Chapter 21: New LifeKALALAPAG lang ng pribadong eroplano ni tita Cha dito sa Toronto Pearson International Airport. Maya maya lang ay may huminto ng van sa harap namin at agad naman kaming sumakay. Natulog at kumain lang naman ang ginawa ko pero sobrang pagod. 14 hours and 30 minutes din kasi kaming bumyahe. Kaya naman bagsak agad ako pagkasakay ng van. Parang wala pa ako sa huwisyo at naiwan ang diwa ko sa eroplano.
Pumikit ako at sumandal, ipinilig ko ang ulo ko sa bintana. Kagigising ko lang pero parang inaantok na naman ako. Pero dahil gusto kong masilayan ang mga magagandang tanawin sa daan ay dumilat na ako at umayos ng upo. Nasa harap si tita katabi ng driver habang magkatabi naman kami sa likod ni Spike, sa pinakalikod naman ay ang dalawang yaya.
"Are you okay?" Tanong ni Spike sa akin kaya't napalingon ako sakanya. Tumango ako, "okay lang naman, ikaw?"
"Okay lang din, masaya."
"Sobrang saya mo ah hahaha!"
"Syempre naman, new life na 'to eh saka mas masaya kasi kasama kita," sabi niya at ninakawan ako ng halik sa pisngi. Aysh! Kasi naman eh...
"Huwag kang maingay baka marinig ni tita," sabi ko. Baka magalit iyon at sabihing pati si Spike ay nilalandi ko rin.
"Sus di 'yan. Ma, si Harley nga po pala."
"Oh?"
"Mahal ko ayieeee hahaha!"
"Spike!"
"Talaga? Ayieee bet ko 'yan nak. Okay lang 'yan, hindi ko kayo pipigilan. If you love each other then go on, huwag niyong isipin ang mga sasabihin ng mga tao sa paligid ninyo ah," sabi ni tita Cha habang nakatingin sa amin at nakangiti.
"Tita naman eh..."
"Totoo iyon hija, gusto kita para kay Spike. Wala naman sa gender iyan eh, basta nagmamahalan kayo ay ayos lang iyon sa akin."
"Salamat po tita. Hindi ko na alam kung gaano na karami ang utang na loob ko sa inyo."
"Wala iyon anak, matagal na kitang itinuring na anak mula noong maulila ka kaya't huwag kang magtanim ng utang na loob dahil lahat iyon ay ginusto ko."
Niyakap ko siya ng mahigit habang tumutulo ang iilan sa mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak ngayong araw. Makalipas ang dalawang oras ay nakarating na rin kami sa bahay nila si Spike.
"Wow ang ganda naman puro ginto," manghang sabi ko nang pumasok kami sa loob. As in ang ganda kumikinang sa kintab ang mga gamit at halata mong mamahalin lahat. Iba talaga kapag mayaman. Pero malungkot lang kasi mag-isa lang dito si tita Cha at tanging dalawang kasambahay at isang driver lang ang kasama niya pero ngayon nandito na kami.
"Hahaha design ko iyan at sakamat dahil nagustuhan mo," sagot ni tita sa akin at ngumiti naman ako ng malapad.
"O sya, pumasok na muna kayo sa mga kwarto niyo at magbihis dahil magluluto muna ako ng lunch natin."
"Sige po Ma," sagot naman ni Spike. Tinulungan kami ng mga kasambahay na iakyat ang mga gamit namin.
"Shems parang ayokong tapakan yung glass stairs."
"Sabi na eh magugustuhan mo talaga dito."
"Gustong gusto hahaha!"
Apat iyong kwarto dito sa taas. Ang nasa unahan daw ay kay tita at yung katapat ay kay Spike, tapos yung katabi noong kay Spike ay kwarto ko raw at yung katabi naman ng kay tita ay guest room.
May daan din sa harap para sa balcony at kita mo ang daan. May view din dito na makikita ang city. May dalawang upuan doon at lamesa para siguro kung magkukwentuhan kayo.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...