New contract and new partner"Dad I can handle my self!" sabi kay daddy ko dahil ang sabi niya siya nalang daw ang maghahatid sa akin sa Tagaytay dahil may business meeting din daw siya doon.
"Princess, come on! Ako nalang okay? I just wanna be with you!" nagmamakaawa na si dad eh may magagawa pa ba ako?
"Fine dad! But how can I go home?" dadalhin naman kasi ni dad ang sasakyan so, anong gagamitin ko?
"I'll just send Arthur our driver to fetch you after your photoshoot!" good dad good!
"Okay!" wika ko nalang saka pumasok ng sasakyan.
"Just enjoy your vacation princess okay?" anong vacation?
"Dad photoshoot lang ang pupuntahan ko doon hindi bakasyon!" saad ko pero natawa lang siya.
"Hanggang kailan kayo ni mommy dito dad?" tanong ko dahil curious kung hanggang kailan sila dito.
"Until New Year!" sagot naman ni dad kaya na-amaze ako
"Really dad?"
"Yes my princess! By the way Cara will go home next month namiss ka na niya!" si Cara na laging kasama ng dad ko kung magkikita kami dati.
"Mabuti naman dad kasi miss ko na siya!"
Tuloy-tuloy lang kami sa pag-uusap ni dad nang hindi namalayang nakarating na pala kami sa pupuntahan ko.
"Princess enjoy your photoshoot and your vacation okay!" sabi sa akin ni dad saka humalik sa pisngi ko.
"Dad photoshoot lang today okay?" napatawa lang si dad sa sinabi ko saka ko rin siya hinalikan sa pisngi bago ako tumuloy sa venue na paggaganapan ng photoshoot namin.
Nakasalubong ko ang ibang mga kasamahan namin sa Canada na narito na rin pala sa pinas.
"Tan, where is Roger?" tanong ko sa isang kaclose ko na kasamahan ko. Kaclose ko naman lahat pero mas panatag ang loob ko kay Tan.
"Hello Charity! He is inside that room" tinuro niya ang isang kwarto kaya tumango ako at tumuloy na.
Nakita ko siyang may inaayos na papel kaya siguro hindi niya ako napansin na papalapit sa kanya.
"Roger" banggit ko pa lang ng pangalan ay aligaga na siya sa pag-aayos ng mga papel na nakakalat "what is happening to you? Are you okay?""Yeah! Here" inabot niya sa akin ang contratang nakasaad na magtatarabaho ako ng isang taon sa Pilipinas "sign that contract because we're running out of time. Ron really needs our photoshoot now" aniya kaya piniramahan ko na ang kontrata ng hindi binabasa. Sanay na kasi ako sa kanila. Todo ang pag-aalaga nila sa akin sa loob ng tatlong taon kaya may tinawala ako sa kanya.
Lumabas na kami ng room na 'yon para maghanda. Sakto lang kasi ang panahon at pansin kong alas dos na nang hapon pala. Kahit pala kasi nakaalis kami ni dad ng 8 am sa bahay eh inabot kami ng matagal sa daan dahil sa sobrang traffic. Buti nalang first day of photoshoot lang kami kaya inaasahan kong kaunti lang ang gagawin namin today.
"Beshie congrats" rinig kong galling sa likuran ko kaya bumaling ako sa kanya at nakita kong si Nico pala ang tumitili. Hay naku may kasalanan pa 'to sa akin eh!
Lumapit naman ako sa kanya saglit saka mabilis na binatukan.
"Aray!!! Kung makabatok ka naman beshie baka maalog na ang utak ko. Sayang naman ang ganda ko!"
"Kabayaran 'yan ng pag-iwan mo sa akin sa mall at sa kwagong anak araw na 'yon!"
Ngumiti naman siya ng matamis "Ayaw mo non? Kasama mo ang babe mo na sobrang gwapo pala! Ibigay mo nalang siya sa akin para naman mmaging masaya ako!"
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...