Date
Sa sobrang bilis ng panahon ay hindi namin namalayan na February na pala at bukas ay Valentines na. Noong nakaraang pasko at new year ay magkasama pa rin kami ni Raven. Dito na sa Manila kami nag-celebrate. Kahit na anong sabihin kong dapat sa bahay nila si Raven magstay dahil new year pero talagang ayaw niya kaya wala na akong nagawa. Pagkatapos naman ng new year ay bumalik na si mommy ko sa Canada kaya nalungkot ako.
Palagi pa ring natutulog sa bahay si Raven kahit lagi nang nagtatampo ang parents niya. Sa huli ay 'di pa rin siya mapigilan kaya pumapayag nalang sila kahit ayaw nila. Para naman makasama nila si Raven minsan ay ako ang natutulog sa bahay nila na agad namang ikinatuwa ni Raven. Sinabi ko naman kay mommy ko ang bagay na 'yon pero tinawanan lang niya ako at pinayagan dahil may tiwala daw si mommy kay Raven.
Sa halip na sa guest room ako matulog ay sa kwarto ako pinatuloy ni Raven dahil sigurado daw siyang hindi ako magiging komportable sa kwartong 'yon. Inayawan ko siya noong una dahil nakakahiya pero sinamaan lang niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang.
"Good morning baby" bati sa akin ng mommy ni Raven na halatang bagong gising lang dahil may pinuntahan daw silang meeting kagabi at inabot ng madaling araw.
"Good morning mommy" tugon ko naman saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Ang sweet mo talaga baby!" saad niya sabay ngiti "Oh ang balita ko three days ka daw ditong matutulog dahil naoprehan 'yong anak ng nanay mo?"
Si manang ang tinutuloy nila "Oo nga po eh. Actually, kaya ko naman po kahit mag-isa lang ako sa bahay pero ayaw ni Raven kaya wala na po akong nagawa!"paliwanag ko
"Mas okay na 'yong nandito ka baby para 'di kame nag-aalala sa'yo. Syempre para dito umuwi si baby boy ko. Alam mo namang lagi siyang wala dito!" wika ng mommy ni Raven kaya natawa ako.
"Alam n'yo naman pong parang bata 'yon eh" sambit ko kaya tumawa nalang din kaming dalawa.
"Wait nasan pala 'yong batang 'yon?" tanong sa akin kaya sumagot nalang din ako
"Baka po natutulog pa dahil tinapos namin 'yong project namin kagabi. Gusto ko sana siyang tulungan kahit hatinggabi na pero ayaw niya kaya wala na po akong nagawa. Hindi ko nga po alam kong anong oras siya natulog eh"
"Ang gentleman naman ng baby boy ko" usal ng mommy ni Raven kaya nagulat nalang kami ng maya nagsalita sa likod namin na halatang bagong gising din.
"Narinig ko 'yon mommy! Ilang beses ko bang sasabihing hindi na ako baby!" singhal niya.
"Basta baby pa rin kita whether you like it or not" tugon niya sabay takbo papuntang kusina dahil ayaw niyang makipagsagutan kay Raven.
"Good morning babe!" bati naman sa akin ni Raven sabay halik sa pisngi ko kaya namula ako.
"Good morning din" wika ko sabay alis ng mata ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makaget over sa halik niya sa pisngi ko kahit lagi nalang niyang ginagawa ang bagay na 'to.
"Oy kinikilig siya!" pang-aasar niya kaya tinabig ko nalang ang kamay niya saka inirapan. Tinawan naman niya ako saka hinila papuntang kusina para daw makakain na kami dahil noong tinanong niya ako kung kumain na ako pero sabi ko hindi dahil talagang inaantay ko siyang magising.
Pagdating naman namin sa kusina ay inihanda niya ang mga kakainin namin. Lalagyan sana niya ang pagkain ko sa plato ko pero tinabig ko ang kamay niya dahil lalagyan na naman niya ang plato ko ng maraming pagkain. Sinamaan naman niya ko tingin pero wala siyang nagawa dahil ng kundisyon namin ay pagdating sa bahay nila ay ako ang masusunod pero sa bahay namin ay siya naman.
