CHAPTER 33-PRESENT DAY

284 3 0
                                    

Present day
Napakagandang alalahanin lahat ng mga bagay na naging dahilan para maging kami ni Raven. Sa pag-iimagine ko ay naramdaman kong may humalik sa pisngi ko.
“Dreaming of me again babe?” mapang-asar na tanong niya ulit kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Asa ka babe” sabi ko babe saka kami nagtawanan.
“Pasok na tayo sa loob babe baka ma-late tayo at hindi tayo makagraduate!” aniya kaya sabay kaming pumasok. Lagi niya akong sinusundo gamit ang kanyang sasakyan pero nitong mga nakaraana araw ay sobra kaming busy sa thesis namin kaya kotse ko na ang ginagamit ko sa pagpasok sa schoo.
Habang naglalakad kami ay magkahawak an gaming kamay kaya pinagtitinginan kaming dalawa. Sanay naman na ako dahil simula noong naging kami ay ganito na ang palagi naming nakikita sa paligid namin. Pero si Raven sa tuwing may tititig sa akin ay hinihigpitan niya ang hawak niya sa akin saka ako iniirapan. Tinatawan ko nalang siya dahil masyado siyang maselos. Gaya nang nangyari sa amin noong unang linggo namin bilang mag-on
FLASHBACK
Nasa may tambayan ako at nakaupo nang may tumabi sa akin. Wala kasi si Raven dahil bibili daw ng pagkain namin.
“Miss pwede bang umupo?” tanong sa akin ng isang lalaking sophomore student.
Tumango naman ako “Pwede naman kasi hindi sa akin ang place na ‘to eh!” saad ko sabay tawa.
Tumawa din naman siya at nakita kong ang ganda ng dimples niya “Sinong kasama mo ba’t ka mag-isa?” tanong ulit niya sa akin.
“Ako boyfriend niya!” rinig kong sagot ng kararating lang na si Raven.
“Ganun ba? Sorry nakita ko kasing mag-isa siya kaya nilapitan ko lang habang inaatay ko ang girlfriend ko!” paliwanag niya kaya tumingin ako ng diretso sa kanya. Mahahalata mo namang gustuhin din siya ng babae dahil sa angkin niyang kagwapuhan. “Sige alis na ako! Nandiyan na pala ang girlfriend ko” paalam niya saka kumaway sa akin at ngumiti naman ako.

Tumawa naman ako saka hinampas siya sa balikat.
“Para kang tangang magselos babe! Kita mo namang may girlfriend ‘yong tao at saka ‘di ko siya type no!”
“So kung wala siyang girlfriend type mo?” tanong niya sabay irap ulit.
“Irap boy ka talaga!” sabi ko bilang pang-aasar sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin kahit na magkasama kami kaya gumawa ako ng paraan para pansinin niya ako.
“Ah babe!” sabi ko dahil gusto ko siyang subuan ng spaghetti na binili niya.
“Ayaw ko!” masungit pa rin niyang sabi kaya hinalikan ko siya sa pisngi saka sinubuan at ibinuka naman niya ang bunganga niya saka tinanggap ang pagkain na isnubo ko sa kanya.
“Ano okay ka na?” tanong ko naman sa kanya dahil pansin kong nawala na ang simangot sa mukha niya.
Tumango naman siya at niyakap ako “Wag ka kasing kumakausap ng kung sino-sino babe dahil baka makapatay ako ng tao!” bulong niya kaya tumawa ako saka hinalikan ulit siya sa pisngi “I love you!”
END OF FLASHBACK
“Sus nandiyan na naman ang love birds” saad ni Patrick habang hawak ang gitara noong nakapasok na kami sa loob ng classroom namin.
Tinutuo nga ni Patrick ang paglipat sa school namin noong magsesecond year na kami. Sa halip na third year na sana siya dahil panganay siya sa akin ng dalawang taon ay mas pinili niyang maging second year regular class kesa third year na magulo ang schedules niya. Makakasabay naman namin siya sa paggraduate dahil nagdouble time siya sa mga subjects na natake na namin pero siya hindi.
“Inggit ka lang naman sweetie” sabi naman ni Sandy sabay lapit kay Patrick kaya agad lumayo si Patrick at lumipat ng upuan.
“Wag na wag ka ngang lalapit sa akin dahil ang gaspang ng balat mo!” singhal niya kay Sandy kaya napansin kong lumukot ang mukha ni Sandy saka bumalik sa upuan nila ni Weng.
“Ikaw kasi tigil tigilan mon a si Patrick dahil hindi ka niya type!” rinig kong paalala ni Weng kay Sandy.
“Magiging akin din siya sa ayaw at gusto niya!” sagot naman ni Sandy kaya nakatanggap siya ng batok kay Weng.
“Mahigit one month nalang babe graduate na tayo anong plano mo?” biglang tanong sa akin ni Raven.
“Actually, gusto kong magwork sa kompanya namin dahil si mommy lang ang nagmamanage nito at pansin kong pagod na rin siya” saad ko dahil sa pagsususmikap ng mommy ko ay nakapagpatayo siya ng isang kompanya na agad namang lumago at nagkaroon ng more than 20 branches na sa buong Pilipinas.
“Ganun ba? Ako rin gusto ni ng parents ko na tulungan ko na silang i-manage ang kompanya namin dahil tumatanda na rind aw sila at ako lang naman daw ang magmamanage noon! Pero gaya nga nang sinabi ko noon ay gusto ko ring mag-build ng sarili kong company para naman may maipagmalaki ako sa mga magiging anak natin”namangha ako sa sinabi niya dahil may plano na talaga siya sa future namin.
“Sa akin naman gusto ko rin sanang i-pursue ang modeling pero gaya nga nang sinabi ko rin kawawa na si mommy so, I need to help her para naman makapagpaginga siya kahit ppapaano!”
“So, pangarap mo rin talagang maging modelo huh?” napatingin ako sa kanya sa tang niya.
“Yeah! Ang gandang to dapat ipinagmamalaki!” pagyayabang ko pero bigla nalang niya akong hinalikan sa psingi ko na naging dahilan ng pag-alingawngaw nang asaran at hiyawan sa loob ng klase.
“Ikaw talaga! Bakit mo ginawa ‘yon?” bulong ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
“Para ipakita sa lahat na ang piankamagandang dilag na sinasabi mong dapat ipagmalaki ay akin” saad niya sabay kindat “na hanggang tingin lang sila dahil ang pagmamay-ari ko ay dapat sa akin lang at wala nang makakagaw pa”
“Ewan ko sa’yo! Mukha mo talaga babe!” sambit ko kaya kiniliti niya ako sa tagiliran na naging dahilan ng paghiyaw ko.
“Kung gagawa kayo ng milagro, ‘wag dito baka hindi kami makapgpigil ni swettie at gawin din namin ‘yang mga ginagawa n’yo!” mapang-asar na sambit ni Kiel na pinsan ni Raven. Oo, lumipat siya sa school din namin dahil naakit daw siya sa ganda ni Weng at ngayon ay strong ang relationship nila ni Weng matapos siyang sagutin ni Weng last year.
“Tigil-tigilan mo nga ako kingkoy!” singhal naman ni Weng kay Kiel matapos nitong lumapit sa kanya.
“Di na tayo bati sweetie! Sige ka!” panakot naman ni Kiel pero sa palagay ko ay walang epekto ‘yon kay Weg dahil mas niya ito sinamaan ng tingin.
Noong dumating ang instructor namin ay binaggit lang niya ang mga requirements namin na kelangan ipass para sa aming final grade. Nabanggit din niya na final defense sa namin nextweek kung saan naton na birthday ni raven at third anniversary namin.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon