Chapter 19

59 11 0
                                    


Chapter 19: Together

Four months later...

KASALUKUYAN kaming nanonood ng movie ni Spike dito sa condo niya. Dito nalang daw kami manood dahil wala lang trip niya. Ang bango bango talaga dito hays nakakainlove ang amoy, yung perfume ah.

"Pangatlong movie na 'to, nakakasawa na."

Napatingin ako sakanya dahil nakapikit na siya habang nakasandal sa upuan. Ako naman kumakain pa rin ng pop corn, sarap kaya.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko.

Hindi kasi kami pumasok ngayong araw kaya mula kanina ay kanina pa kami magkasama.

"Punta tayong park, para naman makagala tayo," sabi niya at napatango nalang ako.

Nagdala kami ng basket na puno ng pagkain at pagkatapos naming magbihis ay pumunta na kami sa park. Siguro'y sampung minuto lang ang layo noon dito sa building. Gusto ko rin kasing makalanghap ng sariwang hangin, para na rin gumaan ang loob ko at makapag-isip-isip.

"We're here."

Bumaba na kami ng sasakyan at naghanap ng mapupwestuhan. Doon kami naupo sa may ilalim ng puno para hindi mainit. Nilatag ko na ang picnic blanket at mga pagkain. Nagdala rin ako ng unan, dahil trip ko lang din hahaha maliit lang naman.

"Favorite place natin 'to diba," nakangiting sabi ni Spike habang nakatingin sa mga batang nagtatakbuhan.

Dati noong mga bata pa kami ay lagi kami rito. Ito ang favorite place namin, pero noong maghigh school na kami ay hindi na kami masyadong nakakapunta dito dahil nga busy na. Siguro mas masaya kung kasama namin ngayon si Blade hays...

"Oo nga, ang sarap balikan ng mga alaala natin dito," sabi ko habang kumakain ng pringles.

"Magkwentuhan nalang tayo, at kalimutan ang mga problema natin."

"Hahaha tama ka."

"So kailan mo ako sasagutin?"

"Shh baka may makarinig sa'yo."

"So what?"

"Hahaha eh hindi mo naman kasi ako tinatanong."

"So kapag tinanong kita, sasagutin mo na ako?"

"Hindi pa hahaha!" Sabi ko at tumakbo. Hinabol niya naman ako.

Mas lalong bumilis ang takbo ko nang makita kong hinahabol din ako ng aso. Sino ba ang amo niya? Bakit siya pinakawalan? Huhuhu takot pa naman ako sa aso, nakagat na kasi ako dati eh.

"Yung aso!" Sigaw ko habang patuloy na tumatakbo. Narinig ko naman ang tawa ni Spike at kinuha niya yung tali ni doggy.

Napahinto na ako at napahiga sa damuhan. Grabe parang limang oras akong nagjogging ah. Napapikit nalang ako sa pagod, hays. Agad nagising ang diwa ko nang may pumatong sa akin at dinila-dilaan ang mukha ko. Fvck.

"Waaaaaaaaa! Bwisit ka Spike!" Inis na sigaw ko at pilit pinaalis ang lecheng aso sa ibabaw ko.

"Masarap ba doggy?" Natatawang tanong niya sa aso. Mabuti naman at umalis na ito nang tawagin siya ng amo niya.

"Kainis ka alam mo 'yon?"

"Hahaha mabait naman siya eh."

Bumalik na kami sa pwesto namin. Sumandal ako sa puno at saka uminom.

"Harley, bakit mo minahal si Blade?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Sigurado ka ba sa tanong mo?"

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon