VI

31 3 0
                                    

Back from Beginning
Chapter Six

Tinignan ko ang suot ko. I looked so plain!

Nilingon ko naman si Noah na naka casual attire pero mukhang rarampa pa rin sa catwalk.

I looked at myself again, looking plain, wearing only a plain white shirt and black ripped jeans.

"Make-up team? Ayusan niyo na ang dalawang 'to. It should look natural yet dashing at the same time. Simple pero hindi mukhang dull and boring." utos ni Des sa mga staff.

May dalawang babaeng lumapit sa akin. They guided me to a room filled with lights again.

Pinaupo nila ako sa tapat ng isang salamin na puno rin ng ilaw. I guess they're my make up team.

"Ang swerte mo naman maam. Si Noah ng Next Cycle ang boyfriend mo." one of the make up staff commented.

I only smiled and looked at myself in the mirror. Siguro nga talaga ang swerte ko namang ako pa ang napili ng nag set up kay Noah.

They began to put make up on me. Medyo hindi ako kumportable dahil hindi ako sanay sa mga ganito.

Nang natapos nilang ayusin ang buhok ko naman ay napangiti sila sa finished product. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. A lot changed! Pero hindi naman masyadong halata.

"Is my girlfriend ready?"

My heart leaped when I heard Noah's voice from behind. Halos kinilig rin ang mga make up artists na kasama ko sa kwarto.

"Noah..." I called sweetly.

Lumapit siya sa akin at tinignan ako sa salamin.

"You look ready. Tara na?"

Wala sa sarili akong tumango sa sinabi niya. I stood up and walked with him.

Pinanuod ng mga staff ang bawat galaw namin. I bet they're very curious about our relationship.

"Relax lang kayong dalawa ha? Yung parang normal lang kayong nagseselfie kapag nagdedate kayo."

Napalunok ako sa sinabi ng photographer. How can I relax when I never even experienced dating Noah? Paano ko malalaman ang feeling na para lang kaming nag selfie kung never pa kaming nagselfie?

Natulala ako nang naalala ang mga panahong kasama ko si Marco noon. We used to date at parks, eat simple food and laugh at random stuff.

Now that I remember it, never pala kaming nagkaroon ng picture na magkasama kami. I was so focused on making the relationship private, hindi ko na naisip na magpapicture kasama siya.

Nagulat ako nang may sinabi si Des na hindi ko naintindihan. Naramdaman ko din na tensed si Noah sa tabi ko. He looks uneasy about the photoshoot.

Napa facepalm nalang si Des sa likod ng photographer habang pinapanuod kami.

"Noah, akbayan mo ang girlfriend mo. What are you guys? Elementary kids na bago lang sa relasyon?" utos ng photographer.

Mas lalo akong kinabahan. Narinig ko namang bahagyang naubo si Noah kaya nilingon ko siya.

Nagulat nalang ako nang may biglang pumalo kay Noah sa gilid niya. Lumayo agad ako para hindi madamay.

"Noah, tulungan mo naman si Julia!" pabulong na sigaw ni Des kay Noah.

"What?!" patay malisyang tanong ni Noah.

"Nahihirapan yan kasi hindi yan sanay. At least help her out."

I looked away when she said it. Tama naman siya, wala nga akong experience sa ganito.

"Hindi rin naman ako sanay sa couple photos ah? This is my first time shooting with a partner." bulong pabalik ni Noah.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon