Seatmate
"Charity!" tawag sa akin ng tatlo kong barkada. Kabarkada ko silang tatlo, simula noong high school palang kami ay magkakasama na kami kaya kahit dito sa college ay magkakasama pa rin kami. Iyon nga lang ay umiba si Mel ng kurso ay gusto niya kasi ay maging isang engineer kaya hindi na namin siya napilit nina Sandy at Weng na Business Management nalang din ang kunin niya.
"Oh para naman kayong nawawala niyan. Magtigil nga kayo, college na tayo. Ano ba kau?" galit kong sabi, ang iingay kasi nila kaya napatingin sa amin lahat ng tao dito sa school. Siya nga pala first day of school namin ngayon as college students.
"Yun nga eh college na tayo pero di tayo magkakasama. Nakakainis kasi!" padabog na sabi ni Mel
"Kung nag-bus. man. Ka nalang din kasi di sana magkakasama tayo." Natatawang sabi ni Sandy.
"Alam n'yo namang pangarap kong maging engineer di ba?"
"Yun naman pala eh, di panindigan mo!" Weng
"Hay mga pangit talaga kayo. Tara na nga yakap yakap tayo" malambing na sabi ni Mel kaya wala na kaming nagawa kundi ang magyakap talaga. Kahit ganito kaming magbabarkada ay masaya kami 'pag nagsasama-sama.
"Tara na guys baka ma-late na tayo" wika ko dahil 8:00 o'clock na ng umaga at first day pa naman ng klase.
"Ay oo nga pala. Sige Mel una na kami" sabi ni Weng kay Mel mag-classmates kasi kaming tatlo maliban sa kaniya.
"O sige" malungkot niyang sabi "basta magkita tayo later okay?" utal niya at patakbong pumunta sa kaniyang building. Kaya tumakbo na rin kami papunta sa aming building. Pagkarating namin sa classroom namin ay nakita kong may tatlo lamang na bakanteng upuan. May dalawang magkatabi at isang upuan na bakante.
"Paano yan Charity? Dadalawa lang ang magkatabi?" nakatinging sabi sa akin ni Sandy
"Don't worry! Ako nalang ang uupo dun sa isang bakante! Kayo nalang dun sa magkatabi!" nakangiti kong sagot sa kanya. Compared kasi sa akin ay matatakutin yang dalawang yan, kaya alam kong mas kakayanin ko ang mag-isa.
"Sure ka?"- Weng
"Oo. Sige na umupo na kayo." Sabi ko sabay tingin ko sa mga classmates ko. Napatingin din ako sa mga lalaki sa likod at ewan ko ba at hindi nila inaalis ang mata nila sa akin. Nagpatay malisya nalang ako at pumunta sa upuang bakante pero bago yun ay tinanong ko muna ang lalaking nakabusangot ang mukha.
"Aehm. Excuse me! Pwede ba ditong umupo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit sa akin ba yan at tinatanong mo ako!" sabi niya sabay irap sa akin.
"Excuse me rin! Kaya nga kita tinatanong para alam kong gumawa ng paraan kung sakaling may nakaupo diba?" galit ko ring sabi. Nakakainis siya. Tinatanong ko lang naman kung may nakaupo. Sasagot pa sana siya ng dumating na ang aming instructor.
__
300 PAGES LONG PO PALA ANG KWENTONG ITO..
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...