XII

38 2 0
                                    

Back from Beginning
Chapter Twelve

Everything seemed to move in a slow motion. Pakiramdam ko nasa romantic film ako, and we are moving in a way that we looked so in love with each other.

Nagulat siya sa akin pero pareho nalang kaming natulala sa isa't isa. He's still holding me in his arms and I don't know why I felt safe with him.

He chuckled and smiled at me. Halos malula ako sa lalim ng dimple niya. And I feel so blessed to see his majestic dimple up close!

"I think you're tipsy. Papunta ka sa powder room?"

Para akong masunuring bata kung tumango sa kanya. Bakit kaya ako biniyayaan nang ganito ng langit?

"Let me walk you there. Baka kung saan ka pa matisod o matumba pag hindi kita hinatid doon."

He helped me get up. For a moment, parang nawala ang hilo at alcohol sa sistema ko.

Sa awa naman ng universe, maayos kaming nakarating sa powder room at maayos rin akong nakapasok. He promised to wait for me outside kaya naman talagang nagising ang diwa ko dahil sa kanya.

"That's Enzo of Next Cycle outside the door, right?" narinig kong sabi ng isang babaeng pumasok sa powder room.

"Sino kaya hinihintay nun dito? Wala namang nababalitang girlfriend or rumored girl yun ah?" sagot naman nung isa.

Halos mamula ako dahil sa kilig. Ako po! Ako 'yung hinihintay ni Enzo sa labas!

Pero hindi ko pwedeng sabihin yun, or else, I'll make it to the headlines and Noah's image will be ruined.

Pangalawa kay Noah, si Enzo ang isa ko pang crush sa Next Cycle. Everything about him is so mysterious. He keeps a very private life at sa kanilang lahat na miyembro ng Next Cycle, he's the calmest and most quiet. And his personality and innocent face are what attracts the fans.

Aside from his looks, isa siya sa mga pinaka talented sa Next Cycle. He sings some of the high notes and he plays a lot of musical instruments. Isa rin siya sa mga gumagawa ng original songs ng Next Cycle.

Kalmado akong lumabas ng powder room. Naabutan ko siyang nakahandig sa pader, making it look like he's posing for a freaking photoshoot!

Nilingon niya ako at nginitian nang nakita niya ako. I also smiled and tried hard not to make him see kung gaano ako kinikilig sa presence niya.

"Are you okay now? Feeling much better?"

I gave him a thumbs up and a genuine smile this time. Sigurado akong wala nang alcohol sa sistema ko.

Sabay kaming naglakad palabas. Nagsimula nanamang maging maingay ang club kaya medyo hindi na kami nagkakarinigan.

"Where's your table? Kaya mo na bang pumunta mag-isa doon?" he shouted at me dahil sa ingay ng tugtog ng club.

Tumango ako. "I can handle myself, thanks again..."

"I'm Enzo, you are?" inabot niya sa akin ang kamay niya.

My heart ran miles because of his gesture pero agad kong kinalma ang sarili ko. I can't let him see that I'm actually fangirling on him right now!

"I-I'm Julia... thank you ulit Enzo." I accepted his hand for a handshake.

Ghaad! Ang lambot ng kamay niya. Help my chaotic heart!

He waved goodbye at me bago niya ako iniwan sa kinatatayuan ko. I watched him walk away from me.

Now, I wonder, wala siya sa party ni Fausto pero andito din pala siya sa club? Why is he not there?

"Julia!"

Back From Beginning #WATTYS2020 (Next Cycle Playlist #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon