Palawan’s Photoshoot-Day 1
Dalawang lingo matapos naming umuwi dito sa Manila ay lagi akong hatid sundo ng babe ko. Lagi din diyang gumagawa ng ways para mapasaya ako. Tulad last week.
Flashback
Pagpasok ko pa lang sa opisna ay nagtitinginan na ang mga empleyado namin.
“Good Morning ma’am!” bati nila kaya binate ko din sila.
Ngunit ramdam kong mayroon silang something na alam na wala akong idea kaya tinawag ko si Shiela ang secretary ko.
Nang makalapit siya ay parang kinikilig din siya.“Tell me anong meron ba’t lahat kayo halos makatingin sa akin na para bang may alam kayo na hindi ko alam!”
Tumingin pa siya sa iba bago nagsalita “Ah sorry ma’am! Bawal po kasing sabihin. Mabuti pa pong pumasok nalang po kayo sa loob ng opisina ninyo para po malaman ninyo!” tumango naman ako sa kanya.
Para sa akin kasi dapat mahalin natin ng buo ang mga empleyado para mas lalong lumago ang business na iyong pinapatakbo.
Pagkapasok ko ay agad kong nakitang nagkalat ang mga red petals sa loob kaya napangiti ako. Alam ko kasing may ginawa na namang kakaiba ang babe ko para mapasaya ako.
Diretso lang akong naglakad hanggang sa makita ko siyang nakataliko.
“Babe?”
Humarap siya habang nakangiti ng wagas.
“Good Morning babe! Flowers for you!” sabi niya. Ako naman ay kinikilig ako.
“Oy kinikilig siya!” panira ng moment.
Hinampas ko naman siya sa balikat ngunit sa halip na mag –I Love You siya ay ninakawan ako ng halik sa labi. May ko ba diyan sa sobrang adik niya sa kiss minsan ang lipstick ko ay nasa labi na aniya.Minsan nga umattend kami ng meeting ay pinagtatawanan siya dahil amy lipstick siya sa labi. Bago kasi kami pumasok ay hinalikan niya ako.
Pati ako nakitawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Ang adik mo talaga sa kiss!”“Kiss mo naman kaya dapat lang kaadikan!”
“Sus! Luma na ‘yang style mo mister. Ang sabihin mo talagang adik ka sa kiss!”
“Oo. Adik ako, adik sa’yo at sa labi mo!”
Tumawa naman kaming dalawa matapos niyang sabihin ‘yon.
Nang lumingon ako sa isang side ng office ko ay nakita kong may bagong table doon. At ‘yon ay ang table niya.
“Kanino ka nagpaalam na dadalhin mo dito ‘yang table mo?”
Sa halip na sagutin niya ako ay lumapit lang siya at bumulong.
“Bakit may magagawa ka pa ba? Wether you like it or not ay dito na ang office nating dalawa para wala ka nang iba pang makita kung hindi ang gwapo at macho mong soon to be husband mo!”Hindi ako nakaimik kaagad kaya hinampas ko siya sa balikat.
“Hoy office ko ‘to kaya dapat nagpaalam ka muna sa akin bago mo ilipat ‘yang mga gamit mo dito!”
“Sige ililipat ko ang gamit ko sa opisina ko. Pero dadalhin ko ang gamit mo doon at doon na rin ang office mo!” sa halip na sumagot ako ay binatukan ko siya.“Eh di ganun din ‘yon. Magkasama tayong dalawa sa isang opisina!”
“Kung bawal kasi dito doon hindi dahil welcome na welcome ka sa opisna ko!”
“Ah basta alisin mo ‘yang mga gamit mo para makapagtrabaho ako nang maayos!”
Sumama ang tingin niya sa akin “Fine! Aalisin ko ‘to para Malaya na kayong ng Jun mong magkita!” at saan niya nakuha ang ideyang ‘yon.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...