Graduation Day"Handa na ba kayo guys?" pasigaw na tanong ni Sandy sa amin dahil dito kaming natulog lahat sa bahay nila Kiel, para daw sabay sabay kaming pumunta sa school dahil ngayong araw na ang graduation namin.
"YES!" sabay sabay naming sigaw saka tumakbo sa kotse na pagsasakyan namin.
Umupo naman kami Raven sa front seat dahil kotse nila ang ginamit namin. Ayaw niya kasing mahiwalay sa akin.
Habang patungo kami sa school ay todo ang hiyawan ng mga nasa likod.
"Loves picture tayo dali!" anyaya ni Sandy kay Patrick pero umangal si Patrick.
"Ayaw ko nga baka kung ano pang gawin mo sa akin 'pag nakuhanan mo ako ng picture!" giit niya kaya pansin naming sumimangot si Sandy.
"Picture lang eh ayaw pa! Tsk! Manlalaki nalang ako later!" kunwaring nagtatampo si Sandy. Tinignan ko naman si Patrick at nakitang sumama ang tingin niya sa sinabi ni Sandy. I smell something haha!
"Excited na ako babe! Ito na ang katuparan ng mga pangarap natin!" bulong sa akin ng katabi ko samantalang ang iba sa likod ay todo ang hiyawan pa rin.
"Kaya nga babe! Hindi ko maimagine ang sarili ko 'pag nag-speech ako mamaya!" saad ko dahil ako ang pinakamataas ang marka sa lahat. Kaunting points lang ang lamang ko kina Patrick at Raven pero dahil sa points na 'yon ako ang napiling magbigay ng mensahe sa lahat.
Hinigpitan naman ni Raven ang kamay ko saka bumulong "Kayang kaya mo 'yan babe! Always remember I love you okay?" nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Anong konek?"
"Simple lang dahil mahal natin ang isa't isa kaya nakayanan natin ang lahat. Bakit 'di mob a ako mahal?" natawa ako sa tampu-tampuhan niyang mukha dahil hindi talag niya bagay 'pag ginagawa niya to.
"Tawa pa! hindi mo talaga ako mahal!"
Kinuha ko naman ang mukha niyang nasa daan lang ang tingin "Nakakatawa ka kasi babe! Wag mo nang gagawin 'yan babe kasi 'di mo bagay, promise! Hahahaha!"
"Basta 'di mo ako mahal" pagpupumilit niya kaya nakita kong tumingin sa amin si Mang Kanor at natatawa.
Kinuha ko ulit ang mukha niya saka binigyan ng mabilisang halik sa labi pero nakasibangot pa rin siya. "Galit ka pa rin babe?" tanong ko pero 'di siya umimik sa halip kinuha niya ang batok ko saka hinalikan ng todo.
"OMG! SPG! Takpan n'yo mga mata n'yo!" sigaw ni Sandy.
Hinampas ko naman si Raven sa balikat "Baliw ka na ba babe! Ang daming nakakakita?"
"Oo babe eh baliw na ako sa kiss mo at sa'yo!" aniya na may ibang meaning alam ko.
"Tigilan n'yo nga yan dahil nakakainggit kayo! Patrick kiss tayo?" yaya ni Sandy kay Patrick kaya nagtawanan na naman kami sa loob ng kotse.
"Kiss your face! Maghanap ka ng asong iki-kiss mo!" pagsusungit naman ni Patrick.
"Wala ka pala Sandy eh! Ang bagal mong manligaw!" ani Kiel
"Shut up dude!" sabi naman ni Patrick.
"Don't worry guys mapapasagot ko din 'to si Patrick my love!" wika ni Sandy kaya nagtawanan ulit kami.
"Ugly duckling!" rinig kong bulong ni Patrick na 'di narinig ni Sandy kaya nagtinginan kami ni Raven saka natawa. Mga baliw talaga!
Nang makarating kami sa school ay marami ng taong naroon. Meroong nagpapapicture na. Meroong nagdadaldalan. Meroong nakapila na at maroon din kasama ang kanilang mga parents.
Nakita naman naming dumating na rin ang mga parents namin. Nasa isang sasakyan din sila dahil para na rin silang magbabarkada dahil sa kani-kanilang mga businesses. Bawat isa sa kanila ay investor ng kompanya ng bawat isa. Ibig sabihin tulad ni mama ay nag-iinvest siya sa mga parents ng mga kaibigan ko. Ganun din ang iba.
"Mga amiga ang gaganda at ang gugwapo ng mga anak natin!" kanino pa ng aba mangagaling ang mga salitang 'yon kundi sa mama ni Raven.
"Kanino pa ba magmamana?" sagot naman ni Tita ang mama ni Patrick.
"Buti nga nakapagbakasyon ako kahit na isang buwan pa ulit sana ako sa Canada dahil sa business meeting!" saad naman ni mama dahil sa hingit 20 na kompanya namin ay lagi siyang busy at nagkataon na may kailangan siyang i-meet na investor sa Canada. Buti nalang at nakaalis daw agad siya.
"Kaya nga mga mare! Pero kahit na busy tayo kailangan natin silang puntahan dito para makapagcelebrate tayo!" mama ni Kiel
Kami ay nakikinig lang sa kanila dahil ayaw naming sumingit. Maya maya ay binasag ang katahimikan namin ng mama ni Sandy. Alam na kung kanino siya nagmana! Haha!
"Bakit wala kayong mga imik?" tanong niya sa amin.
"Paano kami iimik mama kung daldal na kayo nang daldal!" diretsong sagot ni Sandy kaya nagtawanan lahat.
"How about my two babies?" sabay kapit sa amin ng mommy ni Raven.
"Hon baka magusot ang toga ng mga anak natin!" pahabol na sabi ng papa naman ni Raven kaya inirapan siya ng asawa niya.
"Tse! Doon ka nga baka hindi ka makatabi sa akin mamaya!" singhal niya kaya napakamot nalang sa ulo ang papa ni Raven.
"Ano kumusta mga babies?" tanong ulit sa amin ng mommy ni Raven.
"Ma! How many times do I have to tell you, we're not babies anymore!" ani Raven kaya inirapan lang siya ng mommy niya.
"No! Wether you like it or not babies ko kayong dalawa!" singhal niya sabay tili.
Maya- maya ay narinig na namin ang emcee.
"Attention to all the graduates of 2014 to please assemble your lines because the program will start in 5 minutes! Again, all the graduates of 2014 to please assemble your lines because the program will start in 5 minutes! Thank you!"
"Paano ba 'yan babe kelangan muna nating maghiwalay dahil parents natin ang kasama natin sa pagpasok" sabi ko kay Raven kaya napakamot siya ng ulo.
"Fine! Basta pumila ka sa unahan at dapat kasunod mo ako, ganoon din sa upuan okay?" sambit niya. Tumango ako saka binigyan siya ng halik sa pisngi.
"Hoy mamaya na 'yan kasi pa-start na tayo!" ani Patrick sabay lapit sa amin.
"Bakit gusto mo din ba ng kiss love?" tanong naman ni Sandy habang nakasunod kay Patrick pero inirapan lang siya ni Patrick saka naglakad sa papunta sa pila.
Kinuha ko naman ang kamay ng mommy ko ganoon din ang ginawa ni Raven sa mga parents niya. Nalungkot ako dahil siya merong mommy at daddy pero ako si mommy ko lang. Napansin yata 'yon ni Raven kaya bumulong sa akin.
"Don't be sad babe okay? I love you!" ngumiti naman ako saka tumingin kay mommy ko na nakangiti.
"I'm so proud of you baby!" aniya kaya niyakap ko siya nang mahigpit.
"Thanks and I love you mom!" ganti ko sa kanya.
Nagumpisa na ang grand march. Isa-isang tinawag ang mga graduates based on their course. Noong BSBM na ang tinawag ay isa-isa kaming naglakad kasama ang mga parents namin pero noong uupo na kami ay humiwalay na sila ng upuan. Sakto namang magkakatabi kaming anim kaya natuwa kami.
"Attention! No pictures allowed po muna tayo habang nangyayari ang graduation." Paalala ng emcee kaya ang daming reklamo.
"Kainis saying ang ganda ko!" pagalit na sabi ni Sandy.
"Bakit maganda ka ba?" pang-aasar naman ni Weng.
Oo nga pala wala ring nakuha si Weng na honor dahil minsan siyang hindi nakapagtake ng exam noon dahil nadisgrasya siya at hindi rin nakapasok ng two weeks. Buti nalang inalagaan siya ni Kiel kaya siguro nahulog ang loob niya kay Kiel.
"Oo naman sinong nagsabing hindi ako maganda?" tanong ni Sandy kay Weng.
"Ako" sabat naman ni Patrick pero mas lalo yata siyang kinilig. Abnormal nga!
"I love you love!" sabi niya sabay flying kiss.
"Kiss ko din babe!" bulong naman ng katabi ko kaya siniko ko siya.
"Mukha mo babe ang daming tao!" saad ko.
"Gwapo kaya bagay tayo!" saad din niya kaya nagtawanan kaming dalawa.
Maya-maya nag-umpisa na ang program. Tinawag lahat ng graduates upang i-received ang kanilang mga diploma. Natapos din siguro ito ng 2 hours dahil sa dami ng graduates.
Sumunod naman ang message ng guest of honor and speaker. Pagkatapos isa-isa nang tinatawag ang mga hanay ng honor rolls.
Unumpisahan sa Cum Laude. Marami rami rin silang mga Cum Laude sa bawat course pero pagdating sa BSBM ay pinakamataas si Kiel.
"Kiel Villafuerte, Cum Laude" pagtawag ng emcee kaya todo ang palakpakan namin. Tuwang tuwa siya nang sabitan siya ng medal ng both parents niya.
Pagkatapos ng Cum Laude ay sumunod naman ang mga Magna Cum Laude kaya naghanda na kaming tatlo nina Patrick at Raven dahil sa batch na 'to kami lang ang Magna Cum Laude. Lahat sila ay puros Cum Laude na.
"This time let's call on our three Magna Cum Laude's" saad ng emcee kaya tumango kaming tatlo ay pumunta na sa harapan.
"Let's start with, Charity De Guzman, BSBM, Magna Cum Laude" tawag sa aking ng emcee kaya umakyat ako at sinalubong si mommy ko. Niyakap naman niya ako at saka sinabitan ng medal.
Hindi na kami umalis sa harap ni mommy dahil may naka-reserve na upuan sa amin sa harapan bilang pinamataas ang nakuha sa batch na 'to. Umupo naman kami ni mommy sa designated sit namin sa harapan.
"Next, Raven Josh Villafuerte, BSBM, Magna Cum Laude" nakita ko namang umakyat si Raven saka tumingin sa akin at nag- I Love You. Gumanti din naman ako kaya natuwa siya. Ganun din ang ginawa niya. Niyakap niya ang both parents niya saka siya sinabitan ng medal.
Bumaba din naman sila ng parents niya at saka umupo. Hinalikan naman ako sa pisngi ng parents ni Raven at saka nag-congrats. Ganun din ang ginawa ni mommy ko kay Raven.
"Lastly, Patrick Santiago, BSBM, Magna Cum Laude" nakangiti namang umakyat si Patrick saka niyakap ni tita at sinabitan ng medal.
Bumaba din si Patrick kasama si tita dahil hahabol nalang daw si tito kasi nasa important meeting siya. Naiintindihan naman 'yon ni Patrick dahil close silang mag-daddy.
"And now, let's call Charity De Guzman again to please come to stage as she delivers her words of thanks and words of encouragements to the graduate of 2014" saad ng emcee kaya tumayo ako. Pero sa halip na tumayo akong mag-isa ay inalalayan ako ng dalawa papuntang taas ng stage. Noong nakarating na ako sa taas ay hindi sila umalis. Para bang naging alalay ko tuloy sila.
"To our guest of honor and speaker" sabay tingin ko sa aming guest "To our dearest and hardworking university instructors and professors" tinignan ko lahat ng mga naritong mga instructors at professors "To our beloved parents, classmates, batchmates, friends and to all the persons inside this gymnasium who can witness as we finish our college life, good morning!" masaya ako habang binabanggit ko ang mga salitang ito.
"Today is the day that God has made for us to feel our hardships and perseverance as we finally finish our college life. To all our instructors and professors who taught us how to be like the person we are now, thank you so much. In our four years of staying here, well of course except for those graduate of engineering course because you rendered your five years of college life in this school, we witnessed different personalities and abilities that we can use in our future endeavors.
I entered here just like an ordinary lady. I even suffered I was like in everyday cock fight" natawa naman ang lahat. May mga sumigaw pa nga ng "ChaVen" maging ng mga instructors and professsors ay natawa din dahil sa alam nila ang nagyari sa amin ni Raven. Tinignan ko naman si Raven at todo ang ngiti niya.
"I also became a beauty queen, I also suffered sickness during exams but because of my dream and one person, I did great. To our parents who pushed their limits just to send us in this prestigious school, a lot of thanks. We cannot be here in this place now without your supports and admiration.
To our friends and classmates, who helped us during our projects, reports, activities in school and many more, thanks also.
I guess this is not the end of our ambitions in life because as we walk out from this gymnasium, that is already a sign of new challenge and new life that we need to face.
To our inspiration," tinignan ko si Raven kaya tumili na naman ang mga graduates sa loob ng gym. Nakita ko namang sigaw nang sigaw si Sandy at Weng.
Thank you because you're giving us the courage to continue fighting even if we're already tired. And lastly, to God who sent us into this world, million thanks! So, I guest this is how I end my speech. Again, CONGRATULATIONS AND MABUHAY BATCH 2018!"
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob pagkatapos kong magbigay ng mensahe. Gaya kanina ay inalalayan ako ng dalawa hanggang sa pag-upo namin sa assigned sits namin.
Pinatayo naman na kaming lahat at saka ipinalipat na ang tassel namin sa kabila na ibig sabihin ay graduates na talaga kami. Ibinato naman namin ang toga matapos nun at saka naglululundag sa sobrang saya namin.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...