His House
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil napagkasunduan naming susunduin ako ng kanilang driver papunta sa kanilang bahay. Pagkababa ko ay kumain na ako ng almusal at ng pagkatapos ko ay sakto namang dumating ang sasakyang sinasabi ng panget na 'yon. Huhugasan ko muna sana ang pinagkainan ko nang sabi ni manang ay siya na dahil dumating na nga 'yoong tagasundo ko.
"Alis na ako Nay!" paalam ko kay manang
"O sige ingat ka doon anak!" pahabol niyang sabi.
"Opo"
Pagkalabas ko ng bahay ay sumakay na agad ako sa kotse na magsusundo sa akin. Nang dumating ako sa kanilang bahay ay nahihiya akong pumasok dahil sa sobrang linis ng kanilang bahay at kumpara sa bahay namin ay walang wala iyon.
"Ma'am diretso nalang po kayo sa loob dahil gusto rin kayong ma-meet ng parents ni sir Raven, nandoon rin po siya" sabi sa akin ni Manong
"Ano ka ba manong Charity nalang 'wag ng ma'am hehe" sabi ko kay manong
"Hehe nakakahiya po sa inyo ma'am dahil nobya yata kayo ni sir Raven"
"Manong classmate lang po kami at hindi niya ako girlfriend" patawa talaga 'tong si manong
"Ganun ba saying namang ang ganda nyo po at ang kinis nyo pa, bagay na bagay kayo ni sir Raven" sambit niya sa akin "O sige ma'am pasok na kayo at inaantay na kayo sa loob!" wala na akong nagawa at hindi ko nasagot si manong sa pinagsasabi niya dahil may sumalubong sa akin na magandang babae kasunod ang matangkas na lalaki na kamukha ni Raven at kasunod naman siya.
"Oh my God! Ikaw ba si Charity? Tama nga ang mga kwento sa akin ni Rav! Ang ganda ganda mo"
"Ma, pwede ba!" nagulat talaga ako sa sinabi ng mommy ni Raven dahil sa tuwang tuwa ito at sinang ayunan naman ng kanyang daddy.
"Talaga naman ah! Kung maka-kwento ka sa kanya wagas. Well, I believe in your taste anak!" natatawang sabi ng kanyang daddy
"Psst." Sabi ni Raven sabay talikod at papunta sa isang kwarto.
"Ah, hello po ma'am and sir. Charity nga po pala, classmate ni Pa- este Raven!" nakangiti kong bati sa kanila
"Hello din ako nga pala si Ester at siya naman ang asawa kong si Jowell. Iha welcome ka sa bahay namin ah. 'wag kang mahiya. Hayaan mo na yun si Rav torpe lang talaga 'yon pagdating sa mga babae" nakangiting sabi sa akin ng mommy ni Raven "o siya sige pumasok kana sa room kung saan pumasok si Rav at dadalhan ko kayo ng pagkain doon okay?"
"Ah sige po!"
"Anyways, just call me mommy at call my husband daddy. Is that okay with you? Nag-iisa lang kasing anak namin si Rav kaya gustong gusto namin ang magkaroon ng anak na babae!" nakangusong sabi ng mommy ni Raven.
"Nakakahiya naman po!"
"Ano ka ba 'wag kang mahiya. Simula ngayon ay welcome kana sa bahay at ituturing ka namin para naming anak. Is that alright hon?''
"Yes honey" natatawa talaga ako sa tawagan ng mga parents ni panget kung kumpleto lang sana kami ay hindi ako makakaramdam ng pangungulila na gan'to. Pagkatapos naming mag-usap ng parents ni ay dumiretso na ako sa kwarto kung saan pumasok si panget. Pagkapasok ko ay ibinato sa akin ni panget ang isang libro.
"Ano ba! Bakit mo ako binato?" galit kong sigaw sa kanya
"Ang tagal mong pumasok dito. Kanina pa kita hinihintay eh!"
"Eh sa ang sarap kausap ng parents mo eh"
"Eh di doon kana sa kanila"
"Bakit baa ng sungit mo?" tanong ko sa kanya "Look I'm doing my best para 'di na tayo mag-away pero ikaw naman ang nakikipag-away sa akin! Paano natin 'to matatapos?" inirapan ko siya habang sinasabi ko ito pero nainis ako kasi sa halip na sagutin niya ako ay tinawanan niya ako. 'Yong tawang hindi mo aakalaing tataglayin niya.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya ngunit sinagot niya ako nang
"Bakit masama bang tumawa?"
"Oh mga anak ito na meryenda ninyo" biglang dating ng mommy nitong panget na to "mukha yatang nagkakasagutan kayo ah! Don't worry diyan nag-uumpisa ang lahat and nagtatapos naman sa pagpapakasal" wika ng mama niya sabay tawa ng malakas.
"Ma pwede ba! Hindi kami makakagawa ng report namain kung nandito kayo sa loob" nakasibangot na sabi nitong panget na 'to kaya nahihiya ako.
"Sige na nga lalabas na ako! Enjoy your day at Charity please bear with my son lagi kasing may topak yan eh" pahabol na sabi ng mama ni panget bago lumabas. Pagkalabas ng mama niya ay nagkasundo kaming magfofocus ako ako sa book at siya naman ay sa internet. Nagkapalagayan nga yata kami ng loob dahil nagagawa na namin ang makipagtawanan sa isa't-isa. Napag-alaman ko ring talagang masungit siya sa lahat. Inamin ko ring naiinis ako sa ugali niya at nalaman ko ring ballpen ko nga 'yong kinuha niya sa canteen. At alam nyo ba kung ano ang rason kung bakit niya kinuha 'yon? Simple lang trip niya. Binatukan ko tuloy pero tinawanan niya lang ako. Hindi namin namalayang hapon na pala at kailangan ko ng umuwi.
"Paano ba 'yan amasona kita-kits na lang tayo bukas sa bahay nyo okay?" sabi niya sakin habang natatawa.
"Tigil-tigilan mo nga ako panget diyan sa kakatawa mo! Para kang tanga! Pakisabi na lang sa parents mo na aalis na ako ah!"
"Sige." Umalis na kasi ang parents niya para umattend sa meeting daw nila sa kanilang sariling kompanya. Nagulat nga ako dahil kahit na mayaman sila ay down to earth sila kung makisama sa lahat. Matapos akong magpaalam sa kanya ay sumakay na 'ko sa sasakyan nila at inihatid na ako sa bahay. Pagkarating ko naman sa bahay na nag-usap kami ng mga kaibigan ko using video chat at nakatulog na rin ako ng maaga dahil sa sobrang busog ko rin ay di ko naisipan pang kumain ng gabihan kaya pinagalitan ako ni mama pero pinaliwanag ko naman at naintindihan niya.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romantiek__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...