Chapter 14

51 13 0
                                    


Chapter 14: Partehhhh! (Pt.2)

PAGKATAPOS ng 18 roses ay sumunod naman agad ang 18 candles. Isa isa ng nagtayuan ang mga kasama sa 18 roses at kasama ako doon.

Last pa naman ako kaya naupo na muna ako. Kumuha na kami ng candles at isa-isang binuksan iyon. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Val habang nakaupo sa special chair niya.

Napatingin ako kay Mich ng kumuha rin siya ng candle. Plastik na nga sipsip pa, aba'y itinodo na ah. Napairap nalang ako sa kawalan at lumapit kay Spike. "Hoy ba't kumuha ng candle ang Mich na 'yon?" Tanong ko sakanya.

"Wala si Alex eh siya nalang daw papalit," sagot niya habang kumukuha ng cocktail dito sa kusina. Si Alex ay isa rin sa mga kaibigan ni Val. Tumango nalang ako at kumuha rin ng cocktail.

Nakatingin lang kami ni Spike sa kanila habang nagmemessage sila kay Val. Syempre ang debutant natin todo iyak at ayon halos maubos na ang tissue niya.

Pero masaya ako para sakanya, alam kong nakakalungkot din dahil wala na siyang mga magulang kaya ginawa namin ito ni Spike para mapasaya siya. At saka pala no hindi siya pwedeng uminom dahil nga buntis siya kaya apple juice lang ang pwede niyang inumin.

Maya maya lang ay ako na ang magsasalita. Lumapit na ako sakanya kahit nakakaramdam ako ng iba. Kainis naiiyak ako.

"Hmm Val, ahm I just want to say thank you for being my friend. For ahm you know hahaha. I wish you all the best. More birthdays to come. Happy birthday!" Sabi ko at yumakap sakanya. Binulong ko rin na mamaya ko na sasabihin ang totoong message ko sakanya.

"Thank you Harley," sabi niya at tumango lang ako.

"Okay so let's sing a happy birthday na uli para maslice na ang cake," sabi ni Spike. Nagtayuan na rin kaming lahat.

Napatingin naman ako kay Blade at nag-uusap sila ni Mich. Nako hindi maganda ang nararadaman ko sa kanila ah. Subukan lang ni Blade na lumandi sa harap ni Val ay nako makakalimutan kong kaibigan ko siya. Para maputol ang usapan nila ay nilapitan ko silang dalawa.

"May gusto ba kayong kainin? Or inumin?" Nakangiting tanong ko habang may hawak na champagne.

"Wala naman," sabi ni Mich na sobrang pula ng labi.

"Okay then." Bumalik na ako sa harapan at kumanta na kami ng happy birthday. Nakita ko namang nakangiti rin si Blade, alam kong sa mga oras na ito ay masaya siya para kay Valeen.

"Hala may iba pa palang cake," gulat na sabi ni Val nang ilabas ni Spike ang black forest na cake niya. Fave flavor niya kasi iyon.

"Yeah wish ka na uli," sabi niya at nagwish naman si Val. Pagkatapos ay ini-slice na namin ang cake at pinamigay sa mga bisita.

Nilakihan na rin namin ang slice since hindi namin 'to mauubos kapag may natira. Habang nakaupo ang nagkukwentuhan ay naisipan naming magpagames na.

"Hey guys! Maglalaro tayo ngayon. You want it?" Tanong ko habang may hawak na shot glass. Sa totoo lang medyo nahihilo na ako eh.

"Yes!" Sabay sabay nilang sabi. Tumayo naman ako sa gitna para ipaliwanag ang naisip na game ni Spike.

"Okay, ang lalaruin natin is drink if. Example, sasabihin ko "drink if you're wearing a shoes", so you need to drink a wine kung nakasapatos ka. Ano game?"

"Mukhang exciting 'yan ah, I like it," maarteng sabi ni Mich. Wala namang nagtatanong tsk.

"Agree kami!" Sabi nila. Dahil prepared pala si Spike eh may cards siya nung drink if. Kinuha ko na yung card na para sa round 1. Syempre ako ang magpapagame eh kaya naupo muna ako sa tabi ni Val.

"Jusko lalasingin mo sila," natatawang sabi niya. "Ay gaga kasali ka," sabi ko rin.

