Back From Beginning
Chapter Forty-TwoI felt so weak and unfocused during the next days. Nagagawa ko naman nang maayos ang mga reports at tasks ko pero pakiramdam ko, wala akong kaluluwa ngayon.
"Miss Julia, off na po tayo. Hindi ka pa uuwi?"
Nagising ako sa tawag sa akin ng intern ko. I just nodded and changed my sitting position.
"Pagod lang ata ako."
"Baka stress yan doon sa fashion icon na hindi natin nakuha for interview? Ano nga ulit pangalan nun? L? Okay lang yun, wag mo na pansinin 'yung sermon ng head natin."
I shoved my face on my desk. Pakiramdam ko talaga, pagod na pagod ako ngayon.
"Nakakuha na ako ng appointment sa kanya. May interview ako sa kanya ngayong gabi." wala sa sarili kong sabi sa kanya.
"And then? Ano pang problema?"
I facepalmed.
"May inarrange rin na blind date sa akin ngayon si mama, pero mas importante ang trabaho."
"Yun naman pala! Tara tuloy, samahan na kita sa interview. Ditch that blind date!"
Nakakainggit ang enthusiasm ng intern ko. How I wish I can get my energy back.
Tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag. Nakita ko ang pangalan ni Enzo kaya sinagot ko agad iyon.
"Enzo, sorry may interview pala ako nakalimutan ko. Hindi muna tayo makakapag dinner ngayon. Tapos may inarrange pang blind date sa akin si mama, but I don't plan on meeting him. Busy ako eh." bati ko sa kanya.
"Open the door."
Tinignan ko ang intern ko but she looks just as clueless as I am.
Tamad kong binuksan ang pintuan ng office namin. Sinalubong naman ako ni Enzo na may dalang mga plastic.
"Nice to meet you, Miss Ramirez. I'm Lorenzo from L Fashion."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"And I'm your blind date."
Mas lalong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. What the hell!?
"I believe we have an interview and a date tonight?"
Wala sa sarili akong tumango. I guided him to the long table. Sumama rin sa amin ang intern kong mukhang naaawkward na sa sitwasyon.
"Miss, di ba siya yung kaibigan mong laging andito?" she whispered to me when she found the chance.
"Oo, hindi ko 'to ineexpect if that's what you're asking." I murmured back.
Inayos ni Enzo ang mga pagkain na dala niya sa long table. Nagtaka pa ako nang may dala pa siyang wine, nagmukha tuloy date ang normal dinner namin.
"Di mo naman nasabi sa akin na ikaw si L." I murmured.
"Well, I wanted to surprise you." natatawa niyang sabi.
"Tapos hindi mo rin sinabing ikaw ang kablind date ko..." bulong ko ulit.
"Well it surprised me to know na ikaw rin pala ang kablind date ko." he replied.
I started eating the food he brought. Mukha pang galing sa mamahaling restaurant ang dala niya.
"Why did you even agree with the blind date?" the curiousity got out of the bag, thank goodness!
"Hindi ko rin naman nga alam na ikaw ang kablind date ko. Nalaman ko nalang kanina dahil sa clues, so I came."
The silent atmosphere was almost killing me. Pakiramdam ko, nasusuffocate na rin sa katahimikan ang intern ko.
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
RomanceKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...