Chapter 3: Kiss"HOY ano 'yang ginagawa mo ha?" Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Spike. Shit, nahuli niya ba ako?
"H-huh?"
"Nako ah hinalikan mo ba si Blade?"
"Gag* hindi ah. Ba't ko hahalikan 'yang kupal na 'yan?"
"Weh? Eh anong ginagawa mo kanina?"
"Hinipan ko l-lang yung mukha niya m-may dumi kasi," sabi ko. I try my best not to stutter but I already did.
Putcha naman kasi bakit bigla bigla siyang sumusulpot. Sana naman maniwala siya. Kapag nalaman niyang may gusto ako sa kapatid niya, it's either lalo niya akong asarin or iwasan niya ako. Please be careful next time, self.
Kinumutan ko na ang hubad niya katawan, syempre may pambaba siya no. Hanggang sa ayusin ko ang pinagkalatan ko ay ramdam kong nakatitig pa rin sakin ang dalawang mga mata ni Spike. Leche manman pa more.
"Oh nalove at first sight ka na ba sakin?" Pagbasag ko sa katahimikan. Mahirap na baka mabingi kami diba.
"Yuck! Baka lang kasi may gawin kang hindi kaaya aya dyan kay Blade eh," sabi niya at umayos na ng tayo.
"Maka-yuck naman 'to." Napapout nalang ako at lumabas na ng kwarto. Habang pababa ako ay tawa pa rin siya ng tawa, hala nabaliw na.
"Baliw ka ba? Tawa ka ng tawa?"
"Bakit masama ba?"
"Hindi, ang ingay mo eh parang iniipit 'yang ano mo eh."
"Yung ano?" Nagsmirk pa si Spike at tumaas baba ang kilay. Oh tapos?
"Wala," sabi ko habang inuurong ang pinagkainan niyang hayp siya.
"Ang boring anong gusto mong gawin bruh?"
"Bored ako pero wala akong gustong gawin."
"Ehh? Doon nalang tayo sa music room," aya niya. Humarap ako sakanya at nagcross arms. "Hmm sige pero kain muna tayo. May ice cream ba kayo?"
Ewan ko pero bigla akong nagcrave sa ice cream, may nakatatak kasi sa damit niya. Yung utak ko naman biglang napunta sa imagination world. Ang ending, siya tuloy gusto kong kainin, este yung ice cream sa damit niya. Naks naimagine ko rin sarili ko na...aysh nevermind.
"Huwag ka namang matulala sa kagwapuhan ko bruh," sabi niya at inabot sakin ang favorite kong ice cream, vanilla flavor.
Umakyat uli kami sa taas dala ang mga ice cream namin. Kinuha niya ang gitara habang ako naman ay naupo lang sa upuan. Hindi ako marunong maggitara pero gusto kong matutunan, kainis kasi ang hirap eh. Napapaisip nga ako, bakit yung iba ang bilis matuto ng gitara? Samantalang iistrum mo 'yon ng hindi ka nakatingin tapos sasabayan pa ng kanta. Hindi ba 'yon nakakalito para sakanila? Well, sabi nga kung ano ang passion mo, doon ka. Kung hilig mo 'yon at gustong gusto mo ang ginagawa mo, sasaya ka talaga at madali nalang ito para sa'yo.
Kaya ayon, tagakanta lang niya ako. Huwag ka, maganda boses ko, both girl and boy voice.
"Ano gusto mong kantahin?" Tanong niya habang inaayos ang gitara niya. Isa sa mga ideal man ko ang marunong maggitara, wala lang I just feel relax and comfortable kapag naririnig ko siyang tumutugtog lalo na kapag gitara at piano. It feels heaven on me.
"Malibu Nights," sagot ko. Nakakainlove ang kanta na 'yon lalo na't nakakarelate pa ako.
"Okay sige." Nagsimula na siyang magstrum.
"There's no reason, there's no rhyme. I found myself blindsided by. A feeling that I've never known, I'm dealing with it on my own. Phone is quiet, walls are bare. I drink myself to sleep, who cares? No one even has to know, I'm dealing with it on my own."
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
JugendliteraturIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...