XXXIV

23 2 0
                                    

Back From Beginning
Chapter Thirty-Four

Hindi ko namalayan kung ilang araw na ang lumipas. Mabilis na dumaan ang New Year. Dumaan na rin ang ilang weeks ko sa bago kong eskwelahan. Time felt so fast since the day I came here.

Ni hindi ko namalayang birthday ko na rin pala.

Naging busy ako sa school habang naging busy naman si Noah sa mga appointments nila during the past few days kaya nakalimutan ko na ang okasyon ngayon. I was only reminded of it when Kim and my parents called me so early in the morning para i-greet ako ng happy birthday.

"Nakakamiss ka na. Umuwi ka na ulit please?" Kim pleaded on the screen.

Kara and Danielle were too busy in front of their computers pero binati rin nila ako kanina.

"I wish I can. Uuwi ulit ako agad pag may pagkakataon."

"Chanel misses you, can you believe it?" natatawang sabi ulit ni Kim.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Chanel can be a loud mouth sometimes, pero totoong kaibigan rin siya. Mas totoo yun kay Nikka.

"Hoy bakla ka! May nabalitaan pala ako!" Kara suddenly shouted.

Nilapit sa kanya ni Kim ang phone kaya mukha niya na ang nakikita ko sa screen. She cut her hair, it looks good and she looks mature.

"Kasama mo pala 'yung magaling mong ex sa camp nung reality show niyo?!" Kara started to accuse me.

I inwardly facepalmed. Of course, they'd know that.

Nagulat naman si Danielle kaya napatayo na rin siya.

"Gaano kaliit ang mundo?!" gulat niyang tanong sa akin.

"No way!" Kim remarked.

And here I thought they all knew already.

"Chill guys. Uncle niya 'yung director. Long story pero tapos na ang camp. He came back home, I resumed my life here. End of story."

Tinaasan ako ng kilay ni Kara. Danielle adjusted her glasses, as usual and Kim just watched me.

"Siya kaya yung nagkalat ng kwentong magkasama kayo sa camp." Kara replied.

"He's just too proud na celebrity na ang ex niyang iniwan niya sa ere." Danielle rolled her eyes and I think that's the first time I saw her do that.

Hindi na rin ako magtataka kung si Marco nga talaga ang nagkalat ng issue na naging kami bago ako umalis ng Bicol. What's with him anyway?

The morning went on. Walang trabaho si Noah at wala rin akong pasok kaya nasa bahay lang kaming dalawa ngayon.

It felt so awkward, sitting in front of a table, inches away from him after all that happened this week.

All. That. Happened.

Hindi pa namin napapag-usapan kung anong nangyari nung nagbakasyon ako sa kanila. But I guess, it's best if we just leave it in the past.

Tahimik rin kaming pumunta sa dining table para kumain ng almusal. The silence around us is slowly killing me.

"We're going out." panimula niya bago siya nagsimulang kumain.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon