Back from Beginning
Chapter FourteenTahimik lang kaming dalawa buong byahe. Nagsama ng driver si Noah dahil medyo malayo daw ang Antipolo, he might accidentally get asleep habang nagdadrive.
"Julia, andito na tayo."
Nilingon ko ang bahay kung saan kami huminto. Napanganga nalang ako sa laki noon, it's a freaking mansion!
Mayaman na ba talaga sina Noah bago pa siya naging member ng Next Cycle?
Siya na ang nagdala ng mga gamit ko papasok ng bahay. Agad kaming sinalubong ng mga katulong nila.
"Sir, welcome po." bati sa kanya ng mga ito.
"Sina mommy po?" he responded.
"Nasa sala po sir. Tawagin ko lang saglit."
My eyes drooled at the sight of the mansion. Pakiramdam ko lahat ng gamit dito sa loob, mamahalin.
The shiny marble floor looked slippery and very clean. Ang mga furnitures ay gawa sa matitibay na kahoy, I can almost imagine the humongous amount of money they used for this mansion!
"Noah!"
Niyakap si Noah ng isang babaeng kasing tangkad niya lang. Her short wavy brown hair danced as she approached Noah.
"Sunny, you're choking Noah."
Natulala naman ako sa bagong dating. She looks like a woman in her mid-30's, her sophisticated look screams her power. Pakiramdam ko, matutunaw ako sa aura niya.
Bumitaw ang babaeng nakayakap kay Noah at bumaling sa akin. Her eyes widened as she saw me. Tinignan rin ako ng babaeng dumating.
"This is?" the girl who hugged Noah asked.
"You must be Julia, Noah's girlfriend?" sabi naman nung babaeng nasa mid-30's.
Noah let out a heavy sigh. Binaba niya muna ang mga dalang gamit at lumapit sa akin.
"Mommy, Ate Sunny, this is Julia, my girlfriend."
Nilingon ko si Noah dahil sa gulat pero agad ko rin namang binalingan ang mommy ate niya nang naalalang nasa fake relationship nga pala kami.
"H-Hello po..."
They both happily smiled at me. Nagulat pa ako nang niyakap ako ni Ate Sunny.
"Welcome to the family, Julia... I mean, mansion."
Nang bumitaw siya ay nilingon ko si Noah. Seryoso lamang siyang nakatingin sa amin.
"Kumain na ba kayo?" his mom asked.
"Oo na po mommy, kumain na po kami sa byahe." narinig ko ang pagod sa boses ni Noah.
"Will Julia be sleeping in your room or —"
"Ay hindi po!" I immediately answered his mom's question.
Lahat sila nagulat sa reaksyon ko. Even I was too shocked at my own reaction.
"I-I mean, b-bata pa po kami. Hindi po kami dapat magsama sa iisang kwarto lang..." I almost murmured my last words.
Parehong natawa sina Ate Sunny at ang mommy ni Noah. The latter just shook his head and walked to the stairs.
"I like your girlfriend Noah, hindi katulad nung mga naiissue sa'yong mga sikat na artista. Julia is traditional and conservative." Ate Sunny commented.
"Hija, don't worry. We have a lot of guest rooms here, I won't let you sleep with my son if that's what you want."
Oh, I can almost hear Noah's mind right now. Feeling ko, iniisip niya nanaman 'yung nangyari sa amin sa hotel the first time we met.
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
RomantikKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...