"Dapat sa bahay niyo nalang tayo nagstay kainis" rinig kong bulong niya kaya natawa nalang ako.
"Narinig ko 'yon Raven kaya wag ka nang bumulong diyan!" wika ko.
Kumain naman kaming dalawa ng tahimik. Minsan tinatanong ko siya at sinasagot naman niya. Ganoon din siya sa akin. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa labas para magtampisaw daw sa swimming pool para mawala ang antok niya dahil 3 am na pala siya natulog.
"Sabi ko naman kasi sa'yo sasamahan nalang kita pero ayaw mo" mariin kong wika dahil nakokonsensya ako sa pagtulog niya ng kulang.
"Ayaw ko ngang mapuyat ka! Di baling ako wag lang ikaw" saad niya sabay kindat.
"Ewan ko sa'yo" sabi ko nalang.
"Anong oras pala natin isusubmit 'yong project natin babe?" bigla niyang tanong sa akin.
"Aehm ang sabi nila Weng ay mamayang 3pm daw 'yong deadline dahil may pupuntahan si ma'am after 3 kaya kelangan nating isubmit 'yon before 3pm" paliwanag ko kaya tumango nalang siya.
"Babe tomorrow Valentines na!" paalala niya
"Oo nga eh. Di ko nga alam kung aatend ako dahil nahihiya ako!" saad ko kaya napansin kong lumukot ang mukha niya.
"Why not? Kung ganun kung di ka pupunta di na rin ako pupunta!" sambit niya
"Manhid! Bakit ba kasi di mo ako yayain?" sabi ko sa isip ko. "No pumunta ka para maenjoy mo!" singhal ko sa kanya.
"No kung ayaw mo wag nalang din!" pilit niya kaya hindi nalang ako umimik.
Matapos ang usapang 'yon ay napansin kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Raven. Maging nang i-pass namin ang project namin noong hapon ay halos 'di siya nagsasalita. Kaya hindi na ako nakatiis at kinalabit siya.
"Oy Raven bakit halos 'di mo ako pinapansin?" tanong ko sa kanya.
"Wala" sabi naman niya.
"Bahala ka diyan kung ayaw mo akong kausapin nang maayos edi wag!" mariin ko namang sabi at bababa na sana sa sasakyan pero hinawakan niya ako sa kamay.
"Sorry na babe!" umpisa niya "Ikaw kasi wala kang balak pumunta bukas.... Paano....paano...."
"Anong paano?" tanong ko naman sa kanya dahil hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin niya.
"Okay!'' kamot kamot pa rin niya ang ulo niya kaya inirapan ko nalang siya at bababa na sana nang tuluyan sa kotse pero nagulat ako sa sinabi niya.
"Fine! Paano kita yayayaing maging date ko kung di ka naman pala pupunta"
Lumingon naman ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti saka umiwas ng tingin.
"Babe please pumunta kana para maging masaya ang Valentines natin!" nagmamakaawa niyang sabi saka kinuha ang mukha ko at iniharap sa kanya "Please!"
At dahil hindi ko siya mahindian ay tumango nalang ako kaya sumigaw siya ng malakas kaya hinampas ko ang balikat niya.
"Para kang baliw kung makasigaw" usal ko.
"Eh sa masaya ako" aniya "basta babe ah wala nang bawian. Ikaw ang date ko okay?"
"Oo nga!" pagsang-ayon ko naman.
Naging masaya naman na ang oras namin noong pumayag akong maging date niya. Bumawi naman siya sa halos 'di nya pagkibo sa akin ng buong araw. Binilhan niya ako ng kung ano-ano at nanood din kami ng movie bago matulog kinagabihan. Nakatulog naman siya habang nanonood kami kaya hinayaan ko lang siya at inayos ang kanyang paghiga sa kama ko. Ako naman ay tumabi nalang sa kanya kasi wala naman sa akin 'yon at alam kong malaki ang tiwala ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...