Back from Beginning
Chapter FiveThe tears won't stop falling habang naglalakad ako pauwi. I wanted to think about things habang naglalakad pero hindi mawala wala sa utak ko ang pinag-usapan namin nina Marco kanina.
I immediately wiped my tears as soon as I saw our gate. Nakita ko na rin ang kotse ni daddy kaya siguradong nakauwi na sila.
Naabutan ko silang nanunuod ng tv sa sala. Pareho nila akong nilingon nang dumating ako.
"Julia anak!" masayang bati sa akin ni papa.
I immediately kissed them both on their cheeks. Niyakap naman nila ako nang mahigpit.
"Ang rami palang pumunta sa meet and greet event ng idol mo, anak. Buti nakakuha ka ng upuan sa unahan."
Ngumiti ako sa sinabi ni mama. Thoughts of Noah entered my head again.
Pinanuod ko ang mga magulang ko na masayang masaya habang nanunuod ng balita tungkol sa meet and greet event ni Noah kahapon. I can't imagine the day I won't see their smiles again dahil lamang laman ng balita ang anak nila lagi, sa rason na involved ito sa isang sikat na celebrity.
I can't also risk their privacy. They are working hard for our company and I can't let my issue with Noah get in they way of their business.
Tama nga ang naisip ko, there's no other safe way to get out of this mess than to agree with them. At least, makakahingi pa ako ng mga kondisyon sa pagpayag ko, katulad ng involvement ng mga magulang ko. I can request for my parents' privacy separation with my issue.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Des ng desisyon ko. She gave me her number before we parted ways in the hotel.
Hindi pa tumatagal ng ilang minuto ay nakatanggap agad ako ng tawag galing sa kanya. I answered it immediately.
"Julia, are you sure about that decision? Wala nang bawian ah!"
Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Oo, Des... on one condition."
"Name it."
Huminga kuna ako nang malalim bago sumagot.
"Labas ang pamilya ko dito. They can't be involved with this, okay?"
Binalot kami ng matinding katahimikan. I know my condition's a lot to process.
"Okay, Julia. I can spare them from the interviews and harrassment from paparazzis."
Napangiti ako sa sinabi niya. At least she agreed and we're both clear with that.
"Pumunta ka dito sa hotel bukas bago kami umalis ni Noah. We're going to talk about our contract and agreement on this matter, professionally."
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag-asikaso sa meeting namin ni Des. Nagpaalam na rin ako kina mama pero hindi ko sinabing si Noah ang pupuntahan ko. They will surely laugh at me, o di kaya ay mag-aalala ang mga iyon nang lubusan. They might think I'm head over heels in love with Noah.
The hotel was swarming with Noahtics when I arrived. Nakapila sila pero para silang mga gutom na leon na nakapila para sa pagkain nila.
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
RomansaKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...