Chapter 13

76 15 0
                                    


Chapter 13: Debut (Pt.1)

NAGLALAGAY na kami ngayon ni Spike ng balloons sa bawat sulok ng condo. It's her birthday today!

Ang bilis ng araw no? Hays, magpapasko na kasi eh. Sa mga nakalipas na araw ay okay naman kaming lahat. Hindi na namin naisasabay maglunch si Val dahil lagi kaming magkakasabay nila Blade. Hindi naman na lumalandi ng iba si Blade, nagtino naman na siya. Siguro natauhan na at the same time nakamoved on.

Sa araw-araw na magkasama kami ay masaya ako, syempre sino ba namang hindi sasaya kapag kasama mo yung mahal mo diba? Eto naman kasing si Spike iniinis pa rin ako. Buti nga kahit biro hindi nahahalata ni Blade na totoo eh. Kapag lang talaga nabisto ako ni Blade eh masasakal ko si Spike.

Hindi pa ako handang sabihin sakanya ang totoo. Hindi pa ngayon, hindi pa ngayon ang tamang panahon.

"Psst! Tulala ka na naman barbeque," sabi ni Spike habang nakatungtong sa upuan at nagkakabit ng decorations dito sa wall ng condo.

"Ano ba? Nagdeday dream yung tao eh," nakapout kong sabi. Ang epal niya promise.

"Tsk sabi ko pakiabot yung double sided tape at balloons."

Inabot ko ang mga iyon at naupo muna sa sofa. Kanina pa kaming alas syete ng umaga nag-aayos dito. Friday ngayon at itinaon namin talagang may pasok si Val para makapaggayak kami. May extension silang 3 hours dahil wala silang pasok kahapon. Bukas pa yung birthday niya pero ngayon na nga naming gaganapin.

The plan is, bago siya pumuntang condo ay pagbibihisin muna siya ni Spike sa condo niya. We bought her a yellow ball gown dahil favorite niya ang color yellow. Sasabihin namin na may aattendan kaming birthday party at masyadong magulo sa condo ngayon kaya doon muna siya magbibihis. Sana lang kumagat siya.

Hininto ko muna ang pagdidikit ng pictures at sumandal. Napaisip ako, paano kaya kung si Blade ang magsusurprise sakanya? Syempre yun pa bongga ang gagawin ng lalaking 'yon. Pero ano kayang feeling? Ano kayang feeling ng isusurprise ka ng taong mahal mo tapos ikaw naman hindi talaga nag-eexpect. Ang sarap siguro, pero mas masarap kung totoo.

"Pupunta ba si Blade?" Tanong ko kay Spike at napatingin naman siya sakin.

"Oo."

Nagulat ako, talagang pupunta siya? Kung sabagay moved on na nga raw naman siya. Pero ano kayang mangyayari mamaya?

"Siya nga ang last dance eh," sabi niya uli.

"Talaga?"

"Oo bruh sabi niya. Tutal wala naman na raw 'yon, saka minsan lang daw 'to mangyari sa isang babae. Saka sabi pa niya minahal naman daw niya si Val," natatawang sabi niya. Bumaba na siya sa upuan at tumabi sakin.

"Sus ang sabihin niya hindi lang niya matiis si Valeen kasi importante pa rin siya sakanya," sabi ko at patagong napairap.

"Oh bakit triggered ka?"

"Ano? Ako triggered? Hindi ah!"

"Okay sabi mo eh," sabi niya at mahinang tumawa.

Maya maya ay unti unti ng nagdadatingan ang mga bisita. Malaki ang condo ko at kasya ang dalawang section dito. Saka kaunti lang naman ang mga invited eh, yung mga close friends lang namin sa school. Habang naghihintay ay nagbihis na kami ni Spike. Si Val naman kararating lang pero syempre doon namin siya pinaderetso sa condo ni Spike. Sabi ko sa mga bisita ay ichecheck ko lang ang debutant sa condo ni Spike habang naghihintay sila. Pagpasok ko ay nakita kong nakaupo si Spike sa sofa habang nasa kwarto niya raw si Val.

"Val! Malapit ka na bang matapos dyan?" Tanong ko. Ang start kasi ay 6 pm to 12 am.

"Wait lang huhu late na ba tayo sa party?" Sigaw niya mula sa taas.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon