Chapter 17

62 13 0
                                    


Chapter 17: The second truth

MALAMIG na malamig ang paligid habang kumakain kami ni Valeen ngayong umaga. Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang hinugasahan ang pinagkainan niya at mabilis na nagtooth brush.

"Harley, alis na 'ko," malamig niyang sabi saka lumabas ng pinto.

Napabuntong hininga nalang ako at inilapag sa plato ang utensils na hawak ko. Muling tumulo ang mga luha ko nang maalala ko uli ang mga nangyari kahapon. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'to. Ang tanga tanga ko kasi eh. Bukod sa hindi ko naisarang mabuti iyong pinto ay hinayaan ko pang magsaya rito ang impaktang Mich na 'yon. Anong karapatan niyang gawin 'yon? Ngayon ay sirang sira na ang buong pagkatao ko kay Blade.

"Umiiyak ka na naman. Lumapit ka, sabihin ang dahilan. Ba't ka lumuluha? ba't ka lumuluha?"

Rinig kong pagkanta ng isang boses at alam kong kay Spike iyon. Naka-uniform na siya at ayos na ayos na. Nilapitan niya ako at niyakap. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Tinitigan niya ako ng seryoso ngunit may bahid ng lungkot.

"Tutulungan na gumaan. Nandito lang ako, ika'y pakikinggan. 'Wag ka nang lumuha, 'wag ka nang lumuha..."

Mas lalo akong naiyak sa kinakanta niya. Niyakap ko rin siya pabalik at sa yakap na iyon ay sinigurado kong mahigpit.

"S-spike, ang sakit, ang s-sakit sakit," sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Shh, tahan na. Huwag mo siyang intindihin okay? Diba sabi ko sa'yo hayaan mo muna siya? Nandito naman ako Harley, handa akong maging lahat mo. I can be your friend, boyfriend, daddy, kuya and everything."

"Pero..."

"Stop. Don't cry for nonsense okay? Hindi mo dapat iniiyakan si Blade. Dahil lang doon? Look, sinaktan ka niya. Kaya kailangan mong maging matapang at ipakita mong hindi porket ganyan ka ay mahina ka na."

"Kaibigan ko siya Spike, natural lang na masaktan ako sa mga sinabi niya. His words marked in my mind, so tell me how can I be brave?"

"I know, I understand you. Pero, isipin mo rin 'yon. Sinaktan ka niya, at hindi porket kaibigan mo siya ay patatawarin mo na siya. Masasakit yung mga salitang binitawan niya sayo. Saka sabi niya pa diba na ayaw niya sa mga kagaya mo? So 'wag mo ng ipilit ang hindi pwede."

Hindi ako nakasagot sakanya. Kung hahayaan ko ito at hindi kami mag-uusap ng matino ay posibleng habang buhay na kaming magkaaway at hindi ayos. Ano nalang ang sasabihin ni Tita at ni ate Talie?

"H-hayaan ko nalang na magkaaway kami forever?"

"Harley walang forever. I mean, hayaan mo muna siya kapag malamig na ang ulo niya at sa tingin mo ay pwede saka kayo mag-usap."

"Tama ka, palilipasin ko muna 'to," sabi ko at pinahid ang mga luhang natuyo sa pisngi ko.

"Always remember that I'm here, I'm here for you."

"Pero Spike, pati sa'yo ay galit din si Blade."

"I don't care about that fvcker. The important is I'm on your side," sabi niya at ngumiti. Medyo kinilig naman ako doon hahaha.

"Sus, sana hanggang huli."

"Oo naman, ganyan kita kamahal."

"Oppsss! Tama na, pasok na tayo."

Pagkatapos kong hugasan at plato ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na kami papuntang parking lot. Dito na rin kasi sa condo niya nag-i-stay si Spike kaya mag-isa nalang lagi si Blade sa mansion nila.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon