Back From Beginning
Chapter Thirty-Three
Weekend came so fast.
Natapos na rin ang orientation week at kailangan ko nang mag-impake para sa pag-uwi ko ng Bicol.
"Ihahatid mo ako sa airport?" tanong ko kay Noah nang pinanuod niya ako sa pag-iimpake ko.
"Syempre, sino pa bang maghahatid sa'yo? Wala namang ibang concerned sa'yo dito maliban sa akin."
I rolled my eyes and put my clothes inside the suitcase.
"I'm the only friend you have here." mayabang na sabi niya.
"In case you forgot, I still have Ria and Ella." I gave him a smirk bago ko siya tinalikuran para pumunta sa bathroom.
Pagkatapos ng lahat ay, katulad nga ng sabi niya, hinatid niya ako sa airport. Nakapambahay lang siya but he still needed to wear aviators and a face mask to avoid his fans.
"Call me kapag nakarating ka na doon."
I nodded and waved goodbye bago ako pumasok sa terminal kung nasaan ang eroplanong sasakyan ko.
The trip felt long kahit na isang oras lamang iyon. Siguro dahil sobrang excited na akong makauwi.
Mom and dad welcomed me at the airport. Buti naman at walang masyadong nakakakilala sa akin doon kaya hindi masyadong agaw pansin ang pag dating ko.
"We already planned on visiting you there, kaso naunahan na kami ni Noah. Binalita niya agad sa amin na uuwi ka. Sayang nga lang, hindi siya pwedeng sumama." kwento ni mom nang nakarating kami sa bahay.
"Of course, he needs to celebrate his Christmas vacation with his family, mom."
Dumating rin sina Kim, Kara at Danielle nung hapon. They insisted on visiting me bago rin sila umuwi sa kanya-kanyang mga probinsya para sa Christmas vacation.
They interrogated me about my relationship with Noah the whole afternoon. Binigay ko rin sa kanila ang pasalubong kong pictures nina Fausto na may kasamang autograph nila. I asked for it on the day of their recording na naroon din ako.
Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Mom and dad always brings me along with them kapag pumupunta sila sa Daet o Albay para sa business appointments nila.
Kapag naman may vacant time sila, dinadala nila ako sa mall para magshopping. Minsan, nagugulat pa ako kapag may nakikita akong picture ng Next Cycle sa mga brand ng damit na panlalaki, but I guess, kailangan ko nalang masanay na celebrities talaga sila kahit na nakakasama ko sila on normal days.
Then Christmas came. Nagpaka busy ulit ako sa pagpiprepare ng mga pagkain para sa noche buena. May katulong naman kami but I wanted to be busy that night.
"Anak, may tumatawag sayo." tawag sa akin ni dad.
I hurried my way to my room only to see Noah's name on my screen. Sinagot ko agad iyon as soon as I wiped my fingers on the towel.
"Napatawag ka?" bati ko sa kanya
"Duh, can you please be sweet kahit ngayon lang?"
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
RomanceKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...