"Ano? Gaga buntis ako."

"Ay shet oo nga pala sorry hahaha."

Ano ba yan papatayin ko yung bata maygad sorry Lord. Naupo na sila sa sahig at nakapabilog. Halos karamihan ay sumali na. May dalawang bote ng wine at mahigit bente piraso ng shot glass sa gitnan.

"Para sa level one round one, drink if...you like chocolate," sabi ko. Lahat naman sila nagsi-inuman at tatlo lang ata ang hindi uminom.

Go na go naman si Mich sa pag-inom at nakikipagtawanan pa. Hindi ko lang marinig yung pinagsasasabi niya dahil sa lakas ng music.

Si Blade naman tuwang tuwa rin. Hays okay na 'yon, atleast kahit ngayon lang makita ko uli siyang tumawa.

Ang sarap pala talagang panoorin yung taong mahal mo na masaya, hindi nga lang sa feeling mo. Hays...

"Ang saya niya," rinig kong bulong ni Val.

"Oo nga eh. Buti nga nakisama hahaha."

"Oy Harley, ano na next?" Natatawang tanong ni Jess. Ang isa rin sa mga kaibigan ni Val, close rin kami niyan.

"Ay oo nga haha teka, drink if you're wearing a socks."

Lahat ng lalaki ay uminom, syempre nakasapatos sila eh so malamang may socks. Tinatawanan naman sila ng girls ngayon hahaha. Don't worry boys, babawi tayo sa girls.

"Next, drink if you're wearing an earring," sabi ko at napahagalpak ng tawa dahil napanganga ang girls. Pero nakarecover din sila agad. Ang saya naman sana hindi na matapos ang gabing ito.

Makalipas ang ilang minuto ay lasing na ang karamihan. Hilo na sila yung iba naman medyo okay pa. Yung tatlong lalaki nga eh nakatulog na jusko.

Si Blade at Spike ayon nakaupo pa rin at laban na laban. Kaya gusto ko silang lasingin na dalawa eh dahil mga mukha silang ewan kapag nalalasing. Nalalabas nila ang mga kalokohan nila.

"Oy oy kaya pa?" Tanong ko. Kami naman ni Val ay nandito lang at nagkukwentuhan. Tawa nga siya ng tawa sa sinabi ko eh.

Paano naman kasi dinikitan ko ng sticker yung champagne niya na parang umiinom talaga siya ng wine. Pero ang totoo ay gatas yung iniinom niya, hindi naman nila nakikita dahil may straw. Kaya kapag mauubos na ay nilalagyan niya kunwari para hindi mahalata na parang hindi nababawasan yung wine niya. Hanep maski ako ay napahagalpak ng tawa sa kalokohan na ginawa ko. At hilong hilo na rin ako kaya itinigil ko muna ang pag-inom.

"Hoy hoy next, drink if you like me hahahaha!" Sabi ko at halos mapiga ko ang tyan ko sa kakatawa. Maygash kaya ayokong umiinom eh. Pero hindi, bahala na si batman wahahaha.

"Hahaha! Inuman na!" Natatawang sabi naman ni Spike at uminom nga siya. Siya lang ang uminom kaya tawanan sila ng tawanan.

"Bes, tama na kaya? Sobrang lasing na sila oh. Naiihi na yung iba, baka sumuka na sila."

"Nako hindi hayaan mo sila Val, party mo to right? So magsaya ka rin. Sayaw tayo dali!" Aya ko sakanya at nagsayawan kami. Nagtayuan na rin sila para makijoin. Sige hataw dito hataw do'n.

Naisipan kong palitan ng sad song ang kanta para slow dance. Kanya kanya na silang hanap ng partner.

Nagulat ako ng may humigit ng kamay ko at si...si Spike iyon. Si Blade naman ay hawak si Val, shems kinikilig ako sakanila at the same time medyo kumirot siya hahaha.

Ang gagang Mich naman ewan ko kung saan napunta, baka nagsusuka na sa CR ang bruhang iyon.

Hinila ako ni Spike sa balcony. Lasing na siya, ano ihuhulog niya ba ako roon?

"Oy bruh, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya. Nakatingin lang siya sakin at bumuntong hininga.

"May I have this dance?" Tanong niya at literal akong napanganga.

Bwisit ka Spike! Anong nakain mo?!

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon