinking too much. It's just small talk, Eduard." natatawang sabi ni Des.
Hinila na ni Des si Eduard palabas ng kwarto kaya naiwan kami ni Noah sa loob. We both just let out a heavy sigh of relief nang nakalabas na si Eduard. Siguro pareho kaming napagod mentally sa pagdating ng reporter na iyon dito.
Unang interview palang, halos hindi na kami makahinga dahil sa kaba at intensity! Paano nalang kaya kapag nag demand pa ang ibang reporters ng interview?
Bumalik si Des sa loob kaya naalerto ulit kaming dalawa ni Noah. He shifted on his seat when she came in.
"New arrangements, Noah is going back to Manila para sa mga shooting at kung anu ano pa."
Nilingon ako ni Des. She just let out a heavy sigh nang nakita ako.
"I want you to live in Manila with Noah. It's for the best."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. She wants me to live with Noah in Manila?!
Hindi ganun kadali iyon!
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
RomanceKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...