III

45 3 0
                                    

Back from Beginning
Chapter Three

"Nastress ako sa mga paparazzis mo, Noah!" his manager exclaimed as soon as she entered the room.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Hindi ko na nga alam kung saan ako kukuha ng mukha na ihaharap kay Noah, dagdagan pa nitong manager niya.

She eyed me then looked at Noah next. Pakiramdam ko, tinatantya niya pa ang mga pangyayari sa aming dalawa. I bet she's furious at me right now.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na may girlfriend ka Noah. Akala ko, no secrets tayo. You know I would understand naman. Vaughn is pursuing an architect, Fausto is in a relationship. Karamihan sa inyo na nasa Next Cycle, may lovelife. I wouldn't mind kung magkaroon ka nga ng lovelife!" she exclaimed with much disappointment painted on her face.

"Hindi ko siya girlfriend, Des," mariin na sagot ni Noah na nakapagpasikip ng dibdib ko.

"So ano kayo? FuBu?! You know what that means right?" his manager almost shrieked because of her own statement.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kahit si Noah at namula dahil sa gulat at galit sa narinig.

"Hell no, Des! Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?! I don't know this girl and how she even got here in the first place!"

Tumango-tango lang ang manager niya kahit na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Nalasing lang ako nang konti, napagsamantalahan na ako ng isang pervert fan or paparazzi or whatever you are."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. How conceited can he be?!

"I am not a pervert at hindi kita pinagsamantalahan! Ang kapal mo!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Just because I've been admiring him for years, hahayaan ko nalang siyang magsalita ng kung anu-ano tungkol sa akin?! Hell no!

"Anyway, anyway. Let's all relax and calm down. Papaimbestigahan ko ang nangyaring ito, but we will not let the management know about this. Malalagot tayo kung sakali. Jusko!"

Halata na ang pagiging stressed sa mukha ng manager ni Noah. Gusto ko nalang maiyak dahil sa nangyayari. I don't even know kung paano ako napunta dito, ni halos hindi ko na maalala kung ano ang huling ginagawa ko bago ako makarating dito.

"Madali lang nating malulusutan ang problemang 'to. It's not much of a big deal. Ang problema lang natin, may ebidensya ang media ng tungkol sa one night stand or whatever happened here tonight."

Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa problemang ito. It's so complicated in all aspects!

"We need to maintain Noah's image, kailangan lang nating mag-issue ng statement or exclusive news about Noah's girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko. Gulat namang tinignan ni Noah si Des.

Mas lalo lamang akong kinabahan. Napunta ako sa ganitong sitwasyon not knowing Noah has a girlfriend. And what's worse is, baka isipin pa ng mga tao, other woman ako!

How could this happen to me?!

"M-May girlfriend si N-Noah?" wala sa sarili kong tanong sa kanilang dalawa.

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon