Chapter 1

244 23 4
                                    


Chapter 1: Imagine

"Good morning Ate Talie!" Sigaw ko pagkapasok ko ng front door. Pumunta ako ngayon dito kila Blade dahil may sasabihin ako kay Ate Talie, older sister nila.

Saka wala naman kaming lakad ngayon ni bro so si Ate Talie muna ang guguluhin ko hahaha. Nakita ko siyang pababa ng hagdan habang nagsusuot ng belt. Wala pa siyang pang-itaas na damit. Shit yung 6 pack abs. Unti unti akong napatingin pababa, yung, yung ano. Waaa! Yung ano nakabakat. Kahit naman matagal na kaming magkaibigan nitong si Blade ni minsan hindi pa kami nagkakitaan ng ano hahaha!

"Oh nandito ka na pala bro. Kanina ka pa?" Tanong niya sakin. Mabait yang si Blade, isa siyang mabuting kaibigan. Mukha lang siyang masungit pero masayahin 'yan.

"Kararating ko lang bro. Nasa'n na si ate Talie?"

"Nando'n sa kusina nagluluto ng pancake," sabi ni Spike. Ang kakambal ni Blade. Tatlo lang silang magkakapatid. Close din kami n'yang si Spike. Kung masayahin at mabait si Blade eh 2x naman siya. Malakas ang trip niya pero hindi yung mga birong nakakasakit, kumbaga may limits.

"Gano'n ba sige puntahan ko muna," sagot ko. Pagkarating ko sa kusina ay naamoy ko agad ang mabangong pancake. Hindi pa ako nagbebreakfast dahil excited akong pumunta rito. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko, buti nalang mahina lang haha.

"Yo ate Tals!"

"Oh nandito ka na pala Harley, kanina pa kita hinihintay eh," masayang sabi niya. Gaya ko, mukhang excited din siya. Nilagay na niya ang pancakes sa mga plato at nilapag ko naman iyon sa table. Pagkatapos niyang kumuha ng honey ay tinawag na niya ang dalawa.

Tatlo lang kasi sila dito sa mansion nila at dahil weekend ngayon wala silang maids pero madalas ako dito. May bake shop kasi si Ate Talie kaya mahilig siyang magluto ng mga sweets.

"I need to go na eh, 'di na ako kakain. Bro ikaw na bahala kay Ate Tals ah. Bye!" Sigaw ni Blade mula sa taas.

"Sige umuwi ka ng maaga ah," sagot ni Ate Tals. Si Spike naman pumunta na dito.

Kahit kailan talaga ang takaw ng isang 'to. Tignan mo nga naman tatlo agad ang kinuha. "Ang takaw mo."

"Tagal na bruh."

"Nako eh siya lang naman nakakaubos ng pagkain dito eh."

"Mahiya ka nga sa dyosa mong bisita Spike!"

"Asan? Asan?" Nakaabot naman siya ng batok sakin. Bwisit talaga 'to.

Yep, alam nilang bakla ako. Oh btw, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako si Harley Gray, GRAY ah hindi GAY. Dahil nga isang bugok si Spike minsan tawag niya sakin eh bakla since Stone ang apelido nila tawag ko sakanya bato. Okay, eto na talaga. I'm Harley Gray, 18 years young. Soon to be fashion designer.

Alam kong karamihan sa mga tao ngayon ay hindi pabor sa LGBT. Marami ang mga may ayaw samin. Minsan talaga napapaisip ako, bakit? Bakit kaya? Hindi naman totoo yung mga sinasabi nilang kapag tomboy o bakla, salot sa lipunan. Hindi ninyo ba alam na karamihan sa mga kagaya ko ngayon ay maayos at marangyang buhay? Dahil sa sipag at tyaga. Minsan din naiisip ko, bakit? Bakit kaya nagagawa nila kaming maliitin, nakakayanan nila kaming sabihan ng masasama, nagagawa nila kaming apak apakan. Hindi naman lahat ng tomboy at bakla pare pareho ah, magkakaiba kami ng buhay at kwento. Hindi ba nila naisip na, "Ano kaya kung sakin gawin yun? Paano kaya kung bakla rin ako at minamaliit ng iba gaya ng ginagawa ko sa mga bakla?" Why don't they compare theirselves to us for a while para man lang kahit konti marealize nila na, "shit ang sakit pala."

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon