Chapter 26: ApologizingPAGTAPAK ko pa lang sa loob ng hotel ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Para silang nakakita ng isang hollywood actress. Mas lalo akong kinabahan sa mga tingin nila ngunit pinilit kong baliwalain ito. Bakit ako kakabahan? Matagal na nila akong kilala. Atsaka kung may alam man sila sa problema namin, ay problema na rin nila iyon.
"Good evening Mr. Gray, Mr. Stone," bati ng isang businessman sa amin na hindi ko naman kilala. Tingin ko'y may partnership sila ni Blade. Bata pa ito at siguro'y ka-edad lang namin.
"Good evening too Mr.?"
"Bryan Perez," sagot niya.
"Oh I see, good evening Mr. Perez," bati naman ni Spike.
"Sir Spike, Sir Harley!" Tawag sa amin ng isang babae kaya't napalingon kami sakanya.
Nagulat ako ng mapagtanto kong si Trish ito, ang dating secretary ni ate Talie dito sakanya pero secretary na siya ngayon ni Blade. Hays, nakakamiss talaga silang lahat. Para bang ayaw ko ng bumalik sa Canada, pero syempre pansamantala lang ang nararamdaman kong ito.
"Trish, kamusta ka na?" Tanong ko habang nakangiti.
"Nako ate may mga ichichika ako sa'yo," sabi niya at hinila ako sa isang table kaya't nagpaalam muna ako sakanila. Si Spike ay nakikipag-usap lang kay Mr. Perez.
Saktong pagdaan ng isang waiter ay kumuha kami ng tequila. Para lang kaming magtropa ni Trish kaya't ganito kami kasaya nang magkita kaming muli. Mabait si Trish at sobrang mapagkakatiwalaan. Nasabi nga rin sa akin ni ate Tals na kapag wala sa trabaho si Trish ay nagbabonding sila. Wala naman kasi sa amin ang posisyon, eh ano kung secretary siya ng kompanya. Masarap siyang kaibigan dahil masiyahin siya, masipag din iyan kapag sa trabaho na. Tila magbestfriends na nga raw sila ni ate Talie.
"Oh ano na ba iyong chismis mo Trish?" Natatawang tanong ko pagkatapos kong humigop sa aking champagne.
"Pero bago ko iyon sabihin, namiss kita ate hihi," sabi niya at humagikhik.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Namiss ka rin namin Trish."
"Alam mo ba ate noong una akala ko kasing galing ni Sir Blade si Ma'am Talie," bulong niya at napasimangot.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Paano kasi noong mga unang linggo at buwan ni sir Blade bilang bagong CEO ng Stone Car Company ay parang lagi siyang pagod na pagod at walang ganang magtrabaho. Minsan din bigla nalang siyang maiinis, para siyang baliw. Naisip ko nga baka depress siya eh. Alam niyo ba 'yon ate Harley?"
"H-Hindi. Bakit naman siya ganoon?" Tanong ko at nagkibit-balikat lamang siya.
Naisip kong baka dahil iyon sa pag-aaway namin. Ganoon ba siya ka-apektado para idamay ang mga inosenteng tao sa galit niya? Ang hirap kasi kay Blade hindi nag-iisip ng mabuti. Mapride siya at walang matinong desisyon. Hindi pa ba sapat sakanya na nakuha niya na uli si Valeen at ang anak nila? Bakit sobrang galit na galit siya sa akin gayong wala naman akong kasalanan? Fvck him.
"Diba best friends kayo hehe."
"Noon 'yon."
"Ay hala hindi na? Kaya po pala kanina pa kayo hindi nagkaka-encounter."
"Hahaha may nangyari lang na hindi maganda."
"Mukha nga eh."
Habang nagtitingin sa mga bisita ay naisipan naming i-tour itong hotel & resort. Nang makarating kami sa may lobby ay nakita namin si ate Talie doon at ang asawa't anak niya. Bigla naman akong nanggigil kay Ivaine, grabe ang cute cute talaga. Chubby siya at maputi kaya ang sarap kurutin.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
JugendliteraturIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...