Chapter 29: SuprisedKAUSAP namin ngayon ang mga pulis dahil naimbestigahan na nila ang tungkol sa plane crash. Ang dahilan daw nito ay nawalan ng kontrol ang eroplano at hindi na nito napigilan ang pagbagsak. Sa dalampasigan pala sila bumagsak at mabuti nalang daw ay hindi sa dagat dahil mahihirapan silang hanapin ang katawan nila kung ganoon. Maaari rin silang malunodnat hindi makahinga kung sa dagat sila natuluyan.
Ayon sa interbyu kanina kila Blade at Valeen ay nang bumagsak ang eroplano ay sabay-sabay silang tumakbo palayo kahit masakit na ang katawan nila at hirap na hirap na. Gusto pa nga raw magpa-iwan ni Blade dahil sa sakit ng ulo niya ngunit buti nalang ay niligtas din siya ng kanilang pribadong piloto. Nakatakbo si Blade at naiwan ang pilotong si Arvin. Malayo na sila nang sumabog ng tuluyan ang eroplano at namatay si Arvin kasama ang isang flight attendant. Nakita rin ng mga pulis na nadaganan ng salamin ang flight attendant kaya ito hindi na nakalabas. Hinihinala rin nilang patay na ito bago pa man sumabog ang eroplano.
Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil nakaligtas silang tatlo kung hindi, siguro'y habang buhay kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari.
"Kami na po ang bahalang mag-ayos ng problema doon sa eroplano sir," sabi ng isang pulis.
"Siguraduhin niyong hindi ito makakarating sa media," paalala ni Spike. Tumango lang ang dalawang pulis at lumabas na ng kuwarto.
"Sabi pala ng doktor, madidischarge na kayo mamaya," sabi ko habang nagbabalat ng mansanas.
"Talaga? Salamat naman," sabi naman ni Valeen habang pinapadede niya si Braydeen sa bote nito.
"Hay, ang saya talaga!" Masayang sabi ni Blade. "Masaya pala ang mawalan ng kagwapuhan hahaha!" Biro naman ni Spike.
"Gag*, masaya lang ako dahil okay na tayong lahat diba mahal?"
"Oo naman."
Napangiti nalang ako. Binigay ko kay Blade ang plato na may mansanasnat kinain naman niya agad iyon. Naupo muna kami sa sofa ni Spike. Sumandal ako sa balikat niya. "I'm tired baby ko..."
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya.
Halos gabi-gabi ay wala akong tulog, maski umaga ay binabantayan ko sila. Nirequest namin sa doktor na pag-isahin nalang ang kwarto nila Blade at Valeen para di na hassle na pabalik-balik pa.
"Doon muna kayo magstay sa bahay mamaya bro," sabi ni Spike kay Blade.
"Talaga? Wow maganda 'yan," sabi naman ni Blade at ngumisi.
"Ano ba Blade? Nakakahiya," malungkot na sabi ni Val at binigay muna sa akin si Braydeen dahil magCCR daw siya.
Ngayon ko lang napansin na sobrang cute din pala ni Braydeen. Maputi ito at matambok ang pisngi. Para siyang amerikano, kung sabagay ay half canadian naman sila ni Ivaine. Mas matanda lang siya ng isang taon kay Ivaine at para silang kambal kung tutuusin.
"Huwag ka ng mahiya mahal, akong bahala kay Mama," sabi ni Blade paglabas ni Val ng banyo.
Tumabi naman si Valeen sakanya at nahiga sa tabi niya. "Pero galit si Mama sakin..."
"Ako na ang bahalang kumausap kay Mama," sabi ko habang nilalaro si Braydeen. Hindi na ako nakatiis at kinurot ko siya sa pisngi pero hindi naman ganoon kadiin, hehe ang cute kasi.
"Uwaaaaaaaa!" Nanlaki ang mata ko nang umiyak siya, napatingin naman silang tatlo sa akin.
"Hala, anong ginawa mo kay Braydeen?" Tanong ni Blade.
"Hehe sorry nakurot ko, ang cute kasi," sabi ko at nagpeace sign. Natatawang napailing nalang silang dalawa.
"Hayaan mo sa susunod tayo naman magkakababy wahahaha!" Nahampas ko tuloy si Spike sa sinabi niya. Kahit talaga anong sabihin nitong mahal ko, kinikilig agad ako kainis.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...