CHAPTER 10- LETTER

445 12 0
                                    

Letter

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil Friday at may kailangan kaming asikasuhin sa school ng maaga. Mabilis ang pagkilos ko kaya bumaba ako agad pero nagulat ako sa nakita kong nakaupo si Raven at diretso ang tingin sa akin.

"Oh ang aga mo yata! Ba't ka naparito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sinundo na kita para sabay na tayong pumasok. Sabi kasi ni mommy simula ngayon dapat isabay na kita para daw safe kang makarating sa school." Tugon naman niya sa tanong ko.

"Ganun ba? Nakakahiya naman kay tita kung lagi mo nalang ako ihahatid at susunduin! Kaya naman akong ihatid nina Weng or Sandy dito total magkakalapit lang ang bahay namin" totoo naman kasi na halos magkakalapit ang bahay naming apat. Sa loob ng anim na buwan at maging noong high school ay sila na ang kasama ko. Minsan nga sa bahay nila ako natutulog at kung minsan din ay dito sila sa bahay.

"Magagalit si mommy kapag tita pa rin tawag mo sa kanya. Dapat daw kasi mommy na rin. Miss kana nga noon eh even ni daddy!"

"Sige na nga mommy at daddy na rin ang tawag ko sa kanila" masaya kong sambit sa kaniya kaya nagulat nalang din ako at bigla niya akong niyakap.

"Sorry" sabi niya. "Nadala lang ako sa saya ko."

Kahit na naiilang ako sa kanya ay pinilit kong makipag-usap sa kaniya ng maayos. Hanggang ngayon kasi sa tuwing hahalikan niya ako at yayakapin ay para talagang sasabog ang puso ko. Alam kong nahuhulog na ako sa kanya. Noong mga araw na magka-away kasi kami ay hindi ko inaakala na darating kami sa puntong magiging nanito kami ka-close. Sa bahay na rin kami nag-agahan kasi nagluto si manang ng pagkain para sa aming dalawa. Para ngang mas ka-close niya si manang kesa sa akin. Habang tinatahak naman namin ang daan papunta university ay wala kaming imikan. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa nararamdaman ko para sa kanya.

"May problema ba tayo?" pangbabasag niya sa katahimikan namin.

"Wala! Naninibago lang kasi kasi sa mga nangyayari. Alam mo na dati kasi para tayong aso't pusa tapos ngayon sobra na tayong close" sagot ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw! Nakakapanibago lang talaga!" saad ko.

"Don't worry! Simula ngayon mas magiging close tayo at kakalimutan na natin 'yong mga panahong away na tayo ng away!" seryoso niyang tingin sa akin kaya kumakalabog na naman ang puso ko.

"Sure! Basta wag na wag mo na akong aawayin ah?" sambit ko habang tawa na ako nang tawa. Pero ang hindi ko inaasahan ay kiniliti niya ako nang kiniliti kaya ang ingay naming dalawa sa sasakyan. Kung tutuusin ay hindi mo mahahalatang may ganitong side 'tong si Raven dahil noong mga nakaraang buwan talaga ay masyado siyang bipolar.

"Ma'am at Sir, nasa school na po tayo" nakangiting sabi sa amin ni manong kaya nahiya kami at tumigil.

"Sige manong pakisundo nalang kaming dalawa mamayang hapon" pahabol ni Raven bago kami tuluyang bumaba.

"Sige sir!" tugon naman niya.

"Ah. Sige manong ingat sa pagdrive!" wika ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Nagpaalam na ako! Tama na yan!" singhal sa akin ni Raven kaya hinampas ko nga siya. Talagang bipolar 'tong lalaking ito. Nagpapaalam lang naman ako kay manong. Tinawanan lang siya ni manong.

"Ano ka ba! Nagpapaalam lang naman ako eh! Anong problema mo?" galit kong tanong sa kanya at napansin ko ring nakaalis nap ala si manong.

"Wala" sabi niya sabay walk out. Baliw talaga 'tong lalaking to.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon