Epilogue

115 14 0
                                    



Two months later...

"CYCHI, they are your new parents," nakangiting sabi ni Sister Ingrid kay Cychi.

Cychi is only five years old and she's half Pilipino half Canadian.

Nandito kami ngayon sa Peace of Princesses Orphanage o mas kilala bilang Pop orphanage. Isang buwan na kaming mag-asawa ni Spike, doon pa rin kami nakatira kila Mama at Papa. Sabi niya sa akin ay gusto niya na raw na magka-anak kami, buti nalang may kaibigan dito si Mama Cha kaya hindi na kami nahirapang maghanap ng aampunin. Napagdesisyonan naming babae nalang ang kunin namin bilang anak tutal puro babae naman ang mga bata rito.

"Talaga po sister?" Nakangiting tanong ng bata habang kumikislap-kislap pa ang mga mata. Mukhang masaya siya dahil kami ang bago niyang mga magulang.

May mga Filipino kids din dito na iniwan ng magulang nila dati pa. Siguro OFW dito ang mga parents nila tapos no'ng nabuntis iniwan nalang sila dito. I guess...

"Yes, are you happy?"

"Yes, sister! But where's my new Mom? Hehe..."

Napatingin tuloy ako kay Spike ngunit nginitian niya lang ako. "They're part of LGBT baby," sabi ni sister kay Cychi.

"Okay...really?! I will having two Daddys?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko ay malulungkot siya't hindi papayag. Nakakatuwa naman si Cychi, hindi kami nagkamaling piliin siya.

"Y-Yes," sabi ko at lumuhod at binuka ko ang dalawa kong braso para yakapin siya at agad naman siyang lumapit para yumakap din.

"Hello po, I'm Cychi," sabi niya habang nakayakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi na mas lalo ko namang ikinatuwa.

"I'm Harley Stone, y-your new d-daddy," naluluha kong sabi habang hinahaplos ang kanang pisngi niya.

Nananatili siyang nakangiti, "Hello po daddy," sabi niya.

"Hi little girl, I'm Spike Stone, you daddy two ahahah," sabi naman ni Spike at mahinang kinurot ang pisngi niya.

Gaya nila Ivaine at Braydeen ay chubby din ang cheeks niya kaya ang sarap ding kurutin hahaha.

"Hello daddy two hikhik," sabi niya at humagikhik.

"Oh pa'no ba 'yan, uwi na tayo?" Tanong ni Spike.

"Yes po, I'm excited na po!"

"Ahm sister, okay na po ba? Salamat po."

"No worries, it's okay. Thank you for adopting her," nakangiting sabi ni sister ngunit nakikita ko ang bahid ng lungkot sakanyang mga mata. Siguro'y napamahal na talaga sila sa isa't isa.

Hinawakan na ni Cychi ang kamay ni Spike at akmang aalis na nang tawagin siya ni sister. Tila nabalik siya sa realidad at tumakbo siya papunta kay sister. Hindi na napigilan ni sister Ingrid ang kaniyang mga luha at tuluyan ng naiyak habang yakap-yakap ang bata.

"H-Hala sorry po sister, mamimiss kita," sumisinghot na sabi ni Cychi at tingin ko'y umiiyak na rin.

"Always take care Cychi okay? Don't be unruly, always follow your parents okay? I hope you grow in a very good way. I love you baby," sabi niya sister habang umiiyak pa rin.

Siguro si Cychi ang pinaka-paborito niya sa kanilang lahat. "Yes sister I will. I will try to be the best daughter ever! Hahaha."

"Remember our favorite quote?"

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon