CHAPTER 40-BUSINESS TRIP

217 5 0
                                    


Business trip

Narito kami ngayon ni Patrick sa isang business trip sa Cebu. Kailangan kasi naming i-meet ang isang malaking investor na gustong maginvest sa business namin. Gusto sanang sumama ni Raven ngunit may bigla daw dumating sa pamilya nila.
Ang both parents naman niya at nasa London dahil gusto nilang magpahinga. Tatagal kami dito nang two weeks ni Patrick para maipaliwanag namin ang tungkol sa business namin sa investor.
Nalungkot naman si Raven pero kailangan naming gawin ‘to para na rin sa future namin.
“Wag ngang ganyan ang mukha mo babe, ilang araw lang naman kayo maghihiwalay!” saad ni Patrick matapos niyang maligo.
“Magbihis ka nga!” singhal ko naman sa kanya dahil nakakabadtrip ang kakisigan ng katawan niya. Mas maganda kasi ang pangangatawan ni Patrick kumpara sa babe ko.
“Para naman ‘di ka sanay sa abs ng babe mo!” pinalo ko naman ang balikat niya matapos niyang sabihin ‘yon kaya pumasok siya sa room namin at nagbibihis siguro. Maya-maya tumunog ang phone ko at nakita kong si Raven ang tumatawag.
“Hello” bungad ko
“Miss you babe!” sambit naman niya.
“Ako rin pero kailangan nating gawin ‘to babe for our future!”
“Wow! Future talaga babe? Gusto ko ‘yan!” masaya niyang wika.
“Bakit ayaw mo? Hanap nalang kaya ako dito ng magandang future ko! ‘Yong may abs!” gusto ko lang kasi siyang inisin dahil miss ko na siya.
“Wag mong susubukan babe dahil mapapatay ko ‘yang lalaki mo!” dama kong galit na siya.
“Bakit may abs ka ba?”
“Meron gusto mong hawakan pati na ang future mo?”
“Anong future?” nagtataka kasi ako
“Future, ‘yong alam mo na!” saad niya kaya agad kong nagets ang ibig niyang sabihin.
“Mukha mo babe! Ayaw ko niyan!”
“Darating din ang time na magugustuhan mo itong future mo babe! Baka araw-arawin mo pa!”
“Tarantado ka babe!”
“Hahahahahahahahahahahahaha!
“Sige tawa pa!” singhal ko
“Pwera biro babe miss na kita!” ramdam kong lungkot niya habang sinasabi niya to.
“Ako rin eh! Sana mabilis matapos ‘tong two weeks na ‘to para makita na kita!” saad ko.
“Kaya nga babe kung may time machine lang ako binilisan ko na ang oaras at araw para makasama na kita!”
Inabot ng thirty minutes ang paguusap namin ni Raven. Nang tinawag na ako ni Patrick dahil tapos na siyang magbihis ay nagpaalam na ako kay Raven para puntahan ang ime-meet naming investor ni Patrick.
Kuminang naman ang kagwapuhan ni Patrick sa kanyang suot habang naglalakas kami sa baba ng hotel na tinutuluyan namin dahil panay tingin sa kanya ng mga babae.
“Lapit ka sa akin babe dahil para akong nadudurog dahil sa tingin ng mga babae!” sabi niya habang nakisabay na siya sa akin sa paglalakad.
“Bakit ba kasi ang gwapo mo?”
“Eh ikaw bakit ka maganda?”
“Anong connect?” para kasi siyang tanga.
“Maganda ka kaya gwapo ako! Remember magkamukha ang parents natin!” saad niya kaya nagtawanan kaming dalawa.
Nang marating na namin ang sasakyan niya ay agad kaming sumakay dito at pinaandar na para mabilis kaming makarating sa place kung saan namin ime-meet ‘yong gustong mag-invest sa companies namin.
Naging mabilis naman ang pagdating namin sa lugar na sinabi niya.
“Ready babe?” tanong sa akin ni Patrick kaya tumango ako at naglakad na kami papasok.
Kinausap naman muna ni Patrick ang isang staff para agad naming makita ang investor namin. Sinamahan naman niya kami at nakita kong parang pamilyar ang lalaking nakaupo sa isang sulok.
“Good morning sir! Are you the person who wants to invest in our company?” agad tanong ni Raven matapos naming makalapit sa lalaking nakaupo.
Noong inalis niya ang salamin niya ay nagulat ako dahil si Mr. Illustre na tito ni Cara ang gsutong mag-invest sa companies namin.
“Mr. Illustre?” gulat kong sambit.
“Oh , you are Raven’s wife right?” naalala ko tuloy ang kagaguhang sinabi ni Raven.
“Ah yeah! Nice to meet you again!” saad ko sabay abot ng kamay ko.
“So do you know each other?” takang tanong ni Patrick
“Yeah! We met many times and I’m so thankful na kompanya niya ang gusto kong pang-invesan. Please take your seat!”
Tumango naman si Patrick at saka na kami umupo.
“So, let me start by introducing my self. I am Kenneth Illustre from Illustre’s group of companies. I am handling more than one hundred fifty companies worldwide. I got interested in your companies dahil pansin kong palaki na ito nang palaki so, I’ve decided to invest in your companies to help each other grow our companies.” nakikinig lang kami sa pakilala niya.
“It’s our turn sir! I am Patrick Santiago and this is my cousin Charity De Guzman” pakilala sa amin ni Patrick pero pansin kong may gulat sa mukha ni Mr. Illustre habang sinasabi ni Patrick ang mga katagang ‘yon “We are handling the De Guzman and Santiago’s furnishing companies. And just like what you have said, our companies are getting bigger. But let me just ask you one question sir, why are you interested in our companies if you have more than 150 companies already. And based on my research you are not interested to invest in any company here in the Philippines. That’s why I was shocked when I found out that you’re willing to invest in our companies.” Nagulat ako sa pinagsasasabi ni Patrick. Hindi ko lubos kasing akalain na magreresearch siya kay Mr. Illustre.
Ngumiti naman si Mr. Illustre “Hanga ako sa katapangan mo iho para itanong sa akin ‘yan. Yes, I am not interested in every companies here in the Philippines because they are the one who want to invest in my companies. But, when I read about your companies, I got interested into it!”
“So, you mean sir of all the companies here in the Philippines, you got interested in our companies. But why? I mean, there are more companies here in the Philippines who are bigger than ours!” sabat ko
“Very good understanding Ms. De Guzman. Actually I got interested in your companies because you’re companies is the only company who doesn’t want to invest in my companies. I don’t know the reason why but just like what I told you before I want to invest in your companies to know why you don’t want to invest in my companies”
“Actually sir, we are just the son and daughter of the owner of the companies that we are working for so, we cannot answer why our parents don’t want to invest in your company. But if you really want to invest in our companies then we can talk about it some other day. We’re gonna present next week about our companies so that we can have our agreement” diretsong sabi ni Patrick.
“Sure! Next week Friday, is that okay with you?”
Friday next week? Ibig sabihin matatagalan pa kami ni Patrick talaga dito. Limang araw na kasi kami ni Patrick dito sa Cebu dahil kailangan naming pag-aralan ang mga sasabihin kay Mr. Illustre. One week pa babe! One week pa!
“Deal sir! Just send us the exact address where can we meet so we can prepare everything we need for the presentation” sabi ko sabay tayo na kami ni Patrick at nakipagkamay kay Mr. Illustre.
“Let’s eat first?” yaya
“Next time sir! We’re going to attend a special meeting in other place” saad ni Patrick
“Is that so? Okay then, see you next week Friday!”
Mabilis naming nilisan ang lugar na ‘yon dahil kailangan daw naming magresearch ng mabuti about kay Mr. Illustre.
“I’m not convinced about his reasons babe! We need to research more on him to know what he really want why he is investing our companies!” 
“Mee to, Patrick. I’ve seen him so many times in Manila so I was shocked earlier when I saw him!” gulat lang kasi talaga ako kung bakit dito pa sa Cebu samantalang pwede naman sa Manila.
“Really? So mas kailangan talaga natin siyang pag-aralan.”
Nang makauwi na kami sa hotel kung saan kami tumutuloy ay agad kaming nagreseach tungkol sa buhay ni Mr. Illustre. Sana nga ay mabuti ang kanyang hangarin sa nais niyang pag-invest sa company namin.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon