Back from Beginning
Chapter TenLumabas ako ng kwarto para kumain. Tumunog na ang tiyan ko kaya nagkaroon na ako ng lakas ng loob na lumabas ng kwarto.
I hid inside my room for minutes para lamang mawala ang kahihiyan na nagawa ko kanina. Sana naman nakalimutan niya na ang nangyari kanina.
Pakiramdam ko iniwan ako ng kaluluwa ko kanina. The dark and evil aura of Noah conquered my dignity, my reputation, my integrity... my whole self. At wala nang balak pang bumalik sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil hiyang hiya na talaga siya.
"Julia, are you hungry?"
Tulala pa rin ako kahit na narinig ko ang boses ni Noah. Wala pa rin sa sarili, dahan dahan kong inangat ng tingin ang nakatayo sa harapan ko. Nalaglag ang panga ko ng nakita ang ayos niya.
Damp messy hair, nakabathrobe pa rin siya, habang sinusuklay niya ang magulo niyang buhok.
This drop dead gorgeous man!
"N-Noa—" and the next thing I knew, everything went black.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Everything around me is dark and lonely.
Kahit saan ako lumingon, kahit saan ako tumingin, madilim. It's like I'm in an endless void of darkness.
Until Noah's face appeared and tried to breathe air in me.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang may naamoy na kakaiba. Mukha agad ni Noah ang sumalubong sa akin when I woke up.
"Gising ka na, I thought ammonia would wake you up..."
Umupo ako sa kama at tinitigan lamang siya. Nakaayos na ang buhok niya, and now it looks normal.
Why do you sound disappointed, Julia?!
"If you're okay now, lumabas ka na at kakain na tayo. Sabi ng doctor, gutom ka lang daw kaya hinimatay ka."
Tumawag siya ng doctor?! How overreacting can you be, Noah?
He left the room and closed the door behind him. How I wish lagi akong hinihimatay para lagi niya akong inaalagaan!
We silently ate breakfast together. Wala ni isa sa aming nagsalita tungkol sa nangyari kanina.
"You should prepare for today, Julia." Noah, when he finally decided to break the silence.
Inangat ko lang siya ng tingin habang patuloy lamang siya sa pagkain.
"We're going out."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang plano niya kung bakit kami lalabas. But if he plans to go out without bodyguards, kahit na naka disguise kami, wala pa rin kasiguraduhan iyon na hindi kami makikilala ng mga fans niya.
This is the first time we're going out as a couple, out in the public. Meaning, makikita kami ng mga fans niya, and it really makes me nervous.
What if they throw eggs at us again? Or worse, sabunutan nila ako? Good lord, ang buhay ko!
Kaya pagkatapos naming kumain, wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. I took a bath and prepared for whatever his plans is for this afternoon.
BINABASA MO ANG
Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)
रोमांसKaramihan ng mga babae ay nagnanais na mapalapit sa kanilang idol. Every girl dreamed of having a romantic scene kasama ang hinahangaan nilang artista. Even Julia was one of those girls. Nangarap rin siyang makilala at makasama si Noah, ang myembro...