Chapter 25

60 12 0
                                    


Chapter 25: Welcome to Philippines!

ALAS dos na ngayon ng umaga nang gisingin ako ni Spike. Nasabi niya kasi sa akin kagabi na sasabay na kami kila Blade pauwi ng Pilipinas para raw isang biyahe nalang. Noong una'y hindi ako pumayag pero wala na rin akong nagawa. Naisip kong mas magiging hassle kung sa mismong party kami uuwi, madalian pa. Mabilis lang akong nag-empake kagabi. Kaunting damit lang ang dinala namin ni Spike dahil tatlong araw lang naman kami doon. Ayaw ko sanang pumunta uli sa mansion nila doon dahil pakiramdam ko ay magkaka-allergy ako sakanila, oa na kung oa pero iyon ang nararamdaman ko.

Nasabi rin sa akin ni Spike na nagpagawa na pala ng sarili nilang bahay si ate Talie at ng asawa nito. Last last month lang sila ikinasal dahil noong una ay na-postphoned ang kasal nila dahil nabuntis si ate Talie. Akalain mo nga naman, mahuhulog siya sa taong hindi niya naman kilala. Noong una'y ayaw niyang pumayag sa arranged marriage nila pero nang magkakilala silang dalawa ay nagka-ayos na rin sila. Siguro magmula noon ay nahulog si ate Talie kay kuya Albert kaya isang buong pamilya na sila ngayon.

"Bakit ka nakangiti d'yan baby ko?" Natatawang tanong ni Spike habang naka-akbay sa akin.

Nandito na kami ngayon sa private plane nila Blade. Tahimik lang kami at walang kibuan. Hindi ko nalang iniisip na magkakasama kami ngayon dahil kung hindi'y kanina pa akong hindi nakahinga rito. Nakasuot ako ng headset at ang kapares niyon ay nakay Spike. Kanina pa kami nagsasoundtrip dahil hindi naman kami inaantok.

"Na-eexcite lang ako makita si Ivaine," sagot ko habang ngumunguya ng kinakain kong sandwich. Si Ivaine ang cute na cute na one year old baby girl ni ate Tals. Dalawang beses ko na siyang nameet tuwing nagpupunta doon sa Canada sila ate Tals.

"Iyon lang pala, pipisilin mo na naman ang pisngi ni baby Ivaine hahaha!"

"Hindi kaya, ang cute kasi eh."

"Sus nandito naman kasi ako, pwede mong kurutin kahit saan mo gusto."

"Shut up!" Bigla akong namula sa sinabi niyang iyon at ngumisi pa siya.

Nakakainis talaga ang lalaking 'to, alam na alam kung papaano ako iinisin. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko 'yan. Kahit maloko siya ay napapasaya niya ako. Sakanya ko lang kasi naranasan ang ganito, iyong nakikita ang value ko bilang isang tao. Hindi iyong gaya ng iba, hindi naman kasi lahat ng bakla ay tanga.

Sabi nila "Ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit." Oo, kadalasan ganoon ang nangyayari. Karamihan kasi sa mga katulad ay sobrang magmahal kaya ayon nasasaktan. Pero ibahin mo kami ni Spike, matatag ang relasyon namin dahil may commitment kami sa isa't isa. Ang swerte ko lang dahil siya ang lalaking nakatuluyan ko at minahal ng puso ko, bonus na dahil magbestfriend kami dati kaya heto na kami ngayon.

"Fvck!"

Nagulat ako nang malakas na umuga ang eroplano. Agad na kumabog ang dibdib ko at tila nagpanic ang kaluluwa ko. Shit huwag naman po sanang magcrash iyong plane, mahal ko pa ang buhay namin.

"Shh 'wag kayong magpanic!" Narinig kong sigaw ni Blade.

Sumilip ako sa binta at nakikita ko ang paggalaw ng mga ulap, tila ito nagpupumilit lumaban sa malakas na ihip ng hangin.

"A-Anong nangyayari? May problema ba ang eroplano?" Natatarantang tanong ko habang nakakapit sa kaliwang braso ni Spike habang ang kanang braso naman niya ay nakayakap sa akin.

Napatingin ako kay Braydeen dahil lumalakas na ang iyak nito. Lumabas ang isang flight attendant at lumapit sa amin.

"What the fvck is going on?" Inis na sigaw ni Blade sa babae.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon