Ps: Play the song on multimedia
Chapter 30: The Wedding
NAKAUPO ako ngayon sa upuan at nakaharap sa salamin. Inayusan ako ni ate Talie para maganda ako mamaya. Lumabas muna siya dahil hinahanap na siya ni Ivaine.
Muling bumalik sa isip ko ang nangyari noong third birthday ni Braydeen.
Noong pagpasok ko music room ay sumalubong si Blade sa akin at may dalang bulaklak na ikinagulat ko naman. Lumapit siya sa akin at ibinigay ito. Pinalapit niya ako sa may harap ng music room at biglang lumabas sa likod ng kurtina sila ate Tals, Mama Cha, si Val, Trish at ate Ria. Nakasuot sila ng white and red na shirt at nakangiti sila sa akin. Naisip ko agad na baka pinaprank na naman nila ako.
"Anong nangyayari?" Tanong ko pa noon kay Blade pero tanging ngiti lang din ang isinagot niya sa akin. Isa-isa silang tumalikod sa akin noon at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.
Bigla ring lumabas si Spike mula sa kurtina at nakaayos siya. Kita ko sa mga mata niya ang kaba. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inabutan din ako ng bulaklak. Kung ang ibinigay ni Blade sa akin ay three roses, siya naman ay isang boquet.
Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko noon at wala pa man siyang sinasadya ay hindi ko na mapigilang hindi maiyak.
Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil sa hiya at saya. "I love you, Harley. I'm ready to spend my whole life with you, baby ko. Will you marry me?" Hinding-hindi ko yata malilimutan ang mga salitang iyan.
Lahat sila ay nakangiti at masaya. Siguro'y sa taong ito ay iyon ang pangalawa sa pinakamasasayang araw ko.
Kaya naman naging busy na kami sa pag-aayos ng kasal namin. Akalain mo 'yon? Aabot kami sa kasal. Nakakatuwa lang dito sa Canada dahil nagkakasal sila ng mga LGBT. Wala silang pinipiling sekswalidad, basta't nagmamahalan ang dalawang tao, pwedeng-pwede. Kaya naman wala kaming naging problema. Lahat kasi ng tao rito ay pantay-pantay.
Sana ganoon din sa Pilipinas, pantay ang karapatan at tingin sa isa't isa, hindi iyong porket LGBT ka mababa ka na at walang kwenta. Nakakalungkot lang hays...
"Waaaaa! Ang ganda ganda mo ate Harley!" Sigaw ni Trish pagpasok niya dito sa room ko sa hotel kung saan ako inaayusan.
Hindi ako nakagown, lalaki pa rin ako kung titignan. Naka-dark blue tuxedo ako ngayon at may puting rose sa right chest ko. Ayokong humarap sa pari na ibang-iba na ang hitsura ko, gusto ko kung ano iyong itsura ko ay iyon na talaga ako.
Hindi naman ako ganoon kabakla para magsuot pa ng gown at magpaganda, simpleng ganito lang ay ayos na. Saka ayoko namang lubusin ang batas ng Canada, may hiya pa ako sa sarili ko.
"Nambola ka pa!" Sabi ko at natawa. "Eh totoo naman Harley," sabi naman ni ate Ria habang naktingin sa akin mula sa salamin.
"Excited ka na ba Harley bes?" Tanong ni Valeen habang nakangiti at nakasilip.
"Oo naman no," masayang sabi ko. Lumapit siya sa akin at may binigay na letter.
"Pinabibigay ng baby mo yieee," sabi niya at mahina pa akong kinurot sa tigiliran.
Agad namang nag-akyatan ang mga dugo ko sa mukha at namula na nga ako sa kilig. Binuksan ko ang letter at binasa ang nakasulat dito.
Hello baby ko! Kinakabahan ka ba? Ako rin eh hahaha. Pero naeexcite na ako. Ito na 'yong pinakahihintay natin baby ko, malapit na tayong maging mag-asawa. Malapit na kitang iharap sa Diyos. Mangangako tayong tayo lang hanggang dulo ah? Wala ng atrasan 'to baby ko. Huwag kang kabahan nandito na ako sa simabahan yieeee hahaha. Punta ka na baka malate ka pa. Naiihi na ako sa sobrang kaba at excite eh hahaha dejoke. Sige na, I love you~
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...