Chapter 2

148 19 4
                                    


Chapter 2: Care

MAAGA akong nagising ngayon. Actually, 4:26 am palang. Aga no? Ewan ko ba kung bakit ang aga kong nagising. Ay mali! Hindi pa ata ako nakakatulog sa kakaisip kagabi. Bukod sa iniisip ko yung dyosa kong itsura kahapon, iniisip ko rin si Blade.

Usually kasi kapag gano'ng may problema siya or wala siya sa mood, tumatawag or nagtetext siya sakin. Eh ngayon wala akong natanggap ni isang call or text. Nakalimutan na ba niya ako? Masyado ba siyang nasaktan kaya pati yung bestfriend slash wall niya nakalimutan na niya?

Nandito lang naman ako sa condo ko. Hindi ako mayaman, regalo lang ito sakin ni Blade nung birthday ko last year. We've been bestfriends since we were grade 8. I was a transferee in their school and then we met each other when I helped him to his enemies. Lalaki pa ako noon, hahaha. I will never forget that day. Hanggang sa umuwi si Spike noong grade 9 kami galing Canada. Their real citizenship is Canadian but their Mom wants them to study here in Philippines since they became high school. Filipina kasi si Tita pero marunong silang magtagalog, actually mas sanay nga sila doon, minsan tinuturuan ko rin sila ng malalalim na tagalog words gaya ng "Mahal kita", malalim 'yon ah, hahaha charot.

Ayon nga naging magbestfriends na rin kami ni Spike. Napalapit na rin ako sakanila dahil nga doon. Close rin kami ni Tita Charity, gaya ng pangalan niya mapagbigay siya lalo na sa mga nangangailangan talaga.

Tumagilid ako ng higa, at sa pagtagilid ko na yon ay biglang tumulo ang luha ko. Nakakainggit lang kasi na, sana ako rin may mga magulang. Sana ako rin may pamilya. Sana may pamilya rin ako ipakikilala sakanila, edi ang saya diba. Tita ko ang nagpa-aral sakin ng 6 na taon. Pero mula nang mamatay siya ay mag-isa nalang ako. Wala siyang anak at asawa kaya naman inampon niya na ako. Napakabait ni Auntie at sobrang worth it ang mga naitulong niya sakin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil siya ang Auntie ko. Yung real parents ko? Hahaha ewan, malay ko. I've never meet them. Ayoko rin magtanong kay Auntie dahil ayaw niya rin namang pinag-uusapan 'yon. Basta ang alam ko lang, masasama silang tao.

Pinunasan ko ang mga luha ko dahil ayoko ng alalahanin ang tungkol sa past ko. Masyado na iyong matagal at tapos na, kaya wala ng dahilan para ito'y balikan pa. Masasaktan lang ako.

Dahil nga linggo ngayon at wala akong magawa. Hindi muna ako babangon, i-e-enjoy ko muna ang bonding namin ng baby kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at saka pinatay ang lamp. It's already 5:15 am. Binuksan ko ang facebook ko at nagscroll, wala namang message and as usual laging tahimik ang messenger ko.

Habang nag-i-scroll ay may nakita akong post about sa mga bakla. Tangina ayan na naman sila. May isang picture na nakasulat ay BACK at katabi no'n ay isang Lola. Okay, gets ko na. Mga utak talaga ng mga tao ngayon, ang tataba. Ano kayang pagkain nila no? Sabihin niyo naman para mabili ko at tumaba naman ako utak ko sa mga kalokohang gaya no'n.

Habang nakakunot noong nag-i-scroll ay biglang tumunog ang messenger ko at nagpop-up ang profile picture ni Blade. Naka open pala ako, kaya siguro doon nalang siya nagchat.

"Bro, I need you," basa ko sa chat niya. I need you? May music room sila pwede niyang patugtugin do'n yung kanta ng BTS, ano pupunta ako roon para gawin 'yon? Haha de biro lang.

"Sige, wait up," sagot ko at nagseen lang siya. Alam niyo ang sakit kaya maseen. Yung parang ang ibig niyang sabihin ay parang wala lang, geh lang, gano'n.

I stand up on my bed and get my towel on the chair. I charge my phone kasi 35% nalang siya. I go to the bathroom and take a fast bath. After that, I put on my clothes immediately. Bumaba na ako at nagtimpla ng ice coffee. Mas gusto ko kasi kapag malamig, kahit malamig siya alam mong masarap pa rin. Parang love, kahit malamig yung isang tao may care pa rin 'yan para sa'yo.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon