Chapter 6: AgainKASALUKUYAN akong nakasakay ng jeep, dahil papasok na ako. Kung maaga akong nagigising, mas maaga akong nagising ngayon. Ay mali! Hindi pala ako nakatulog. As in wala akong tulog kakaisip sa mga leche kong problema. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang dapat kong gawin eh hays. Pati tuloy mga assignments hindi ko na nagawa, di bale mangongopya nalang ako kay Spike. Ganyan tayo eh kapag tamad sa kopya kumakapit hahaha.
Huminto ang jeep dahil may nagpara. At nasaktohan pang si Valeen iyon. Tumabi siya sakin at hingal na hingal na umupo. "Hay kapagod," sabi niya at nagpunas ng pawis sa noo.
"Anong ginawa mo at hinihingal ka?" Tanong ko.
"Nasiraan kasi yung sinakyan kong tricycle no choice nilakad ko nalang."
"Masama sa buntis ang nagpapagod."
"Shh oks lang 'yan."
"Anong oks oks?" Napairap nalang ako. Ang gaga talaga.
"Hehe sorry naman, ba't ang aga mo yata?"
"Wala lang maaga akong nagising eh," pagsisinungaling ko. Huwag niyo akong gayahin, sinungaling ako hahaha joke.
"Ganun ba. Ay nga pala may sasabihin ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Baka pwede akong makahiram sayo."
"Ng?"
"Pera sana, kasi due date na ngayon ng bayarin sa apartment ko eh wala akong pera ngayon. Baka pwedeng makahiram ng 5k, don't worry babayarin ko kapag sumweldo na ako," sabi niya at nahihiyang ngumiti. Nga pala, working student si Valeen syempre siya nalang bumubuhay sa sarili niya eh. Pero nung sila pa ni Blade lagi siyang spoiled sa lalaking 'yon.
"Ehh?"
"Sige na please? Hahanapan kita ng girlfriend yieee."
"Ayoko, wala akong time dyan."
"Chix nalang, ano? Hahaha!"
"Tsk oh eto na," naglabas ako ng 5k sa wallet. Gaya ng sabi ko, hindi ako, kami mayaman. Sakto lang ang ipinapadala nila Mom and Dad na pera sakin.
Nasa Italy sila, dahil doon sila nagtatrabaho eh. Hindi lang sila basta OFW, maganda ang trabaho nila doon. May kaya lang kami, yun lang. Saka nag-aaral pa rin kasi ang bunso kong kapatid which is si Haidee, grade 5 pa lang siya at doon siya sa Italy nag-aaral. Ba't ba ako napadpad dito sa Pilipinas? Well, pure filipino kami kaya nagpaiwan nalang ako dito saka madali kong nakakasalamuha ang mga tao dito eh. Si Haidee naman doon na talaga lumaki, alam niyo bang hindi pa kami nagkikita sa personal? Nakakalungkot talaga hays.
"Waaa! Salamat Harley, malaking tulong ito," masayang sabi niya at tumango nalang ako.
Maya maya ay bumaba na kami at pumasok sa school. Magkaiba kami ng building eh so maghihiwalay na kami. Mainam nga iyon para hindi na sila nagkikita ni Blade. Hindi naman sa ayaw kong magkita sila, kasi nga diba dahil sa sikreto namin ni Valeen.
Habang naglalakad sa corridor ay may narinig na naman akong umuungol. Tangina mukhang alam ko na kung sino 'to ah. Sumilip ako sa may pinto ng banyo at hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino yung lalaking 'yon, at iba na naman ang kahalikan niyang babae. Yun namang babae sige lang, kalalandi.
Sa inis ko ay binilisan ko nalang maglakad ng makaakyat na ako sa classroom. Pagpasok ko ay naupo agad ako sa upuan ko. Wala pang tao dahil sobrang aga pa, tinignan ko ang relo ko at 5:45 am pa lang. Usually kasi ang datingan ng mga estudyante ay 6:30 or 7:00 kasi 8:00 pa naman ang klase.
"Talagang inagahan pa ang pagpasok, makalandi lang," inis kong bulong sa sarili ko.
"Good morning bruh."
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
JugendliteraturIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...