Mang Kanor’s House Day 2- Plant
Kahapon ay panay suyo sa akin ni Raven dahil pagkatapos ko siyang batukan ay nagkunwaring nagtatampo ako. Pero mga bandang hapon ay nakipagbati na rin ako sa kanya. Kaya ito todo ang paglalambing niya sa akin.
“Babe ah!” sinusubuan niya kasi ako dahil nandito daw si Jun. Gusto kong ako na sanang ako na ang kumain na mag-isa pero knowing Raven nga baka manggulo pa siya ‘pag hindi ko siya pinagbigyan.
“Marami pang nasa bunganga ko Raven!” giit ko pero mas lalo lang niyang isinubo sa akin ang susunod na pagkain na nasa kutsara niya.
“Okay lang ‘yan babe para tumaba ka at hindi ka na makawala sa akin!”
“Hoy Raven hindi pa tayo para sabihin mo ‘yan!” sumimangot naman siya sa sinabi ko. Parang bata talaga!
“Di bale ng hindi tayp ngayon basta magkasama tayo forever!”
“Walang forever!” giit ko kaya bigla nalang niya akong hinalikan sa labi kahit na nandito sina Mang Kanor sa harapan namin kaya hinampas ko siya.“Baliw ka ba? Nakita mong nandito sila?” bulong ko sa kanya pero pansin kong nakangisi lang siya saka ako tumingin sa apat na nasa harapan namin “Pasensya na po kasi baliw ‘tong kasama ko!”
“Okay lang yan iha! Bagay na bagay talaga kayo ni sir” –Mang Kanor
“Naku kung alam n’yo lang kung paano ko tinitiis na makasama ang kumag na to! Baka pagtawanan n’yo ako!” gusto ko kasing asarin ni Raven.“Tinitiis pala ah!” bulong niya sabay buhat sa akin na parang kakakasal lang “Halika at ipapakita ko sayo kung paano ‘yang sinasabi mong tinitiis”
“Hoy Raven saan mo ako dadalhin?” hinampas ko siya sa balikat at gaya ng lagi niyang sinasabi sa tuwing hahampasin ko siya.
“I love you babe!”
Ibanaba niya ako sa isang damuha sa likod ng bahay nina Mang Kanor saka siya humiga sa hita ko.
“Talaga bang tinitiis mo lang ako babe?” so naniwala talaga siya.
“Oo”
“Kung ganun uwi na tayo at ibabalik na kita sa daddy mo para sa susunod na araw ay baka masaya ka nang makasama ako!” ang drama?
“Sige” saad ko pero pansin ko ang pagpatak ng luha sa pisngi niya kaya niyakap ko siya patalikod. “Ito naman nagbibiro lang ako. Ang totoo ay masaya akong makasama ka at makalimutan ang mga nagdaang panahong puro pasakit ang nararamdaman ko!”Humarap naman siya sa akin at binigyan ako ng halik sa noo “Promise babe gagawin nating memorable ang mga susunod na araw, buwan, at taon ng masasayang mga ala-ala para tuluyan na nating makalimutan ang mga masasakit na nangyari sa buhay natin!”
Tumango naman ako “Tama ka Raven! Dapat simula ngayon ay dapat isipin nating magiging maayos na ang mga susunod na panahon na magkasama tayo!”“Nandito pala kayo! Tara na at kailangan n’yo nang magtanim ng asawa ko sir!” sabi ni Aling Rosa. Gusto daw kasing maranasan ni Raven kung paano ang magtanim ng palay.
“Sige po Nay!” tinignan naman niya ako at tumayo na siya “Tara babe para makapagluto ka at maihatiran mo ako ng pagkain mamaya!”Nang makapsok na kami sa loob ng bahay ay agad nagpalit ng sweater pambukid ni Raven saka nagpaalam sa akin na susunod na siya kay Mang Kanor sa bukid. Naiwan naman kami ni Aling Rosa sa kusina para magluto.
“Sigurado k aba ma’am na kaya mong magluto?” tanong agad sa akin ni Aling Rosa.“Oo naman Nay at saka huwang ng ma’am charity nalang para mas okay!”
“Naku nakakahiya naman po. At hindi ko po kasi inaasahan na sa ganda at yaman n’yong yan ay kaya n’yo po pa lang magluto!”
“Actually nasanay na po talaga akong maglouto dahil po noong medyo bata pa po ako ay naiwan po ako sa pangangalaga ng yaya ko. Kaya mula noon ay pinag-aralan ko na ang lahat ng dapat kong pag-aralan para pag dumating ‘yong time na magpapamilya na ako ay alam ko lahat ng mga gawaing bahay!”
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...