Chapter 4: CallPAGLABAS niya ay lumabas din ako para sundan siya. Ano ba nangyayari sa lalaking 'yon? Nakahithit ata eh.
"Hoy bruh!"
Aba hindi ako pinansin, sige lang.
"Hoy bato!" Sigaw ko dahilan para mapaharap siya sakin. Sinamaan niya ako ng tingin pero binalewala ko iyon.
"Ano ba?!"
"Anong ano ba?! Ikaw ano bang problema mo ah?!"
"Wala!"
"Eh bakit ka sumisigaw?!"
"Ikaw kaya!"
"Tsk ba't ba kasi?" I said in a low tone. I try to calm myself. Nakakabwisit na siya.
"Nothing, may epal lang na humarang sa daanan ko kanina," sabi niya at bumuntong hininga. Umupo siya sa sofa at sumandal doon. Tulog na be?
"K," sabi ko nalang. Sakto namang nagvibrate ang cellphone ko at agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
"Harley, magkita tayo sa Vintage coffee shop," mahina kong basa sa text ni Valeen. Oh tapos? De joke. Ba't naman kaya hano? Jusme magpapakatulay na naman ako sa kanila.
"Bruh alis na 'ko," sabi ko at tumango lang siya. Leche bahala nga siya dyan.
Lumabas na ako ng bahay nila at nagpahatid sa bayan sa driver nila. Close kami ni Kuya Limuel no hahaha.
"Sa'n tayo Harley?" Tanong niya. Ayoko ng tinatawag akong sir or mam, parang ang bastos ko kasi eh siya na yung matanda siya pa ang gumagalang diba.
"Sa Vintage coffee shop po," sagot ko.
Hays, gustong gusto ko ng malaman kung bakit sila nagkahiwalay ni Blade. Ano kayang pinag-awayan nila? Ano kaya ang naging problema? Gayong sa pagkakaalam ko ay wala naman. Sobrang nakucurious na ako, hindi na ako makapaghintay. Mabuti na nga lang at naisipan niya akong contact-in eh.
Maya maya ay nakarating na kami sa Vintage coffee shop. Dito sila madalas magdate ni Blade, minsan kasama ako, 'lam niyo na third wheel is life.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad ko siyang natawa sa loob sa may bintana. Nakayuko siya at may hawak na panyo. Agad naman akong pumasok ng coffee shop.
"Hoy teh ano na?" Tanong ko agad. Syempre 'wag na tayong magpaligoy ligoy pa.
"H-harley, w-wala na kami," sabi niya at nagsimula ng umiyak. Tumabi ako sakanya at idinukdok siya sa balikat ko.
"Alam ko, anong nangyari?" Nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanila. Biruan mo ba naman kasi biglaan eh. "I broke up with him." Napatingin ako sakanya.
"Bakit?"
"Confidental eh."
"Gaga sabihin mo na."
"Huwag kang magagalit at sana walang ibang makakaalam nito please," umiiyak na sabi niya at tumango naman ako.
"B-buntis ako."
"A-ano? Paano?"
"Naalala mo nung birthday ni Blade last month? May nangyari samin pero hindi niya alam dahil lasing siya no'n."
Napanganga ako sa narinig ko, literal. Buntis siya at si Blade ang ama? Putanginang buhay 'to.
"Lasing ka no'n?"
"M-medyo."
"Gaga ka ba't ka nagpabuntis? Nag-aaral pa tayo at bata ka pang bruha ka. Hindi mo naman kayang buhayin 'yan ng mag-isa. Nako kayo talaga, oo. Mga kabataan ngayon hindi mapigilan ang pag-iinit ng mga katawan. Naalala ko 30 na ata ang lolo at lola ko ng magkaanak sila tas ikaw 18 palang? Hustisya naman sa mundo ng sex oh," hinihingal na sabi ko. Abay nakakainis naman kasi. Heto namang si Blade ipinutok pa sa loob, putcha.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses, Pretty Lies
Teen FictionIt is very common for us to unexpectedly fall in love with the person we're close the most. Classmate, friend, best friend, even our cousin we really have this feeling that, oh shit I already fell for him/her. But the twist is, we are in the same g...