CHAPTER 41- PRESENTATION

220 4 0
                                    


Presentation

Inabot kami ni Patrick ng ilang araw sa pagreresearch kay Mr. Illustre. Napag alaman namin na mayroon siyang dalawang anak pero nahiwalay sa kanya ang isa dahil sa paghihiwalay nila ng asawa niya.
Napag alaman din namin na mahilig ang pamilya niya sa arrange marriage at base sa research namin ay matagal ng naikasundo ang nag-iisa niyang anak sa isang mayamang kompanya din sa Manila.
Ngunit umalis daw ang anak niya sa Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa. Naging mailap pa ang ibang mga informations sa kanya kaya nagdecide kami ni Patrick na magpepresent kami ngayong araw sa kanya.
Kay Raven naman ay nagulat akong hindi niya ako kinontak mula noong huli naming pag-uusap. Lagi akong tulala at tinitignan ang cellphone ko dahil gustong gusto kong marinig ang boses niya pero kahit na fb niya at iba pang pwede naming gamitin para mag-usap ay nakapatay.
Kinokontak ko naman ang kaibigan ko saka tinatanong ko si Raven pero ang sabi nila ay nag out-of-town trip daw kasama ang kanyang lolo dahil may kailangan silang asikasuhin.
Hindi ko nalang pinansin ang pagkabagot ko at itinuon ko nalang ang pansin ko sa dapat naming ipresent ni Patrick dahil kapag natapos kami ng maaga ay makakauwi na kami mamaya ni Patrick sa Manila. Sa linggo na kasi ang 4th anniversary namin ni Raven kaya iniisip ko lang na nagpapamiss lang ‘yon at may surprise siya pag-uwi ko.
“Ready for the presentation babe?” tanong sa akin ni Patrick nang makasakay na kami sa kotse niya para umattend sa presentation namin ni Patrick ngayong araw.
“Yes. Let’s go para makauwi na tayo agad!” wika ko naman.
“Sus! Gusto mo lang makita ang babe mo eh!” pang-aasar niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
“Outs! Wag naman ‘yang abs ko babe!”
“Bakit may abs ba ang tagiliran?”
“Saan ba kunektado ang tagiliran ‘di ba sa tiyan kaya masasaktan din ang abs ko!” paliwag niya kaya binatukan ko siya.
“Mukha mo!” tinawanan lang niya ako.
Binilisan ni Patrick ang pagmamaneho kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa lugar kung saan namin ime-meet si Mr. Illustre.
Pagpasok namin ay agad kaming tinanong ng guard.
“Ano pong sa atin ma’am?” nakita kong pogi ang guard kaya ngumiti ako. Kung nandito lang si Raven malamang tinignan na niya ng masama ang guard na ito.
“Kay Mr. Illustre sir dahil may meeting kami” kako
“Ah! This way ma’am” sabi niya kaya pumasok na kami ni Patrick sa sinabi ng guard na kwarto.
“Kinakabahan ako Patrick” saad ko noong malapit na kami sa table noong kwarto na sinabi ng guard.
“Nasaan sila?” tanong naman ni Patrick sa guard
“Nariyan na po sila kanina pa! Wait tawagin ko lang” aniya saka inilabas ang cp niya para siguro tawagan si Mr. Illustre.
“Ma’am/Sir nariyan na po sila!” sabi noong guard kaya tinignan namin kung si Mr. Illustre ang dumating ngunit nabigo kami.
“I guess you are Mr. Santiago and Ms. De Guzman right?” tanong noong lalaking dumating sa halip na si Mr. Illustre “I am Richard Cruz, his secretary. He sent me here ‘cause he has something important to attend to. Kaya ako nalang ang makikinig sa presentation ninyo!”
Nagtinginan naman kami ni Patrick dahil sa gulat. Nang umupo na si Mr. Cruz ay inayos na namin ang dapat ayusin.
Sinimulan ni Patrick ang presentation at nakita kong nakikinig naman si Mr. Cruz. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit wala ngayon si Mr. Illustre samantalang maayos namin siyang nakausap last week.
Mahaba habang ang ginawang presentation ni Patrick kaya mahaba din ‘yong time na ginugol nila. Ang daming tanong ni Mr. Cruz pero nasasagot naman ito ni Patrick nang maayos.
Mga isa at kalahating oras din ang lumipas at tapos na ang presentation ni Patrick kaya ako na ang sumunod. Gaya ni Patrick ang dami ding tanong sa akin pero dahil sa pinag-aralan ko na ng mga ganitong bagay ay nasagot ko rin ang mga ito nang maayos.
Umabot din ng isang oras ang presentation ko. Pagkatapos ay nagkasundo na kami ni Mr. Cruz na sa Manila nalang namin pag-uusapan ang iba pang detalye sa mangyayaring investment ng company nila sa company namin.
Nagpaalam na kami kay Mr. Cruz nang natapos na ang pag-uusap namin. Mabilis naman kaming nakarating sa hotel kung saan kami tumuloy ni Patrick at saka mabilis na kinuha ang mga gamit namin.
Sa ngayon ay nakasakay na kami sa eroplano ni Patrick pabalik ng Manila.
“Until now nagtataka ako babe kung bakit hindi pumunta si Mr. Illustre sa usapan natin!”
Tinignan ko si Patrick “Oo nga eh! Ang ayos ayos nang usapan natin last Friday pero bakit wala siya!”
“May something akong naamoy!”
“At ano naman ‘yon?”
“Basta babe! Soon malalaman natin kung bakit!” wika niya kaya tumango nalang ako.
“Wait tumawag na ba ang babe mo?”
Nalungkot naman ako sa tanong niya saka umiling. “Baka busy lang ‘yon! Alam mo na ‘pag business ang pinag-uusapan talagang nawawalan tayo ng oras!”
“Eh first time niyang hindi tumawag o magtext man lang! hindi ako sanay” giit ko
“Di ba sa Sunday na ‘yong birthday niya at anniversary ninyo? Baka naman may surprise siya sa’yo! Alam mo naman ‘yon mahilig magsurprise” aniya kaya nabuhayan ako ng loob dahil talagang mahilig magsurprise si Raven.
Humulig naman ang ulo ko sa balikat niya dahil antok na antok na ako.
Nagising ako dahil sa pagtapik ng pisngi ko at nakita kong nakarating nap ala kami sa Manila.
“Sorry nakatuulog ako sa balikat mo!” wika ko dahil baka hindi siya nakatulog dahil sa akin.
“Okay lang babe ano ka ba! Tara baba na tayo!” yaya niya kaya bumaba na kami ng eroplano.
Noong nakalabas na kami ng airport ay nakita namin agad si Sandy na nag-aantay sa amin sa labas.
“Why are you here?” tanong agad ni Patrick noong makalapit kami sa kanya.
“Ano pa ba? Di sinusundo ko kayo!” sabi niya
“Who told you to fetch us?” magsungitan lang kayo.
“Me, Myself, and I because I love you!”
“Love you face?” masungit na singhal sa kanya ni Patrick
“Yeah I love my face because it’s all yours!”
“Pwede ba alis na tayo! Inaantok na ako eh!” singhal ko sa dalawa kaya natahimik sila at agad na pumasok sa sasakyan na nag-aantay sa amin.
Nang makapasok na kami sa sasakyan ay matutulog sana ako dahil 30 minutes naman ang biyahe namin pauwi sa condo naming tatlo nina Patrick at Raven pero kinulit ako ni Sandy.
“Ano tumawag na ba si Raven?”
“Hindi pa!” malungkot ko namang sagot.
“Hay naku! Pipiktusan ko talaga ‘yong lalaking ‘yon ‘pag may hindi ginawang maganda!” aniya kaya natawa ako
“Wag kang tatawa bes, dahil kilala mo ako. Ganito lang ako per ‘pag may nanakit sa inyo kahit sino pa ‘yan makakatikim sa akin!” sa amin kasi bukod kay Mel ay kilalang walang sinasanto si Sandy ‘pag may nanakit kahit sino sa amin.
”Baka busy lang!” saad ko nalang.
“Busy? Ang tagal naman niyang busy! Ang alam ko lang ay sinamahan niya ng lolo niya pero ‘di ko lubos akalain na hindi siya magpaparamdam sa’yo ng ganitong katagal”
“Hayaan mo na baka may surprise sa akin ‘yon dahil sa Sunday na birthday niya at anniversary namin!” wika ko kaya tumahimik siya.
“Siya nga pala pwede bang patulog sa condo mo bes? Antok na kasi ako!”
Tumango nalang ako at ipinikit ang mata. Maya-maya ay nagising ako dahil sa malakas na boses ni Patrick at Sandy na nagsasagutan na naman.
“Pinayagan ako ng bes ko na matulog sa condo niya kaya wala kang magagawa!” sigaw ni Sandy
“Sa condo niya ako matutulog dahil pagod ako at may makakain sa condo niya sa akin wala kaya umuwi kana!” ani Patrick
“Ano bang masama kung matulog tayong tatlo sa condo niya?” pinapakinggan ko lang sila.
“May masama dahil magkakaroon doon ng masamang ihip ng hangin!”
“At anong tingin mo sa akin masamang hangin?”
“Oo kaya umuwi kana!”
“Hindi pwede condo ng bes ko ‘yon kaya siya ang masusunod!” singhal ni Sandy
“Nakakalimutan mo na ban a she’s my cousin ko masusunod din ako! Kaya umalis ka na!”
“No”
“Sabi nang alis na eh!”
“Basta ayaw ko!” matigas na sabi ni Sandy
“Aalis ko o kakaladkarin pa kita pauwi?” sige Patrick tignan natin kung makakaya mo! Umamin ka na kasi!
“Fine! Aalis na ako at tutuloy sa bar para maghanap ng lalaking makakdate ko ngayong gabi!” sige lang Sandy.
Paalis na sana siya pero kita kong hinabol siya ni Patrick at pinigilan.
“Fine basta wag kang makulit!” saad niya sabay tatalikod sana pero umeksina ako.
“Sus kung nag-aminan na kasi kayo! Para kayong mga tanga halata naman gusto nyo ang isa’t-isa!” singhal ko sabay talikod at naglakad palayo sa kanila.
“Mukha mo babe!” rinig kong sigaw ni Patrick kaya tinawanan ko lang siya.
Nang makaakyat na ako sa condo ko ay agad koi tong binuksan. Nakasunod naman ang dalawa na walang imikan. Agad na dumiretso ako sa ref kung saan inilagay ni manang iniluto niyang pagkain dahil tinawagan ko siya upang ipagluto kami ni Patrick dahil uuwi kami ngayong gabi.
Mabilis ko namang naihanda ang pagkain at nakasunod ang dalawa. Habang kumakain kami ay wala pa ring imikan ang dalawa kaya nagsalita ako.
“Kinain niyo yata ang mga dila niyo!”
Sinamaan naman ako ng tingin ni Patrick saka nagpatuloy lang sa pagkain. Maging si Sandy na mabunganga ay wala ring imik.
Nang natapos na lahat kumain ay nagsipagligo na kami dahil antok na antok na kami.
Sa higaan naman ay kasama ko si Sandy samantalang si Patrick ay nasa kabilang kama pero sa loob pa rin ng kwarto ko.
Nakita naman siya ni Sandy na hubad matulog kaya namilog ang mata niya.
“Bes ang swerte ko sa cousin mo dahil bukod sa gwapo at sexy pa!” maririnig sigurado ‘yon ni Patrick dahil ang mahina sa kanyang boses ay malakas na sa karaniwang tao.
“Oo gwapo at sexy pero never mo akong magiging boyfriend kaya stop dreaming!” sigaw sa kanya ni Patrick kaya natawa ako.
“Tulog kana bes kasi ‘di ka mananalo sa kasungitan niyan!” saad ko nalang dahil antok na antok na talaga ako.
“Yeah! Kaya nga magpinsan kayo dahil parehas kayo ng ugali!” rinig kong bulong niya kaya hindi nalang ako umimik dahil totoo ang sinabi niya. ‘Pag kasungitan, number one kami ni Patrick.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon