Chapter 12: Birthday PlanningKARARATING lang namin ni Blade dito sa mansion nila. Sakto namang pagpasok namin ay nasa sala si Ate Talie at nanonood mag-isa.
"Oh Harley, anong nangyari na naman dyan?" Tanong niya at tinulungan akong iupo si Blade sa sofa.
"Ahm nando'n kasi sa bar ni Kenny teh may party daw, sinundo ko lang," sabi ko. Ayokong sabihin ang totoo dahil siguradong makakarating 'yon sa Mommy nila.
"Gano'n ba, nako talaga 'tong si Blade. Inabutan pa kayo ng ulan, magpalit ka muna ng damit," sabi niya at kukuha na sana ng damit nang pigilan ko siya.
"Hindi na ate, uuwi na rin ako. May mga gagawin pa akong project eh."
"Ehh? Umuulan. Bukas ka na umuwi, tignan mo 'yang kamay mo nanginginig oh." Napatingin ako sa kamay ko at nanginginig na nga ako sa lamig.
"Ahh sige na nga teh hahaha." Sinamahan niya ako sa kwarto niya at binigyan ako ng towel. Pinahiram niya naman ako ng damit ni Spike.
"Pasensya na ate Tals, hindi ko nasamahan sa bar si Blade. Hindi ko kasi alam eh;' nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba wala kang kasalanan," nakangiting sabi niya.
Lumabas muna siya para alagaan si Blade. Sabi niya ay dito nalang daw ako matulog sa kwarto ni Spike. Nakakainis naman, naaalala ko yung mga kahihiyan ko kanina aysh.
Nahiga muna ako dahil pagod na pagod ako at feeling ko lalagnatin din ako. Pero ah, ang bango ng kama niya amoy mint kagigil.
Biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Spike...
"H-hello"
"Bruh asan ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap dito sa buong mall. Saan ka ba napadpad? Bigla mo nalang iniwan si Val don muntik ng mahimatay sa takot, buti nakabalik agad ako. Eto at umuwi na kami. Kanina ka pa rin namin tinatawagan, hindi ka naman sumasagot."
"Nandito ako sa inyo bruh."
"Anong nangyari? Ba't ka napunta dyan? Ha? Ano? Hello!"
"Teka nga lang kase! Nandito ako kasi sinundo ko kanina si Blade sa bar nila Kenny dahil lumalandi na naman ang putcha. 'Wag ata okay?!" lnis na sabi ko.
Nakakainis talaga badtrip naman ng araw na 'to.
"Nag-aalala lang naman kasi ako bruh..." mahinahon niyang sabi.
"Hala Harley nasa'n ka? Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Valeen sa kabilang linya.
"Oks lang ako," sagot ko.
"Uwi ka na oh?"
"Baka bukas na, nandito ako kila Blade."
"Ay ganun sige!"
Binaba ko na ang tawag kasi, ewan, parang nawalan ako ng ganang kausapin sila. Ewan ko ba, pagod lang siguro 'to. Pagod lang ako, pero hindi ako susuko.
Alam niyo yung feeling na, gusto mong magsalita pero hindi mo magawa? Yung feeling na, gusto mong magpaliwanag kaso naiisip mong, hindi ka naman pakikinggan. Hays, ayoko na magdrama kaya itutulog ko nalang ito. I need beauty rest hano.
Makalipas ang ilang oras at nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang may kumakalabit sakin kaya bigla akong napabalikwas. Napahawak nalang ako sa dibdib ko ng si Blade lang pala 'yon. Hatinggabi na, nanggigising pa. Problema nito?
"B-bakit?" Tanong ko. Malungkot siya tumabi sakin. "Bro, sorry kanina," sabi niya.
"Sus bro oks lang 'yon hahaha!"
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...