Chapter 16

58 13 0
                                    


Chapter 16: Revelation

KINABUKASAN ay maagang nagsi-alisan yung mga natirang bisita. Nanghingi pa sila ngbpasensya dahil nagkalat sila, sabi ko naman ay okay lang.

Linggo ngayon at katatapos lang naming mag-ayos ng condo. Si Val naman nagluluto. Sabi ko nga ay ako nalang pero mapilit siya dahil nakakahiya na raw ang mga naitulong namin sakanya. Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga nilabhan ko kanina, mabilis namang natuyo dahil may dryer.

Pagkatapos kong magtupi ay pinuntahan ko na sa kusina si Val. Nagluto siya ng favorite naming burger steak. Saktong naghahanda kami ay pumasok si Spike. I think naghalf day siya.

Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sakin kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Ano ba 'to siguradong sasabihin niya na agad kay Valeen 'yon.

"Ahm CR lang ako hehe," paalam ko ngunit pinigilan agad ako ni Spike. Hindi ako makatingin sakanya putcha.

"Oh oh bruh, may dala akong paborito mong siopao," nakangiti niyang sabi. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Kinuha ko ang dala niyang supot at may tatlong siopao doon.

"Sumabay ka na samin Spike," sabi ni Valeen.

Tumango naman siya at naupo na kaming tatlo. Syempre bago kumain ay magpepray muna. Pinangunahan ako na ang pagdadasal.

"Bless us, o Lord, and these, thy gifts, which we are about to receive from thy bounty. Through Christ, our Lord. Amen."

Sinimulan na namin ang pagkain. Nagulat nga ako nang paglagyan ako ni Spike ng pagkain.

"A-ako na," nahihiyang sabi ko.

"Ehem mukhang m-may something ah," sabi ni Val habang sarap na sarap sa pagkain.

"Huh? Ahm wal-"

"I'm courting her," nakangiting sabi niya at kumindat sakin.

Tatlong salitang nagpatalbog ng puso ko. At hindi lang 'yon ah, he even call me "her" which is first time kong masabihan no'n. Ang sarap sa feeling hay.

"OMG! Is that true?" Nanlalaking ang matang tanong sakin ni Val and I nodded.

"Ah oo hehe,"

"How? Mygosh! Kwento naman kayo dali," sabi niya uli habang ngumunguya.

"I love Harley, that's all."

"Ay nvm na nga lang hahaha. I'm happy for the both of you."

"Salamat."

"Oh kain pa-"

"Hey!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Blade.

Pare-pareho kaming napatingin sakanya. Maski siya ay nagulat nang makitang kasama namin si Valeen. Shit shit shit.

"Oh the birthday girl is here," sarkastiko niyang sabi. Napaiwas nalang ng tingin si Val at tumuloy sa pagkain. Tumabi siya sakin at ibinaba ang bag niya.

"Ba't ka pumunta rito? May pasok diba?" Tanong ko.

"Actually, sinundan ko si Spike and look he's here. Since naghalf day siya edi maghahalf day nalang din ako," sabi niya at kumuha ng plato. Sanay na ako dyan, kahit naman anong gawin niya dito sa condo ay okay lang.

"Excuse me," sabi naman ni Val nang makatapos na siyang kumain. Agad niyang niligpit ang pinagkainan niya at umakyat sa kwarto niya. Mukhang nasu-suffocate siya sa atmosphere dito.

"Hindi half day ang ginagawa niyo, cutting 'yon."

"Para namang hindi tayo malakas sa mga teacher hahaha!" Sabi naman ni Spike at nag-apir sila ng kakambal niya. Hays, ang unfair kaya noon para sa iba.

Stolen Kisses, Pretty Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon