Chapter 8: Fake LoveNANDITO ako ngayon sa sasakyan ni Blade dahil papunta na kami sa bar ni Kenny daw. Diba nga maglalasing na naman siya at idadamay na naman ako. Hays ngayon ko lang makikitang magdadrama si Blade, ano kayang itsura niya no? Hahaha nevermind.
Naalala ko yung kanina...
Nung dumating kanina si Blade ay wala na si Val, tumakbo na siya agad papalayo, siguro nasense niya rin na may tao. Kaya nung paglapit niya samin ay kami lang ang naabutan niya ni Spike.
Nagtaka pa nga siya ano raw ginagawa namin do'n buti nalang nung nakita niya kami ay kunwari kaming nanghuhuli ng tutubi at ibibigay sakanya, mahilig kasi kaming manghuli ng tutubi nung mga bata pa kami. Edi ayon ang ending nanghuli na nga lang kami, bonding din 'yon ah at kita ko sakanya kanina na masaya siya.
"Blade..."
"Hmm?"
"Anong feeling ng may kasintahan?" Tanong ko at napatawa naman siya. Tamang tama at nakastop kami kasi red light. May naalala tuloy akong quote doon.
"Masaya, masarap sa feeling. Alam mo yung feeling na sa dinamidami ng tao sa mundo ay may isang taong nakaka-appreciate ng existence mo. Alam mo yung feeling na, may sumusuporta sayo sa mga pangarap mo. At yung feeling na, may isang taong tumanggap ng mga pagkakamali mo."
Gano'n lang ba 'yon? Eh halos lahat ng sinabi niya nagawa ko na ah. Lahat ng iyon nabigay ko na sakanya. Pero bakit parang wala lang, useless. Hahaha oo nga pala, bakla lang ako. Bakla lang ako kaya wala lang 'yon. Gusto kong sabihin na "Lahat naman 'yon lagi kong binibigay sa'yo, sa totoo lang wala na akong tinira sa sarili ko."
"Kung ganoon, ang sarap pala magmahal. Lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo," sabi ko habang nakatanaw sa labas ng salamin.
Nakakatawa lang dahil nag-o-open ako ng ganitong topic sa taong mahal ko, tapos kapag nakarinig ako ng hindi magandang sagot, ay masasaktan.
Ang tanga mo naman Harley nakakainis kana, bakit sinasaktan mo yung sarili mo...
"Yeah but it's better if it's true."
Pagbaba namin ay pumasok na agad kami sa loob ng bar. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa, usually naman kasi gabi sila nagbubukas. Ewan ko ba rito kay Blade gusto ata magsolo. Ano ba Harley magsosolo ba 'yan kung kasama ka? Ang tanga talaga.
"Lahat naman ng pagmamahal totoo ah," sabi ko pagkaupo ko sa stool. Agad naman siyang umorder ng tequilla. Totoo naman kasi diba? Meron bang fake love?
"Yeah many think love is always true, but they're wrong. It can be sometimes fake love," sabi niya sabay tungga ng wine glass.
"How can you say that there have a fake love? Paano mo natatawag na love 'yon kung fake naman diba?"
"Gaya ng nangyari sakin. Pinaniwala niya akong mahal niya ako pero sa huli ano? Sasabihin niyang hindi niya na ako mahal. Siguro may iba na siya, at narealize niyang hindi pala talaga ako para sakanya. Paasa fake love eh hahaha," pagkasabi niya noon ay may tumulong mga likido sa mga mata niya.
Hays, ayaw ko ng gan'to eh, mas nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng may nasasaktan sa harap ko. Sa totoo lang mas masakit sa side ko, dahil pareho kaming lalaki at kahit anong gawin ko, hinding hindi siya magkakagusto sakin.
May pumasok na lalaki at bakla at naupo sila malapit samin. Napatingin naman kami ni Blade doon. Hindi mo mahahalatang bakla siya dahil ang gwapo niya pero base sa kilos niya ay isa siyang bading.
"Buti pa 'yong bakla may lovelife hahaha!" Natatawa kong sabi sabay inom ng tequilla.
Buti pa siya kahit gano'n may nagmamahal sakanya. Pero gaya ng sabi ni Blade, hindi lahat ng love ay true. Malay natin niloloko lang pala siya no'n diba. Kaya laging naloloko ang mga bakla eh, selfless kasi kami, mas inuuna namin ang iba kaysa sa sarili namin. Ganoon kami magmahal, oh diba wala ring pinagkaiba sa loyal na lalaki.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...