Chapter 20

54 11 1
                                    


Chapter 20: Goodbye

NAGHAHANDA ako ngayon para sa graduation mamaya. Isang oras pa naman bago mangyari iyon ngunit naisipan ko ng mag-ayos.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Siguradong si Spike iyon. Bumuntong hininga ako at tinignan ang toga ko.

Hays...nakakalungkot sobra.

"Oh bruh, bakit nakasimangot ka diyan?"

"Wala, malungkot lang."

"Bakit naman? Hindi ba ay dapat masaya ka kasi tapos na ang lahat?"

"Oo masaya ako dahil doon, pero mas nangingibabaw ang lungkot ko ngayon. Kasi naman eh, walang magsasabit sa akin," pagkasabi ko'y tumulo naman ang luha ko.

"Sus 'wag ka ng malungk-"

"Sinong nagsabing walang masasabit sayo Harley?" Nanlaki ang mata ko sa babaeng nagsalita.

"OMG! Tita! Kailan pa po kayo nakauwi?" Masayang tanong ko.

Hindi ko inakalang nandito siya ngayon. Balita ko kasi ay sobrang busy siya sa kompanya nila kaya hindi siya makakauwi. Naalala ko tuloy iyong sabi ni Spike kahapon, na uuwi raw kami ng Canada para i-surprise nga si Tita, pero tignan mo nga naman at ang bilis niyang nakapunta rito.

"Kaninang madaling araw lang Harley. Ang totoo niyan ay surprise itong pag-uwi ko," nakangiting sabi niya.

Close na close kami ni Tita at para ko na rin siyang tunay na nanay. Kaya naman ang saya dahil nandito siya. Dahil sa katuwaan ay hindi ko napansing nasa likod niya pala si Ate Tals at nakangiti rin.

"Ate Talie! Nandito ka rin pala hahaha."

"Nako ayan si Mama oh, nagpasundo pa sa airport eh busy ako sa pagpapaganda para sa graduation nila," natatawang sabi niya at mahina naman siyang nahampas ni tita sa braso.

"Tumigil ka nga dyan Talie, puro ka paganda eh mas maganda pa si Harley sayo," nakangiting sabi niya at niyakap ako.

Tinignan ko si ate Talie at tumango lang siya. So it means...matagal ng alam ni tita na bakla ako?

"T-tita, alam n-niyo po?"

"Matagal na hija, tanggap kita dahil alam kong may mabuti kang puso."

"Salamat po," sabi ko at muli siyang niyakap.

"Oh siya ako rin ang magsasabit sa iyo mamaya ah."

"Talaga po?"

"Oo naman, alam mo namang para na rin kitang anak."

"Salamat tita!"

"Group hug!"

Naggroup hug kami. Ang swerte ko talaga sa kanila dahil tinuturing na rin nila ako na parang tunay na pamilya.

"Hindi ba ako kasali dyan?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Blade. Himala at hindi niya kasama ngayon si Valeen. Nakiyakap naman siya sakin at agad ding kumalas. Ang akala ko ay nandoon siya sa mansion pero bakit siya nandito?

"Diba nasa mansion ka?" Tanong ni Spike.

"Tumawag si Mom na dito siya dederetso sa condo mo so pumunta na ako. Masama?"

"Hin-"

"Oh sya, umalis na tayo dahil malayo pa ang venue dito," sabi ni tita at nauna na silang lumabas ni ate Tals.

Sumunod naman kami nila Spike at Blade. Ewan ko pero bakit parang normal lang ang kilos niya? Hindi ba dapat ay umiiwas siya? Natauhan na ba siya? Ah basta inis pa rin ako sakanya. Narealize ko kasi na hindi porket mahal mo ang isang tao ay hindi ka na magtatanim ng galit sakanya. Saka sobrang sakit ng mga sinabi at ginawa samin ni Blade, ngayon ko naramdaman ang galit.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon