Chapter 28: Forgiven?KASALUKUYAN akong nakaupo rito sa labas ng kuwarto nila Blade dito sa hospital, sa katabing kwarto lang ang kay Valeen. Si Spike naman ay nasa baba at kinakausap ang doktor.
Ginagamot pa kasi ng mga nurse ang mga natamo nilang sugat. Si Braydeen naman ay ayos na raw sabi ng doctor at nagpapagaling nalang sa incubator sa baby room.
Laking pasasalamat ko rin sa panginoon dahil ligtas silang mag-anak at hindi naging kritikal ang kalagayan nila. Kahit naman may may hindi kami pagkaka-unawaan ay hindi naman ako ganoon kasama para matuwa pang nangyari sakanila ito, besides, kasalanan ko rin naman at nais ko ring humingi ng tawad kapag nagising na sila.
Siguro'y dapat ko ng ihanda ang sarili ko, hahayaan ko na silang magpaliwanag sa akin. Gusto ko ring malaman ang lahat ng totoo para matapos na ang gulong 'to.
Lumabas na ang mga nurse at sinabing pwede na akong pumasok dahil nakabihis naman na ako ng hospital gown. Pumasok ako sa kuwarto ni Blade at may tubong nakalagay sa bibig niya at puno ng mga bulak ang katawan dahil sa sugat. Mayroon din siyang benda sa ulo na tingin ko'y pinalitan din dahil wala ng dugo rito.
Lumapit ako sa kaniya at naupo sa upuang nasa tabi niya. Hinaplos ko ang mukha niya at hinakawan ang kamay niya na may dextrose.
"Blade, gising na..." Pagkasabi ko noo'y tumulo ang mga butil ng luha ko.
Bumalik sa isipan ko ang mga alaala noong mga panahong nagkakasakit siya at inaalagaan ko pa. Iyong kapag lasing siya at tulog na tulog agad ay pupunasan ko na siya ng basang bimpo, papalitan ng damit at...at hahalikan sa pisngi.
"Miss na miss na kita bro, hahaha. Nakakatawa no? Iyong kahit galit ako sa'yo nagiging marupok pa rin ako. Wala eh, mahal kita, syempre bilang kaibigan nalang," saglit akong napahinto.
"Bakit ba kasi kayo sumunod? Bakit sinama niyo pa si Braydeen? Ang tanga ko. Ba't ko tatanungin eh kasalanan ko naman diba?"
Pinunasan ko ang ilong ko gamit ang panyo, ayan sinisipon na tuloy ako. Ang lamig-lamig kasi at wala pa akong tulog, limang oras na kami rito.
"Hahaha sana nakinig nalang ako. Pero alam mo kasi Blade masakit eh, hindi ko kasi inaasahang aabot sa ganito kalalang sitwasyon. Tumatak sa puso ko iyong kutsilyong hinagis ninyo sa akin, kaya ang hirap magpatawad. Oo kaibigan kita pero mas masakit dahil kaibigan ko ang mananakit sa akin. Salamat kay Spike kasi siya lang iyong taong nakaintindi sa akin. Ang swerte ko sa kakambal mo dahil minahal niya ako ng totoo, iyong pagmamahal na inaasam ko noon sa'yo. Hahaha pero okay lang, masaya na tayong pare-pareho kaya siguro hindi na kailangang ibalik ang nakaraan."
"H-Harley..." Napatingin ako sakanya nang magsalita siya. Tatayo na sana ako para tumawag sa telecom nang pigilan niya ako. "D-Dito ka m-muna..."
"Saglit lang Blade," sabi ko at tinatagan ang loob ko dahil ayokong umiyak sa harap niya.
"Huwag k-ka munang tumawag sa n-nurse, mag-usap muna t-tayo," matamlay niyang sabi habang nakahawak sa kamay ko.
Hindi ko na inalis at hinayaan ko nalang, sa ngayon ang kailangan ko ay ang magbaba ng pride. Ako na naman ang iintindi at magpaparaya.
"Makinig ka sakin ha? Lahat ng sasabibin ko ay totoo. Gusto kong malaman mo ang lahat, miss na miss na kita bro..."
"Sige lang, makikinig ako."
"Kagabi, noong umalis kayo ay sumunod kami sa inyo. Pinilit ako ni Valeen, maski siya'y nagsisisi sa lahat. Alam ko na ang totoo, na tinraydor ka niya at naintindihan ko ang paliwanag niya, si Mich ang may kasalanan. G-Gusto ko na kasing magka-ayos tayo Harley, ang hirap kapag nagkikita tayo at nagkaka-ilangan," saglit siyang huminto para punasan ang mga mata niyang nagluluha na.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...