Chapter 11: He or She?PAGKALABAS ni Valeen sa office ni doc at agad siyang lumapit samin. Kanina ko pa hindi pinapansin si Spike, hiyang hiya pa rin ako sakanya.
"Waaaa! Sabi ni doctora okay naman daw ako. Healthy naman daw kaming pareho ni baby yehey!" Masayang sabi niya. Ayan nauulol na naman siya, de joke.
"Buti naman para kasing ganda ko ang soon to be inaanak ko 'pag labas niya," nakangiting sabi ko. Leche nadidistract ako kay Spike.
"Sus syempre ninong din ako, diba Bruh?" Taas babang kilay na sabi niya. Inirapan ko lang siya at nauna na kaming naglakad palabas ni Val.
"May binigay palang vitamins sakin si doc tapos kailangan ko raw uminom ng gatas na pangbuntis. Pwede ba tayong dumaan sa grocery?" Tanong niya.
"Oo naman sige," sabi ko.
Pagdating namin sa parking lot ay sumakay na kami ng sasakyan. Tumabi nalang ako kay Val sa likod dahil aasarin lang ako ni Spike.
"Oy manong driver daan tayong mall," sabi ko kay Spike. "Makadriver naman 'to porket--"
"Shut up!"
"Aya hahaha! 'Wag na sa mall, kulang p-pera ko..." nahihiyang sabi ni Valeen. "Sus ako bahala," sabi ko naman.
"Ehh? Okay lang nakakahiya na promise."
"Ano ka ba? Kaming bahala sa'yo," sabi naman ng driver este ni Spike.
Maya maya lang ay nakarating na rin kami ng mall. Pagpasok namin ay dumeretso muna kami sa isang fast food restaurant para magmeryenda, alas kwatro na rin kasi. Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papunta sa groceries. Habang papasok kami ay may nabangga akong lalaki...
"Ouch!"
"Ay sorry, Harley?"
Napatingin ako sakanya...si Blade.
"Blade? A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at napalunok siya. "Ahmm may b-binili lang. I-ikaw? Ba't nandito k-kayo?" Tanong niya habang nakaturo sa dalawa.
Nakita kong napaiwas ng tingin si Valeen at patagong tinakpan ng bag ang tyan n'ya. "Naglilibot, masama ba?" Nakangising tanong naman ni Spike.
"Ah no, sana tinawagan niyo ako para naman nakasama ako. Hindi yung kung sino sino lang sinasama niyo," nakangisi ring sabi ni Blade. Oops.
Magsasalita pa sana si Spike nang unahan ko na siya, "ahm, bro mauna na kami," sabi ko.
"Sige bro," ngumiti siya at umalis na. Lumingon ako sa likod at nakita kong kalalabas lang ng counter nung babaeng kasama niya. Kaya naman pala.
"Hayaan mo na yun Val."
"Oo nga let's go."
Pumasok na kami sa loob at ang una naming pinuntahan ay ang mga milks. Kumuha ako ng 3 box ng anmum, yaan niyo na si Spike naman daw magbabayad wahahaha!
"You need to eat foods na maraming calcium. You need cheese, sardines, beans, and yogurt," sabi ko ayon sa aking reasearch. Oh diba sabi sa inyo eh pwede na akong maging mommy hahaha.
"Yaaa! Yogurt!" Kumuha siya agad ng mga yogurt at nilagay sa cart.
Nag-ikot-ikot pa kami. Kumuha na rin ako ng eggs, peanuts, leafy greens, broccoli, fishes, berries and avocado. Fave namin 'tong avocado kaya for sure makakarami kami nito.
"Ikaw barbeque, baka nagkecrave ka," sabi ni Spike. Luh sinong kausap nito?
"Nababaliw ka na naman Spike. Nakahithit ka ba?" Asar na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...