Chapter 9: Babe"SIR? B-ba't ka umiiyak?" Tanong ni Kuyang taxi driver sakin. Chismoso lang? Pero mukha namang mabait si Kuya eh. Di naman siguro masama magshare diba? Saka wala ngayon si Spike para patahanin ako.
"W-wala Kuya, broken lang hahaha."
"Nako iniwan ka ba ng girlfriend mo?" Yung totoo, kuya boy is that you?
"Ah o-opo," sabi ko nalang. Baka magaling mag-advice si Kuya edi gora na.
"Sus babae lang 'yan, maraming tao sa mundo. Malaya kang pumili kung sino ang kakaibiganin mo, pero hindi ka makakapili ng magmamahal sayo hanggang hindi tumitibok ang puso mo sa isang tao."
"Makahugot ka naman kuya, may jowa ka?"
"Single ako hahaha ewan ko ba manhid na yung puso ko eh."
"Jusko single pero makahugot hahaha! Dito nalang po," sabi ko at inabot ang bayad.
Pagbaba ko ay tinignan ko muna ang sarili ko sa phone ko. Pagpasok ko sa building ay hindi na ako nag-abalang umorder ng dinner sa food court. Wala akong ganang kumain, ang kailangan ko ay tulog. Tama, matutulog nalang ako. Pero may part pa rin talaga sa isip ko na sinasabing "Inom muna bago matulog, para paggising limot na ang lahat".
Yung para bang iisipin ko na lahat ng mga lagi kong iniisip. Hays, ayaw ko na talaga. Una palang dapat sumuko na ako. Una palang kasi dapat hindi ko na hinayaang mahulog yung loob ko. Ikaw ba naman kasi, kapag yung kaibigan mo caring at mabait sayo, paanong di ka mapofall diba? Iyon yung mahirap eh, dahil sa closeness nahuhulog ka ng hindi mo inaasahan.
Mabuti sana kung yung taong kinahulugan mo, kayang kaya mong umamin. Pero hindi eh, masyadong complicated ang lahat. Bukod sa lalaki rin ako at walang wala akong pag-asa kay Blade, magiging ama na siya. Magiging tatay na siya kahit 'di niya alam. Ano nalang iisipin nung bata paglaki at makilala niya ang tatay nya diba? Hays.
Kumuha ako ng wine sa ref at isang shot glass. Pumunta ako sa balcony at naupo sa duyan ko doon. Napakasarap ng sariwang hangin, damang dama mo talaga yung malamig na hangin.
Ang hirap hirap hirap pala talagang magmahal. Dati akala ko kapag nainlove ka sobra saya, pero mali sila. Kasi kapag na inlove ka, sobrang lungkot din pala. May kaklase kaming bakla rin, si Aaren, aka Ayeh. Siya naman kasi baklang bakla ang itsura, pagpasok no'n todo make up pa, 'di na nahiya. Ayoko sa mga gano'ng bakla eh, yung kay kakapal ng mukha tapos ang yayabang, syempre hindi ko nilalahat ah kasama ko dun eh. Ako yung tipo ng bakla na, lalaki pa rin mag-ayos. Lalaki pa ring kumilos at magsalita. Pero deep inside, yung puso ko malambot. Hahaha kaya ako marupok eh.
Hays ayoko na ngang magdrama, promise last na 'to. Itutulog ko nalang 'to. Tatayo na sana ako nang may umakbya sakin. Amoy pa lang alam ko na eh.
"Ba't napunta ka rito Spike?" Tanong ko. Buti nalang hindi ako magugulatin kung hindi kanina ko pa nasipa yung ano niya.
"Wala lang. Magkasama kayo ni Blade diba? Ba't mo pala siya iniwan do'n sa bar? Ayon nando'n sa condo ko, tulog, sinundo ko pa kanina," sabi niya at naupo sa tabi ko. Nagsalin siya ng wine sa shot glass at ininom, ang tamad talaga hindi kumuha ng kan'ya.
"Wala bruh masama kasi pakiramdam ko eh," tanggi ko. Hindi ko pa alam kung paano ako aamin sakanya na...na may gusto ako sa kapatid niya.
"Tsk masama raw. Alam kong nasasaktan ka ngayon bruh."
Napatingin ako sakanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sakin at parang, parang may alam na siya sa nararamdaman ko. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...