XXVI

36 2 0
                                    

Back From Beginning
Chapter Twenty-Six

"Suzie?" I called her when she appeared behind the tree not so far from us.

Inirapan niya ako at saka inayos ang sarili habang nakahawak pa rin sa puno. She murmured something pero hindi namin naintindihan.

Natahimik kaming tatlo. She was obviously eavesdropping pero hindi ko na iyon babanggitin. She doesn't need another blow of humiliation right now.

Nilapitan ko siya at iniwan si Noah kung saan siya nakaupo. Hinayaan niya naman ako.

"'Yung kanina pala... alam mong hindi ako magpapasalamat sa'yo di ba?" nag-iwas siya ng tingin.

Nilingon ko si Noah for back up. He just shrugged his shoulders and looked away. I guess, hindi niya narinig ang sinabi ni Suzie.

"May gusto ako kay Noah... and you are a rival, kaya hindi ko kayang mag thank you sa'yo."

I was blown away by her brave confession.

"Hindi pa naman kayo mag-asawa kaya alam kong may chance pa ako. I can still break you apart."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto siya kay Noah, or was she just too good at concealing her feelings? But... why confess to me now?

"A-Alam ko." I smiled at her. "But I won't give him up for you or anyone else."

She smiled and it shocked me. Akala ko, mag-aaway kami dito ngayon.

"I like you. You are worthy of becoming my rival."

"Ayusin mo muna 'yung problema mo bago mo sabihin yan." wala sa sarili kong sagot sa kanya.

She flipped her hair and made a dramatic exit. Napailing nalang ako habang nakangiti sa kanya. That was one eventful conversation I never expected to have with Suzie.

Sinulyapan ko ang tahimik na natutulog na si Noah sa may puno. Tignan mo 'to, ang bilis makatulog.

I stared at him while he slept. He looked so gentle and at peace, sleeping soundly under this tree.

Nilapitan ko siya para mas matitigan pa ang mukha niya. Napangiti ulit ako nang napagtanto kung gaano ako kaswerteng nakilala ko si Noah, not just as his fan but I got to learn more about him.

"Not happening Julia."

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita habang nakapikit.

"What?!"

"I said, kung ano man ang balak mo sa akin ngayon, that's not happening."

I almost puked at his statement. Wow ha! Sana tulog nalang siya, mas okay talaga siya pag tulog siya!

Pinalo ko siya nang malakas sa braso niya kaya napamulat siya. Nanlaki ang mga mata niya pero sinapak ko ulit siya.

"I'm not a pervert!"

Natawa siya sa naging reaksyon ko. I can't even laugh because of what he implied earlier.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon