Ballpen
Pagkatapos ng klase namin kay ma'am Padilla at sa mga sumunod pang klase ay napagpasyahan ng dalawa kong barkada na punta sa canteen upang bumili ng pagkain. Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa kanila kaya di ko sila pinapansin.
"Bes, sorry na! Totoo naman kasi sa ganda mong yan dapat mo yang ipagyabang" Sandy
"Ewan ko sa inyo" sagot ko sa kanila pero hinarang nila ako.
"Bes naman eh, wag kanang magtampo please. Ililibre kita ng pizza mamaya" paglalambing ni Weng pero inirapan ko pa rin sila.
"Group hug" natatawang sabi nung dalawa kaya wala na akong nagawa kundi ang yumakap sa kanila. Alam na alam talaga nila kung paano ako paamuhin.
"Basta next time. Wag n'yo nang uulitin yun ah" sabi ko sa dalawa
"Oo ba. Di bale napakilala kana namin di talagang di na mauulit ngayong taon, pero syempre iba next year" sabi ni Weng na agad namang pinandilatan ko naman.
"Joke lang" sabi ni Weng kaya niyakap naman niya ako. Dumiretso na kami sa canteen matapos nang pangyayaring yun.
"Ano order nyo mga bes?" tanong ni Sandy sa amin "sagot ko muna ngayon pero bukas KKB tayo ah"
"Ikaw na bahala!" sagot ko
"Sige. Wait nyo nalang ako ah?"
"Sige" sabay naming sabi Weng kayat napatingin kami sa isa't-isa at sabay na tumawa.
"Mga baliw diyan na nga kayo!" sabi niya tapos dumiretso sa unahan upang kumuha ng order. Habang inaatay namin si Sandy ay daldal naman nang daldal ang katabi ko kaya nakinig lang ako pero may naisip ako kaya binuklat ko ang bag ko para kunin ang ballpen nang may nahulog na ballpen at kita ko namang yun ang ballpen ko at pupulutin ko sana nang may pumulot din dun at nang tinignan ko kung sino at kung minamalas ka nga naman si busangot boy pa talaga.
"Ballpen ko yan. Akin na!" galit kong singhal sa kanya.
"Are you out of your mind? Hawak ko yan eh!" titig niya sa akin.
"Wag mo nga akong Ene-English English! Akin na yang ballpen! Bilis!"
"This is mine! And you don't care if I speak in English!" Sabi niya sa akin sabay labas ng canteen.
"Nakakainis ka! Pangit!" sigaw ko kaya napatingin lahat sa akin.
"Miss ba't ka galit?" tanong ng isang lalaki na kaharap ko.
"You don't care!" sabi ko sa kanya sabay walk out.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...