XXXIX

19 2 2
                                    

Back From Beginning
Chapter Thirty-Eight

Nang umuwi ulit ako ng Bicol, my friends asked me about the issue and scandal pero hindi ko sila sinagot.

I isolated myself from everyone. I even kept my distance from the people around me.

Des already made arrangements in my school para makagraduate pa rin ako kahit na nasa bahay lang ako. She also arranged for me to take online classes with my professors.

Ramdam ko rin ang pag-aalala nina mama at papa, but I just can't face them. Araw araw ko rin ipinapanalangin na sana huwag nila akong tanungin tungkol kay Noah.

Sinarado ko rin ang cellphone ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Noah kung sakaling magtext man siya o tumawag.

Minsan, binibisita ako ni Kim sa bahay. She would entertain me by staying the night and watching movies with me.

The week quickly passed by at kailangan naming bumalik sa Manila para sa graduation ko. Nauna na ang graduation nina Kim kaya madali silang nakasama sa amin sa Manila.

"Are you sure you're okay now, Julia?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kim.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Isang linggo na ang dumaan pero hindi ko pa rin kinekwento sa kanila ang totoong nangyari sa amin ni Noah.

We booked two rooms in a hotel near my school. Mas mabuti na daw iyon kaysa maghanap pa kami ng hotel sa malayo.

Maaga sa umaga ang graduation namin, kaya maaga rin kaming nag-asikaso kinabukasan.

"The toga? Your dress, is it okay?" my mom is already panicking and I wanted to laugh at her right now.

"Ma, relax. Okay na po ang lahat."

She nodded and I gave her a hug.

"Ma, relax lang ah? I don't want you stressing over my graduation."

I felt her nod again kaya bumitaw na ako sa yakap namin.

We rented a van dahil hassle maglakad or magcommute papunta sa school. Mainit ang panahon at hagard na akong makakarating sa school kung magcocommute lang kami.

I pressed my palms habang papalapit nang papalapit na kami sa school. Naroon kaya ang Next Cycle? Di ba alumni si Ace doon? Inimbitahan kaya sila ng school? Will Noah be attending the graduation? Kung andun nga siya at magkita kami, what will I even say to him? What will I do?

"Sa tingin mo, pupunta doon ang Next Cycle?"

Nagulat ako sa tanong ni Kara pero nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Abnormal ka talaga, taboo nga yan." narinig kong bulong ni Danielle sa kaibigan namin.

Nang nakarating kami sa venue, nakita ko agad si Ella. She hugged me tight at halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

"Ma, ito po pala si Ella. Classmate ko," pagpapakilala ko sa kanya.

"Hello po!" Ella happily greeted my parents.

"Ella? That's a nice name," bati naman sa kanya ni mama.

"Actually, Marienela po. Pero ang haba masyado kaya Ella nalang."

She also greeted my dad and friends na unang beses niya palang na nakita ngayon.

Sabay kaming pumunta sa upuan namin. Dumiretso na rin sina mama sa upuan para sa family and relatives.

Medyo mabilis lang rin natapos ang graduation ceremony. Everything still felt surreal.

Parang kailan lang nung lumipat ako dito tapos ngayon, graduate na talaga ako.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon