Back from Beginning
Chapter EightPagkatapos kaming kausapin ng dean ay lumabas agad kami ng office. I was so bored there, pakiramdam ko, si Noah lang ang nag enjoy dahil panay ang fanboying ng dean namin sa kanya habang nag-uusap sila about sa credentials ko.
"Magkita nalang tayo sa bahay niyo. I need to do something."
Tumango nalang ako at hinayaan siyang mauna sa paglalakad. I stayed and thought about what to tell Kim.
Sa huli ay napagdesiyunan kong dumaan sa classroom ng huling pasok niya ngayong araw. Baka sakaling andun siya.
Uwian na nang dumating ako doon. Naabutan kong palabas na ng room si Kim kaya nilapitan ko siya agad.
She was so excited to see me kahit na nagkita palang kami sa dorm nila kahapon.
"Uy, bakit di ka pumasok?" salubong niya sa akin.
"Wow, hello to you too, Kim." I replied.
Tumawa lamang siya bago nagpaalam saglit para bumalik sa loob ng room. When she came out, may dala na siyang malaking box. Enough to contain some things and papers.
"Kim?" puno ako ng kuryosidad sa hawak niyang kahon.
"Nakalimutan kong nabasa kong lilipat ka na nga pala sa Manila... I fixed some of your things at nilagay ko diyan sa kahon, baka sakaling gusto mo dalhin sa Manila."
I suddenly felt guilty because of her statement. Nabasa niya na agad sa balita ang pagpunta ko sa Manila, ni hindi man lang ako nagkaroon ng chance na ako mismo ang magsabi sa kanya.
"Kim, sasabihin ko naman talaga sana sa'yo nang personal eh, kaso naunahan nanaman ako ng mga reporters."
She gave me a sad smile that only made me feel more guilty.
"So totoo nga talaga pala..."
Binalot kami ng katahimikan pagkatapos noon. I decided to break the silence again nang nakaalis na kami sa hallway.
"Hindi ko na hahayaang unahan pa ulit ako ng reporters o posts o comments next time." I reassured her.
"Huwag mo akong kakalimutan pag sikat ka na ah." rinig na rinig ko ang lungkot sa boses niya and I don't even know where her sadness is coming from. It's not like I'm going abroad at wala nang kasiguraduhan ang pagbalik ko!
"I'll invite you there kapag nakapag settle na ako sa bagong titirahan ko."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Settle?! OMG! Ikakasal na ba kayo? Wow ah, settle! Big word!"
Pareho nalang kaming natawa dahil sa sinabi niya. I cannot believe she's laughing at that word.
She helped me bring my things hanggang sa nakalabas kami ng building. Malapit na kami sa gate nang may narinig kaming tumawag sa akin.
"Julia! Julia!"
Pareho naming nilingon ang tumawag and I was shocked with her presence once again.
"Here we go again..." Kim murmured beside me.
Her annoying voice echoed around us. Kahit kailan talaga 'to si Chanel, parang nakalunok ng megaphone!
Pareho namin siyang nilingon. She just eyed me from head to toe.
"Aalis ka?" in her high pitched voice.
"Oo, bakit?" like I said, we're not friends para magshare ng maraming details tungkol sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
Roman d'amourKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...