Chapter 22

65 11 0
                                    


Chapter 22: Three years later

"THANK you for your time Mr. Guerra," sabi ko sa CEO ng isang company na ka-partnership ng company namin.

"You're welcome Mr. Gray and thank you for you time too," sabi niya naman at ngumiti lang ako.

Matapos naming magkamay ay lumabas na siya kasama ang ibang clients ng conferrence room at naiwan naman akong mag-isa.

Bumuntong hininga ako at inayos ang mga papel na nakakalat sa harap ko. Pinatay ko na rin ang laptop at projector. Maya maya ay pumasok si Spike na may dalang lunch.

"Oh bakit may dala kang lunch? Hindi ba't sa baba tayo kakain?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Dito nalang tayo maglunch, mahaba ang pila sa baba eh. Anyways, kamusta ang meeting ninyo ni Mr. Guerra?"

"Okay naman, pumayag na siya sa partnership namin."

"Approved niya raw ang ginawa nating presentation kagabi?" Tanong niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Mukhanv dumaan lang siya sa drive thru dahil jollibee ang dala niya.

"Yes at sobrang nagustuhan niya iyon kaya naman pumayag agad siya sa partnership."

"At saka maganda rin kasi ang pagpepresent mo baby ko."

"Tumigil ka nga!"

Mula noong nadulas ako noong nasa Trinity Bellwoods Park kami ay sinagot ko na siya. At ngayon tatlong taon na ang nakalilipas. Maayos naman ang pagsasama namin, ni wala yata akong matandaang araw na nag-away o nagkaproblema kami. Si Mama Cha naman ah, ayon eh mama na hahaha. Sabi niya kasi ay iyon nalang ang itawag ko sakanya. Stay strong pa rin naman siya at nagpapahinga nalang sa bahay, minsan naman ay naggagala siya kapag gusto niya. Hindi naman namin mapigilan ni Spike dahil gusto niya pa raw magsaya.

Si Blade naman nasa Pilipinas pa rin kasama ang asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ayos kahit noong kasal nila last year ay hindi kami nakapunta. Hindi ko alam kung kailan tatagal ang away namin. Hindi ko alam kung kailan mabubuwag ang mataas na pader na nakaharang sa aming apat.

"Oh ba't lumungkot ka?" Tanong ni Spike habang seryosong nakatingin sa akin.

"Ahh wala."

"Ahh"

"Anong ahh?"

"Nganga, susubuan kita baby ko," sabi niya habang may ngisi sa labi. Mula kasi noon ay ayaw kong tinatawag niya akong barbeque, napakacorny kaya duh. Pero ayan naman ang ipinalit niya, ang baby ko. Wala na akong nagawa dahil mapilit siya.

"Ehh? May CCTV dito Spike!"

"Sus kay tagal tagal na nating magkarelasyon eh ngayon ka pa nahiya. Saka alam naman nilang lahat ang tungkol sa atin so no worries," sabi niya at isinubo sa akin yung kanin at chicken.

"Syempre hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya no. Saka hindi natin alam baka kung ano-ano na ang sinasabi ng iba sa atin," malungkot na sabi ko habang ngumunguya.

"Don't be, saka I know them a lot. They won't do that, hindi nila alam ang pwede kong gawin sakanila kapag may nagtangkang manakit sa'yo baby ko."

"You're so possessive babe," sabi ko naman.

"I just don't want to lose you. You're mine, so it's my duty as your boyfriend to keep you. You know how much I love you, Harley."

"I know and I am very thankful to have you," sabi ko at hinawakan niya naman ang kamay kong nakapatong sa table.

After we eat ay niligpit na naman ang mga pinagkainan namin at ipinatapon nalang iyon ni Spike sa secretary niya. Si Spike na ang CEO ng Stone Car Company at ako naman ang COO. Siya dapat ang kakausap kay Mr. Guerra kaso may hangover pa siya kaya hindi nagising ng maaga.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon